Rapz's POV
6:30 am Thursday
Paglabas ko sa unit ko dala-dala ang mga gamit ko, nakita ko si Russ na nakatayo sa labas.
"Ano naman kaya ginagawa niya dito ?" bulong ko.
Nagulat ako sa ginawa niya, kinuha niya yung travel bag na dala ko at siya na ang nagdala.
"Since inalagaan mo ako nung may sakit ako, babawi ako sayo ngayon. Wag ka nang kumontra. Okay?" sabi niya.
"Oh my God ! Russ, ikaw ba talaga yan ? Baka may mali sayo o may sumanib sayo ?" sarcastic kong sabi.
"Tsk ! Narealize ko kasi na ang sungit-sungit ko sayo tapos inalagaan mo pa ako kaya babawi ako sayo. Okay na ?"
"HAHAHAHA ! Ang drama mo ! Tara na nga." sabay higit sa kanya papuntang elevator.
Pagbaba namin, diretso kami sa parking lot.
"Russ, akin na yang bag ko. Sabi ni Manager di pa daw naayos yung car ko kaya magtataxi muna ako." sabi ko sa kanya.
"I'll give you a ride. Sabay ka na sa akin since parehas naman tayo ng pupuntahan."
"O-okay. Ano ba kasi nakain mo bat bigla kang bumait?"
"Yung lugaw mo ! HAHAHAHA" tawa niya.
Yung mukha niya, yung tawa niya. Ang gwapo niya pala talaga pag tumatawa. Sana lagi nalang siyang ganyan.
Heto na naman si puso, bumibilis na naman ang tibok.
"Tse !" inis na sabi ko.
"Joke lang ! Uhm, may favor sana ako kung ayos lang sayo."
"Sabi ko na nga ba ee, may kapalit to. Haaay ! Ano yun ?"
"Can we be Friends ?" tanong niya.
Sabi ng isip ko, "Sure. Why not ? Kung gusto mo Bestfriend pa nga ee." pero yung puso ko, yung puso ko ang sinisigaw, "Bakit ?! Bakit hanggang kaibigan lang ?" Hindi ko alam kung anong meron sa puso ko. Hindi kaya, gusto ko na siya ? No ! It can't be. "Rapz, may mahal na siyang iba kaya hindi ka mamahalin nan!" sabi ko sa isip ko. Kaya bago pa ako masaktan, pipigilan ko na 'to.
"S-sure. W-why not ?" paputol-putol kong sabi.
"Good ! ^___^" sabi niya na may malapad na ngiti sa mukha.
Nilagay niya sa likod yung mga gamit namin at pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Gentleman na ngayon ?" pang-aasar ko.
"Syempre !" sabi niya.
7:00 am na nung nakarating kami sa meeting place. Marami na rin silang nandun. Sinalubong naman agad kami ni Manager.
"Goodmorning Rapz at Russ. Kumain na ba kayo ng breakfast niyo?" tanong ni Manager.
"Not yet" we both said in unison.
"Ohh ! Good thing at nakapagdala kami ng pagkain. Punta na kayo dun, nandun narin sila Jasmine."
Napatango nalang kami sa sinabi niya. Pumunta kami sa table kung nasaan ang ibang staff at nandun din si Jasmine.
"Hi Ate Rapz !"
"Hi Jas ! Goodmorning."
"Anong gusto mong kainin ate ? Ikukuha kita." alok ni Jas sa akin.
"No ! Ako na. Kumain ka nalang diyan" singit ni Russ. Ano ba talaga nangyari dito sa isang to ?
"O-okay." sabi ni Jasmine.
Binigyan ako ni Russ ng isang plato ng kanin na may ham, egg, at hotdog.
"Ang dami naman nito ! Diet po ako ngayon." reklamo ko.
"Okay naman na yang katawan mo ee, bakit kailangan mo pang mag diet?" napa-ngiti naman ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinakita.
"Tsk ! Fine." sabi ko nalang.
Nakita ko naman yung ibang staff na nakatingin sa amin. Napansin siguro nila kung bakit kami magkasundo pero hindi ko nalang pinansin.
Pagkatapos namin kumain, pinatawag kaming lahat ni Manager. May announcement daw siya. Di pa pala namin alam kung saan pupunta.
"Since nandito na kayong lahat, sasabihin ko na kung saan tayo pupunta. Pupunta tayo sa Boracay !"
"Yes ! Woooh !" sigaw ng mga kasama namin.
"Tsk ! Beach na naman !" inis na sabi ko.
"Nice one." sambit ni Russ na katabi ko.
Magkatabi kami ni Russ sa eroplano. Ewan ko ba sa kanila kung bakit gustong-gusto nila kaming magkasama.
"Inaantok ka ba ?" tanong ni Russ. Napatango nalang ako dahil pagod narin ako at kulang sa tulog.
"Here." inakbayan niya ako saka sinandal sa balikat niya. Nagulat ako nung una pero dahil inaantok na ako, wala na akong nagawa kundi sumandal nalang sa balikat niya at magpahinga.Russ's POV
"Russ, gising na. Malapit na daw tayo." kalabit sa akin ni Rapz.
Hindi ko namalayan nakatulog narin pala ako sa sobrang pagod.
"Haaaay ! Nakatulog rin pala ako."
"Oo nga ee. Ang bigat ng ulo mo. HAHAHA." pang-aasar niya.
"Hiyang-hiya naman ako sayo."
"HAHAHAHA!" ang cute niya tumawa. Ang sarap pisilin ng pisngi. HAHA.
Pagdating namin, dumiretso agad kami sa isang hotel malapit sa beach para hindi na daw hassle pag nagphotoshoot na.
Pagkatapos namin magcheck-in, diretso na agad kami sa mga rooms namin. At dahil ayoko ng may kasama sa room, sinabi ko sa kanila na magsosolo ako. Si Rapz naman, kasama yung si Jasmine. Magkatapat lang naman kami ng room.
Nagpalit agad ako ng damit at natulog na.
Paggising ko, tinignan ko agad yung oras 7:30 pm na pala tapos biglang may nagdoorbell. Sila manager siguro to magyayaya magswimming. Pagbukas ko,
"Russ, baba na daw. Gusto daw nila magpicnic at night swimming." sabi ni Rapz.
"Sige, sunod na ako." sabi ko.
Nagpalit ako ng damit tapos bumaba na. Nakita ko yung isa naming staff kaya sinundan ko siya.
"Oh ! Ayan na pala si Russ ee. Kain na tayo!" sigaw ng Manager namin.
Pagkatapos naming kumain, nagyaya na silang magswimming. Wala na akong nagawa kaya sumunod nalang ako sa kanila.
Habang nasa tubig ako, nahagip ng mata ko si Rapz, nandun lang siya nakaupo at tila ang lalim ng iniisip kaya pinuntahan ko siya.
"Huy !" sigaw ko na siya namang ikinagulat niya.
"Ay Palaka !" sigaw niya
"Itong mukhang to ? Palaka ? Tsk !" pang-aasar ko.
"Hmp ! Bakit ka ba nandito ?"
"Ako nga dapat magtanong sayo niyan ee. Bakit ka nandito ? Bakit ayaw mo pumunta dun?" tanong ko na ikinasimangot naman niya.
"W-wala lang. Ehh, sa mas gusto ko dito ?"
"HAHAHA. Nagsuot ka ng ganyan tapos hindi ka pupunta dun ? Ano yun, ibabalandra lang yung katawan?" sabi ko. Nakasuot kasi siya ng two piece tapos hindi siya lalangoy ? HAHA.
"Paki mo ba ? Ehh, sa ayaw ko nga!" inis na sabi niya.
"Wag mong sabihing, hindi ka marunong lumangoy?"
"S-sino nagsabing hindi ako marunong ? Syempre, marunong ako ! Kapal mo!" inis na sabi niya.
"Ehh, bakit ayaw mo nga pumunta dun?"
"Wala nga ako sa mood. Dun ka na nga !" pagmamatigas niya.
"HAHAHAHA. Di ka lang talaga marunong."
"Epal ka ! Makaalis na nga." tumayo siya bigla tapos aalis na sana pero bigla ko siyang binuhat. Yung buhat na para kang nagbubuhat ng isang sako ng bigas. Basta yun na yun ! Pilit siyang kumakawala pero mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko. Sigaw na siya ng sigaw pero wala na akong pakialam.
"Ibaba mo ako Russ! Epal ka talaga. Ibaba mo ako !" sigaw niya. Marami nang nakatingin sa amin pero wala talaga akong pakialam. Pati yung mga kasama namin tumitingin sa amin tapos yung iba naman napapa "Ayieeh!" nalang.
"Ibaba mo na kasi ako! Ano bang trip mo?!"
"Sayang naman kasi yang suot mo kung hindi mababasa ee." sabi ko sa kanya.
Nasa bewang ko na ang tubig kaya hinarap ko na si Rapz sa akin.
"Walang hiya ka talaga *sniff sniff* Sabi na kasi sayo ayokong pumunta dito ee *sniff sniff*" Hindi ko namalayan, umiiyak na pala siya. Sumobra na ba yung pang-aasar ko sa kanya ? Naguilty tuloy ako.
"S-sorry. Gusto lang naman kitang pasayahin ee. Hindi ko naman alam na sumobra na pala ako."
"*sniff sniff* Nakakaasar ka ! Hindi naman kasi ako marunong lumangoy ee. Natatakot lang kasi ako *sniff sniff*"
"Sshhh. Sabi mo kasi hindi ka natatakot kaya eto. Sorry !" sabay punas ng luha niya. Napayakap nalang siya sa akin na siya namang ikinagulat ko at ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"Basta ba wag akong iiwan." napatango nalang ako as my answer. Hindi ko alam kung bakit parang may sariling buhay yung mga kamay ko na kusang gumalaw para yakapin din siya.
"Shhhh... Tahan na. Hindi naman kita iiwan ee." sabi ko sa kanya.
Ilang minuto rin kami nagstay doon. Napagdesisyonan narin naming umahon. Wala na yung ibang kasama namin pero umupo muna kami sa buhanginan. Hindi ko napigilan na itanong sa kanya kung bakit ayaw niya sa beach.
"Rapz, bakit ayaw mo makakita ng isang beach o pumunta sa beach?" tanong ko.
"Hindi naman sa ayaw ko at ayoko pumunta pero, natatakot lang ako sa pwedeng mangyari." naguluhan naman ako sa sagot niya.
"Anong ibig mong sabihin ?"
"Kasi, nung bata ako we used to go beach every summer. Ang saya-saya ko every time na pupunta kami sa beach pero one summer, may nangyaring hindi maganda. I'm 7 yrs. old before at may ate ako which is 10 yrs. old. Close na close kamimsa isa't isa. Actually, 3 kaming magkakapatid at pangalawa si ate. Since bata pa ako nun, talagang napakakulit ko. Pumunta ako sa dagat ng mag-isa. Hindi ko alam, hinahanap na pala ako nila Mommy. Lagpas na ng height ko yung tubig kaya hindi na ako makahinga at hindi ko natin masyadong makita yung paligid. The next thing I know, may isang babae na humila sa akin tapos dinala niya ako hanggang sa nasa tuhod ko na yung tubig pero slipper ko naiwan kaya walang nagawa nun si Ate kundi bumalik para kunin yun. Sinabi niya sa akin na mauna na daw ako kasi kanina pa ako hinahanap nila Mommy. Pumunta ako hanggang sa pampang pero pahlingon ko, wala na si ate." at tumulo na yung mga luha niya. Agad ko naman pinahid yung luha niya gamit ang kamay ko.
"Tinanong ako nila Mommy kung saan ako pumunta pero hindi ko na nasagot yun kasi nag-aalala na ako oara kay ate. Sinabi ko kila Mommy na sinave ako ni ate. At nung tinanong nila ako kung nasaan si ate, *sniff sniff* tinuro ko yung dagat kaya nagulat sila Mommy. Mag-gagabi na nun nung natagpuan nila yung katawan ni Ate at sabi nila, patay na daw siya. That time, sa akin sinisi ni Dad lahat. Sabi niya, bakit hindi nalang daw ako yung nawala kaysa si Ate. Wala akong nagawa kundi umiyak nalang. Alam kong galit din si Mommy pati si Kuya noon, pero ngayon natanggap na nila pero si Daddy, hanggang ngayon ako parin ang sinisisi niya. Ang sakit sakit Russ ee ! Hanggang ngayon, galit parin si Daddy sa akin. Kaya napagdesisyonan kong bumukod na sa kanila kasi ayokong lumala pa yung sitwasyon. Pumupunta nalang si Kuya Macky sa unit ko para ibigay yung allowance ko pero nung nalaman ni Daddy na binibigyan ako nila Mommy ng pera, naglit siya at pinutol yung communications namin nila Mommy. Kaya natigil ako sa pag-aaral. Buti nalang nakita ako ni Manager dahil kung hindi, ewan ko kung saan ako pupulutin ngayon. Kaya eto, model na ako ngayon pero yung trauma dahil dun, dala-dala ko parin" patuloy parin sa pagtulo ang luha niya. Hindi ko alam kung paano siya icocomfort kaya niyakap ko nalang siya.
"Shhh. Tahan na. Nandito naman ako ee. Hindi kita iiwan. Rapz, gusto ko wag kang iiyak ng wala ako sa tabi mo ha ?" Hindi ko alam kung bakit ko yan nasabi, dala narin siguro ng kwento niya. Ang saklap pala ng buhay niya. Kung titignan mo siya, parang ang saya-saya niya, pero pag nakilala mo na talaga siya, dun mo lang malalaman na, hindi pala siya ganun kasaya.
"Okay. S-salamat." paputol-putol niyang sabi.
"Ngayon ba, nag-uusap parin kayo nung Mommy at kuya mo?" tanong ko.
"Minsan lang. Sabi nga nila, buti nga naging model daw ako kasi kahit malayo daw ako, makikita parin nila ako pero hindi nila alam, kailangan ko din sila, kailangan ko din yung presence nila." kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa taas.
"Ang ganda ng mga bituin no ?" sambit niya. Alam ko naman iniiba niya lang yung usapan kaya hindi ko nalang pinansin.
"Uhm." napatango nalang ako sa sinabi niya.
"Alam mo ba Russ, lagi kong pinagdadasal na mahanap ko na yung star ko. Yung taong magmamahal sa akin kahit sino pa man ako. Yung taong kaya akong protektahan at yung taong kailan man hindi ako iiwan dahil ikamamatay niya pag nawala ako sa tabi niya." nagulat ako sa sinabi niya. Parehas lang pala kami ng gustong makasama.
"Dadating din yun. Malay mo, nandyan lang yan sa paligid." sabi ko.
"Ikaw Russ, nahanap mo na ba yun star mo ?" tanong niya sabay tingin sa akin.
"Ako ? Nung una akala ko nahanap ko na pero hindi pa pala. Siguro, dumaan lang siya sa buhay ko para mahanap kung sino talaga yung star ng buhay ko. Siguro, siya lang yung ginawa ni God na way para mapunta ako sa star ko. Hindi ako magsasawang hintayin kung sino man yung star ko dahil alam kong pag nagmahal ulit ako, ibibigay na ni God sa akin yun."
Napangiti nalang kaming dalawa habang nakatingin sa langit. Parang kanina lang ang lungkot niya pero ngayon, ngumingiti na siya. Hanga ako sa kanya, kasi kahit anong problema ang dumating sa kanya, lahat kinakaya niya. Nakakangiti parin siya. Hindi gaya ko, akala ko nung nawala sa akin si Elaine, yung mundo ko guguho na pero mali pala ako. Lesson lang pala ito para mas lalo pang maging matatag at para mahanap kung sino talaga ang tunay na nagmamahal sayo.
Hindi ko namalayan, nakasandal na pala si Rapz sa balikat ko. Napagod siguro siya kakaiyak. Inakbayan ko nalang siya tapos nagstay muna saglit doon.
"Bukas, papasayahin naman kita dahil ayokong nakikita kang umiiyak lalo na sa harap ko kasi, nasasaktan din ako." bulong ko.----*
How was it Sweetie's? Maganda ba ? Yan lang po pumasok sa utak ko ee. Wala na akong mapiga sa utak ko. HAHAHAHA. THANK YOU !!
BINABASA MO ANG
When Lonely Boy Meets Single Girl
Novela JuvenilWhat if a Single World meet a Lonely World ? Will they end up happy or pipiliin nilang maging single and lonely nalang ? Paano kung mahal na nila ang isa't isa pero may problemang dumating na dapat nilamg harapin ? Sila ba magkakatuluyan haggang hul...