Rapz's POV
7:30 na ng umaga nang magising ako. Paggising ko, nasa kwarto na ako kasama si Jasmine. Siguro binuhat ako ni Russ kagabi. Naalala ko yung nangyari kagabi, ang drama ko. Hindi ko akalaing ikukwento ko sa kanya lahat ng nangyari.
"Goodmorning Ate Rapz ! Baba na daw tayo at kakain na tapos magprepare na para sa photoshoot."
"Goodmorning din. Sige, thank you !"
Naghilamos na agad ako at nagpalit ng damit.
"Jas, may tanong ako."
"Ano yun Ate?"
"Minsan kasi yung puso ko, bumibilis ang tibok. Abnormal na yata ee. Pag masaya ako o pag may nangyaring hindi maganda, bigla nalang bumibilis ang tibok."
"Kanino mo po ba nararamdaman yung ganyan Ate ?"
"Sa isang kaibigan ko."
"Naku Ate ! Pag-ibig na yan!" sigaw ni Jas.
"Huh ?! Anong ibig mong sabihin ?"
"Kasi Ate, pag masaya ka sa piling niya bigla nalang bumubilis tibok ng puso mo, yung tipong parang kinakabahan ka. Pati pag may nasabi siya sa iyong hindi maganda, parang kumikirot yung dibdib mo. Ganyan ang senyales na inlove ka na Ate."
"G-ganun ba ?"
"Oo Ate. Ang swerte naman ng lalaking yan ! Ate, pakilala mo siya sa akin ha ? Hehe. Una na po ako sa baba."
"S-sige." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Posible nga kayang inlove na ako sa kanya ? Pero paano, kailan, saan ? Alam ko namang masasaktan lang ako ee, kasi may mahal siyang iba.
"Urghh !" napasabunot nalang ako sa katangahan ko. Sabi na nga ba ee, dapat umiwas nalang ako sa kanya dahil baka lumalim pa to. Ang tanga ko kasi !
Paglabas ko ng room namin, nakita ko si Russ. Nakatayo sa harap ng pinto.
"Goodmorning ! Sabay na tayo ?" tanong niya.
Relax Rapz. Kailangan umarte ka na hindi ka awkward para hindi halatang gusto mo siya. Great Pretender ka kaya !
"Goodmorning din. Okay. Tara?"
Bumaba kami at pumunta sa buffet ng hotel.
"Vegetable salad lang ?" tanong niya sa akin.
"Uhm. Oo. Bakit?"
"Sabi ko naman kasi sayo wag kana magdiet ee."
"Ehh, gusto ko nga ee."
"Tsk ! Bahala ka."
Pagkatapos namin kumain, nagprepare na kami para sa photoshoot.
Ilang sandali lang ay tinawag na kaming lahat which means start na ng shoot.
"Kung gusto ninyong makapasyal ngayon, do it perfectly para maaga tayong matapos."
"Yes Mr. Manager !" sagot namin.
4 hours din kaming nagshoot kaya ginutom kami. Napag-usapan nilang kumain daw sa isang sikat na restaurant dito pero sabi ko susunod nalang ako. Maya-maya pa'y dumating si Russ at tumabi sa akin habang nakaupo.
"Hindi ka ba. nagugutom ? o Diet ka na naman ?"
"Mamaya na ako kakain."
"Gusto mo mamasyal ?" kuminang naman yung mga mata ko sa narinig ko. Nakakasawa na kasi dito kaya gusto kong mamasyal.
"T-talaga ? Game!" napatayo naman agad ako.
"Magpalit muna tayo. HAHAHA."
Pumunta kami sa sarili naming room at nagpalit. Nagsuot ako ng white blouse tapos mini skirt na black with flowers and I wear my shoes.
Paglabas ko ng pinto, as usual nandun na siya naghihintay.
"Ready ka na ?"
"Yup !"
Inabot niya sa akin yung kamay na parang gusto niyang magkahawak kami ng kamay. Nung una, parang ayoko pero kusang gumalaw yung mga kamay ko na inabot din yung kamay niya. Napangiti nalang siya sa ginawa ko.
"Wait ! Saan pala tayo sasakay?"
"HAHA. Don't worry. May car si Manager dito kay hiniram ko muna."
"Oww ! Nice."
Pumunta kami sa parking lot at pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang ganda nung car, open yung bubong niya. Ang saya !
Habang nagdridrive siya, inabot niya sa akin yung isang sunglass. Pair nung sunglass na suot niya. Pinaghandaan ba niya 'to?
"Thank you !" sabi ko sabay abot ng sunglass na hawak niya.
After ilang minuto sa sasakyan, nakarating narin kami.
"Kung gusto mo makita yung buong lugar ng Boracay, you need to go upstairs. Kaya mo ba umakyat?"
"Oo naman." kahit ang taas nung hagdan na aakyatin namin, okay lang basta mag-enjoy ako. Magkahawak-kamay parin kami habang umaakyat ng hagdan.
"Alam mo, para tayong mag-jowa." napalingon naman ako sa sinabi niya at napangiti nalang.
Pagdating namin sa tuktok, ang ganda ng tanawin. Kunti palang tao dun kasi lunchtime.
"Wow ! Ang ganda. Kitang-kita mo lahat from here."
"Oo nga ee. Maganda dito pag gabi."
"Russ, dun tayo sa telescope."
Tumakbo ako papuntang telescope pero sa kasamaang palad naapakan ko yung kurdon ng sapatos ko. Napapikit nalang ako dahil alam kong matutumba ako pero since hawak ko yung kamay ni Russ, hinila niya ako at niyakap.
"Sorry." linyang lumabas mula sa bibig ko.
"No. Don't say sorry because It's not your fault. Basta next time, mag-iingat ka."
"Naexcite lang kasi ako sa view." sabi ko.
After namin nagsight seeing, nagpahinga muna kami saglit sa sasakyan.
"Russ, tignan mo to ang cute mo dito ohh." sabay tingin sa kanya tapos nakita ko nakatingin na pala siya sa akin tapos napaiwas naman agad siya ng tingin. Ang awkward tuloy ng paligid. Tapos bigla siyang nagsalita out of the blue.
"Rapz, nainlove ka na ba?" tanong niya out of the blue.
"Oo at hindi ko inaasahang sa kanya pa ako nagkagusto. Ikaw, oo syempre. Nagka-Gf ka na nga ee." sabi ko.
"Oo pero alam mo, yung pagkainlove ko noon at ngayon, ibang-iba."
"Anong ibig mong sabihin ?"
"Kasi dati, expected ko nang maiinlove ako sa ex ko pero ngayon ? Hindi ako makapaniwala na sa kanya ako maiinlove."
"Sino naman yung babaeng yun ?"
"Mamimeet mo rin siya soon." sabay ngiti ng sonrang lapad. Napangiti nalang rin ako pero alam niyo na, deep inside ANG SAKIT ! SAKIT !
Pagkatapos namin namasyal, umuwi na kami. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at nagpahinga.
"Ano kaya itsura nung babaeng gusto niya ? Maganda ba ? Mayaman ? Mabait ?" heto na naman ako, nagpapakatanga ng dahil sa kanya. I need some rest. Kailangang magpahinga ng isip at puso ko. Haaay !Paggising ko, nakarecieve ako ng text galing kay Jasmine.
"Ate, Umalis kami pero nagpaiwan si Kuya Russ. Pumunta kami dito sa isang bar. Since mahimbing daw ang tulog mo, hindi ka na namin ginising. Enjoy po !"
Pagtingin ko ng oras, 7:30 pm na pala. Ang haba ng tulog ko.
At dahil naboboring ako sa loob, lumabas ako at umupo sa buhanginan.
Ang dami nang nangyari sa buhay ko. Ang dami nang problema ang dumaan pero lahat ng yun kinaya ko ng mag-isa. Nung time na kailangan ko ng masasandalan wala ni isa ang dumadating. Ano ba nagawa kong mali kung bakit naging ganito ang buhay ko ? Nahihirapan narin ako minsan pero kinakaya ko parin.
"Haaay !" napabuntong hininga nalang ako sabay ng pagpatak ng aking mga luha.
"Diba sabi ko sayo wag kang iiyak ng wala ako ?" pagtingin ko, si Russ. Tinabihan niya ako sa pag-upo sabay abot ng panyo niya.
"Salamat."
"Ano ba nangyari ?"
"Wala. May naalala lang ako."
"Wag ka nang umiyak. Hindi ko tuloy alam kung paano ka icocomfort."
"Hindi mo naman kailangang gawin ee, pero thank you narin kasi kahit papaano may magcocomfort parin pala sa akin."
"Basta lagi mong tatandaan na lagi akong nandito para sayo."
"Thank you !" sabay ngiti sa kanya.
"Una na ako dun ha ? Wag ka nang umiyak." pag-alis niya, dun na tumulo yung luhang pinipigilan ko.
"Ang daya mo Russ ! Bakit kasi naging mabait ka pa sa akin ee ! Sana, maging mayabang ka na lang ulit hindi yung ganito. Pinapakita mo sa akin na concern ka tapos aasa ako tapos sa huli, masasaktan ako ! Ang unfair mo Russ. Hindi mo naman kailangang bumawi sa akin ee. Hindi mo naman kailangan maging mabait sa akin kasi mas lalo akong nahihirapan, kasi mas lalong lumalalim yung pagtingin ko sayo at ayokong dumating yung araw na iiwan mo rin ako ng nag-iisa at wala nang masasandalan pa. Ayokong sa huli, ako yung masasaktan at maguging tanga." hagulgol ko. Wala akong paki kung pagtinginan ako ng mapga tao dito. Gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko.Sana, sana bukas paggising ko, wala na yung sakit. Sana paggising ko, hindi nalang ulit siya kilala at sana paggising ko, hindi ko na siya mahal.
----*
How was it ? Hehe.
BINABASA MO ANG
When Lonely Boy Meets Single Girl
Teen FictionWhat if a Single World meet a Lonely World ? Will they end up happy or pipiliin nilang maging single and lonely nalang ? Paano kung mahal na nila ang isa't isa pero may problemang dumating na dapat nilamg harapin ? Sila ba magkakatuluyan haggang hul...