Chapter 3

157 14 0
                                    

Time check: 10:35 AM. 

Pumunta kami ni Manvel sa cafeteria ng uni. Mayroong dalawang cafeteria sa buong campus—isa para sa mga senior high students at isa naman para sa college students. Doon kami pumunta sa faculty ng college dahil mas malaki ang cafeteria roon. May mga nakikita kaming mga students—marahil ay mga nagdo-dorm ang mga ito, hindi rin sila naka-uniform kase nga linggo ngayon.

Magkakalahating-oras na kami rito at nag-uusap kami kung bakit namin nakilala si Ello. I told him my story, how I 'saved' Sir Drey and how he offered me our set up now. Nagulat siya kase hindi naman niya inexpect na sa ganoong paraan ko makikilala si Ello.

"Ikaw ba? How is he as a rival?"

"Well, it all started when we were around grade 3 or 4. Syempre mga bata pa kami noon kaya inakala ko nalang na it's because of his naivety. Kung napansin mo ay mas mataas ako sa kanya kaya ako ang kinuha noon upang ipadala sa higher league. We were both spiker that time. Kaya nagtuloy-tuloy hanggang sa high school na kami. Ako na ang nag-adjust kase kinuha akong scholar dito sa Seavey Uni, so I converted into a Setter," ang kayang sinabi. Mayroon din naman akong kaunting kaalaman tungkol sa volleyball kaya mabilis kong naintindihan ang lahat ng sinabi niya.

"Tapos? Bakit ang babaw naman ata ng kanyang rason?"

"Hindi lang kase 'yan, Roof," he said, addressing me by the nickname I told him to call me. "Kase pinag-agawan din namin yung crush niya noon. He had a crush on a certain girl and it happened that I was on that girl's league. Well, hindi rin naman kami nagtagal kase umalis din siya kaagad. Ello took it seriously at hindi na ako pinansin magmula noon."

Kaya naman pala kung makatingin si Ello kanina ay parang babalatan na siya ng buhay. May galit siguro siya sa mundo kaya ganun nalang kung makatingin. Siguro nga walang kaibigan 'yun, eh.

"Alam mo, let's don't talk about him. Kumain nalang tayo at nang masamahan mo na ako sa dormitories," ang sabi ko sa kanya. He agreed and we then continued eating.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay nagku-kuwento siya tungkol sa mga rules ng uni, sa mga dressing codes ng bawat students, at sa mga kailangan kong i-expect. I just listened until we finished eating.

Agad kaming umalis sa cafeteria at nag-umpisang maglakad papunta sa dormitories. Mayroon ding dormitories sa mga senior high students at mayroon ding nakalaan sa college students. Syempre doon kami dumiretso sa senior high. Nalaman ko rin na Gr12 rin pala si Manvel at under din siya sa STEM na strand. Dalawang building ang dormitories at tig-tatlong palapag bawat building. Mayroong apat na kuwarto sa bawat palapag at kung susumahin, mayroong 24 na kuwarto sa buong dormitories ng Senior High.

"Nasaan ba ang room mo?" ang tanong niya sa akin.

"Siguro hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, pero inassign ako ni Sir Drey sa dorm ni Ello. Alam mo ba kung saan ang room niya?"

At katulad nga ng inakala ko ay napakurap na lamang siya ng dalawang beses habang nakatingin sa akin.

"Seriously? Wow. I mean, simula noong Grade 7 kami ay hindi 'yan nagkakaroon ng roommate. I know his room pero wala ngang nakakapasok sa loob ng kanyang dorm eh," ang sabi niya sa akin. Isa rin 'yan sa inasahan ko. With his attitude? Sinong maglalakas-loob na maging roommate niya? I mean, kahit nga ako ay ayaw ko nang lumapit sa kanya eh.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa maka-abot kami sa pangalawang palapag ng building sa kaliwa. Tsaka may naalala akong isang bagay na kailangan kong itanong sa kanya.

"Mayroon bang kaibigan ang mokong na 'yun?"

"Ano sa tingin mo?"

"Meron. Si kamatayan, o hindi kaya ay sarili niya," ang pagbibiro ko naman. He chuckles and shakes his head.

Half a Heart ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon