Naglalakad ako papuntang elevator ng mapansin ko yung isang lalaki. Ang gwapo niya ! Nag-iisa lang siya . Hinihintay niya ring bumaba yung elevator. Napatingin ako sa paligid pero wala nang ibang sasakay. Pagbukas ng elevator, lumabas lahat sila at dun ko lang narealize na dalawa lang pala kameng sasakay. Pumasok kami tapos pinindot ko ang 3rd floor tapos tinanong ko yung lalaki,
"Anong floor mo?"
Tanong ko sa kanya pero di siya sumagot instead kinuha niya yung earphone niya at sinaksak sa tenga niya.
"Bastos !" nasabi ko nalang sa sarili ko sa sobrang inis. Oo gwapo siya, pero bastos naman.
Nang bumukas yung elevator, lalabas na sana ako nang bigla niya akong inunahan kaya muntikan na akong natumba. Lumabas ako agad at sa sobrang inis ko sa kanya, binato ko yung sandal ko sa kanya.
"Bastos ka !" sigaw ko. Nasaktan siguro siya pagkatama ng sandal ko sa ulo niya kaya bigla niya akong nilingon. Binigyan niya lang ako ng masamang tingin tapos binuksan na niya yung niya gamit ang password niya. Naalala ko, siya siguro yung pinaguusapan nilang bagong lipat sa tabi ng unit ko. Yung lalaking gwapo, mayaman, pero tahimik lang. In short, lonely boy. Oo, inaamin ko gwapo siya pero naiinis sa kanya kasi ang epal niya.
Pumasok nalang ako sa unit ko tapos nagpahinga na. Ang daming nangyari ngayong araw. Haaay ! Napanuntong hininga nalang ako sa sobrang pagod.Maaga akong nagising tapos nagprepare na kasi may photoshoot kami ngayon. Oo, isa po akong model ng isang sikat na kumpanya dito sa Pilipinas. Im living independent. Bumukod na ako sa parents ko sa kadahilanang malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. Ang babaw no ? Pero kasi, ayoko namang nakadepende nalang ang buhay ko sa kanila.
Pagkatapos kong maligo at kumain, lumabas na ako at nakita ko ulit siya. Yung ngiti sa paglabas ko ng pinto biglang napalitan ng simangot. Parang sira na agad ang araw ko nung makita ko siya. Inis na inis parin ako sa kanya. Since maaga pa at malelate na ako sa photoshoot, no choice na ako kundi sumabay sa kanya sa pagbaba ng elevator. Pagbukas ng elevator dali-dali akong bumaba papuntang parking lot. Malelate na kasi ako at ayokong mapagalitan ng manager ko.Pagrating ko sa photoshoot area, nagprepare na ako. Nagsimula na rin nila akong ayusan. Biglang lumapit yung isang photographer at kinausap ako.
"Rapunzzel Turner, nagback out nga pala si Daniel kaya may bago kang makakapartner ngayon."
"Whaaaat ?! What about the previous photoshoot? Uulit na naman po ba kami?"
"No. Iibahan daw ang concept ng photo shoot sabi ni Mr. Manager."
"Again ? Haaay. Okay fine. Asan yung guy ? I want to meet him."
"Okay. This way."
Sinundan ko yung photographer hanggang sa nakita ko siya na nakatalikod. Kinausap siya nung photographer tapos bigla siyang tumayo. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko. The next thing I know, nakaharap na siya sa akin and I was shocked na siya yung makakapartner ko.
"Rapz, si Christian Russ Enriquez yung bago mong partner."
"Ikaw ?!" sigaw ko at napatingin naman silang lahat sa akin. Hindi ko na narinig yung pangalan niya sa sobrang pagkagulat.
"Why Rapz? Do you ever meet him?"
"Yeah! He's my neighboor. Magkatabi unit namin at siya yung epal na lalaking sumira ng araw ko kahapon."
" Oww ! Great. Magkatabi lang pala unit niyo. Mabilis kayong magkakasundo." masayang sabi ng manager ko. Nandito na pala siya.
"Wala na bang iba ?" tanong ko sa Manager ko.
"Rapz, kailangan nating matapos ang photoshoot in 3 weeks at wala na tayong time kaya wag ka nang mapili."
"Urggggh ! Kainis." sabay lakad palayo. Di pa ako nakakalayo nang bigla siyang nagsalita,
"Psh ! As if naman gusto kitang makapartner." sabi niya.
Lumingin ako sa kanya sa sinabi niya. Sa wakas, narinig ko din siyang nagsalita pero minsan na nga lang siya magsalita, nang iinis pa!
"Huh ! Ang kapal ng mukha mo ahh! Hindi mo ba alam na madaming nangangarap sa isang katulad ko?!" inis na sabi ko sa kanya.
"Psh!" Yan lang sinabi niya at bumalik na ulit ako sa pag-aayos. Hindi lang pala siya bastos, mayabang rin pala.
Ilang sandali pa'y tinawag na ang lahat dahil magsisimula na ang photoshoot. Pumunta ako sa harap at sumunod ka rin.
"Okay, First shoot. Rapz, ipatong mo yung kamay mo kay Russ." at dahil gusto ko nang matapos ang letcheng photoshoot na 'to, ginawa ko nalang. Naalala ko, so Russ pala ang pangalan mo. Pagkatapos ng sandamakmak na pose diyan, pose dito ay natapos narin. Since bago lang daw siya dito, magpapawelcome party daw sila sa kanya. "Ang daming arte." ang tanging nasabi ko nalang sa sarili ko.
Uuwi na sana siya pero pinili nilang wag muna kaya wala siyang nagawa.
Pumunta kami sa isang bar na pagmamay ari ng kumpanya. Nasa iisang table kaming lahat at sa kasamaang palad, kaharap ko pa siya. Naiinis ako sa pagmumukha niya kaya gusto ko munang umalis.
"Restroom muna ako ha?"
"Sige Rapz." sabi ng isa kong photographer.
Papunta na ako ng restroom nang bigla akong tinawag ni Jasmine.
"Ate Rapz !" sigaw ni Jasmine.
"Oh, Jas bakit ? Pupunta ka rin ba ng restroom?"
"Opo Ate. Hihi. Sabay na tayo."
"Ohh, Sige."
Si Jasmine ? Siya yung make up artist ko slash bestfriend na rin. Lagi ko yang kasa-kasama. Parang kapatid na nga turingan namin sa isat't isa ee.
Pagkatapos kong magcr nag ayos ako ng sarili ko sa harap ng salamin.
Bigla naman lumabas si Jasmine.
"Ate Rapz, alam mo ba yung new partner mo ang tahimik. Ni hindi man lang magsalita. Halatang lonely."
"HAHAHA ! Ewan ko ba kung bakit siya yung nakuha nilang papalit kay Daniel."
"Pero alam mo ba Ate, nalaman ko sa isang site na dati na pala siyang nagmomodel pero sa ibang bansa. Sikat na sikat nga daw siya dun ee kaso bigla daw siyang umalis sa modeling dahil sa pabrebreak nila ng Ex-Gf niya kaya ayun, he decided to go back here in the Philippines." usisa ni Jasmine. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nacurious sa sinabi ni Jasmine. The next I know, pinilit ko siyang ipagpatuloy ang kwento niya.
"Tapos, masyado daw siyang nasaktan sa nangyari sa kanila ng Ex niya. Ikakasal na gaw daw dapat sila pero hindi daw natuloy kasi nalaman niyang ikakasal na sa iba yung babae. Tsaka alam mo ba Ate, dati daw siyang masiyahin, palatawa, at madaldal pero nagbago daw lahat ng yun nung iniwan siya nung girl. Sobra daw siyang nasaktan kaya nagung cold na siya. Ang parents daw niya nasa ibang bansa kaya mag-isa lang siya."
"Kung ganun, bakit pa siya bumalik sa pagmomodel?"
"Kasi daw Ate, gusto daw niyang ipamukha sa Ex niya na naka move on na siya."
"Ganun ba? Okay. Salamat."
Napatango nalang si Jasmine sa sagot ko tapos nauna nang bumalik.
--
Now I know kung bakit ganun ka kumilos. Sabi ko na, may reason kung bakit lagi kang malungkot. Bigala naman akong naguilty sa naging action ko towards you. Haaay ! Kung alam ko lang.---*
A/N: Hello Readers ! How's my Chapter One ? HAHAHA. Pasensya na ahh ? First timer lang kasi ee. Babawi ako. Salamat ! And Sino po marunong gumawa ng cover ? Pagawa po ako.
BINABASA MO ANG
When Lonely Boy Meets Single Girl
Fiksi RemajaWhat if a Single World meet a Lonely World ? Will they end up happy or pipiliin nilang maging single and lonely nalang ? Paano kung mahal na nila ang isa't isa pero may problemang dumating na dapat nilamg harapin ? Sila ba magkakatuluyan haggang hul...