𝟷𝟷𝟹/𝟸𝟶𝟶

14 4 1
                                    

Buhay Kolehiyo
Spoken Word Poetry
By : YanieWrites

Buhay ng isang kolehiyo ang ating pag-uusapan.
Simulan natin sa ating paaralan,
Habang ako ay tinatahak ang daan
Patungo sa tagumpay ang aasahan.

Agahan at di mo na magagawa o magagalaw pa
Pati na rin ang pagligo sa umaga.
Tunog at may nag-salita na hudyat na magsisimula na.

Alas otso sa umaga ang oras ng Simula
Simula ng kalbaryo at hirap bilang estyudanting kolehiyo
Harapin hamon ng buhay , iyak at lungkot
ay bigyang inspirasyon o gabay
Gabay patungo sa maganda buhay.

Tapos na ako sa una at ikalawang yugto
Muling buksan ang pinto ng libro
Makinig sa sinasabi ng guro
Mag-aral ng maigi upang matutu.

Sa bagong pahina
Talino ay kailangan ng mahasa
Upang matagumpay na  sa dulo ng pag-asa
Wag ka mawalan ng pag-asa , makakatapos ka kagaya nila.

Buhay kolehiyo kagalingan ang iibayo
Sa sipag at tiyaga ang magiging sandata mo
Buhay kolehiyo dito natin makakamit ang pinapangarap mo
Wag mawalang ng pag-asa o huminto.

Kolehiyo bagong yugto
Bagong tagpo
Pluma at papel ang puhunan dito
Tiwala sa sarili ay isa sa kailangan mo.

Ito, ito ang panibagong hakbang na kailangan mong tahakin,
Pagiging matatag at kabuuhan ng personalidad dito'y kailangang paunlarin.
Pinagtagning puso't diwang papayabungin!
Upang magandang kinabukasan iyong papalarin.

Buhay kolehiya ay ating bigyang pansin,
Mahalagang yugto ng buhay na  ating sisisirin!
At sa bawat takap na ating sasalubungin,
Huwag titigil, bagkus ito'y harapin!

-----

My Certificate :

My Certificate :

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 // 𝐁. 𝐅𝐎𝐔𝐑 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon