Chapter 12

138 13 0
                                    

"Wear this for the meantime, " Ello said as he handed me a Spider-Man inspired shirt and a short shorts with a box of white underwear. I suspiciously stared at it in which he noticed. "They're unused. No need to worry."

Kinuha ko naman ito at bahagyang ngumiti at tsaka tiningnan siya. He still had this neutral face na parang wala talaga siyang pakealam. Napag-alaman ko na andito pala ako sa mansion nila ngayon at ang kuwartong ito ay walang iba kundi ang isa sa dalawang mini clinic ni Sir Drey dito sa loob ng kanyang bahay.

"Kelan tayo babalik sa uni? Baka naman kase nakaka-abala na ako rito sa inyo, e," ang tanong ko habang tumatayo sa kama. Kanina ay kinain ko na rin ang nakapatong na lugaw sa table at tsaka nakapagpahinga na rin ako kahit papaano.

"I'm staying here till the weekend since my teammate will be out for two days then there's no point practicing alone. Pero ewan ko sayo kung gusto mong maunang bumalik dun."

"No!" ang napalakas kong sinabi na mukhang kinagulat niya naman. "I mean, I'm staying too. Sabay nalang tayong bumalik if that's okay with you."

Hindi naman siya sumagot dahil nakatingin lang siya sa kanyang phone. Nang tumingin naman ako sa labas ay nakita kong malapit nang magdilim ang paligid. Ibinaba niya ang kanyang phone at nagtanong.

"Next time, eat your breakfast. 'Wag ka ring magpuyat kung hindi mo naman kaya ang magiging resulta. Yang kalusugan mo na nga lang ang natitirang yaman mo, aaksayahin at sisirain mo pa," ang sabi niya na mayroong diin. I can't argue with that because it's a fact. I am offended, but if it's true and has a basis, then okay. But I just played it cool.

"Wow, thank you, ha? Kung hindi ka sana nalasing at kung hindi mo sana ako sinukahan, e'di payapa sana ang araw ko! Next time, control. 'Wag ka ring iinom ng nakakalasing kung hindi mo naman kaya ang magiging resulta," ang panggagaya ko sa sinabi niya kani-kanina lamang. His rolling of eyes is too manly that I couldn't help but to wonder if that's even possible.

"My bad."

Mukhang hindi naman ata normal ang mga pangyayari ngayon? Like, did he just said that?

"Teka nga. Inaamin mo ba ang kamalian mo?" tanong ko. I waited for his response and he just MEEKLY nodded without saying a word and without looking at me. "I see. Mabuti naman at natauhan ka na. So, ngayong inamin mo na kasalanan mo naman pala kung bakit ako andito, maybe you should say something? Like, the S-Word?"

"Bakit naman kita pasasalamatan?"

"Tanga, hindi 'Salamat'! You know, like, so...?"

"So...? Oh, I get it. So nice to see you suffer."

I mentally facepalmed to what he said. Is it that hard to say 'sorry'?

"Ah, talaga? Kung balatan kaya kita gamit ang gunting?! Ang ibig kong sabihin, yung salita na sinasabi mo kapag nakaramdam ka ng guilt. Like, I'm so...? Dugtungan mo!"

"I'm so disappointed with myself? Is that it?"

"No. One word."

"Sobrang deserve?"

"One word ba yan? Alam mo, I quit. Bakit parang sobrang hirap sayong sabihin ang 'sorry'? It won't hurt your ego and lessen your manliness."

"Sorry. Okay ka na?"

Talaga? Parang robot lang na pinilit magsalita, eh. Nevertheless, he still said it. Okay na rin 'yun kesa sa wala. Kahit na alam kong napilitan lang naman siya at wala naman talagang sense ng pagiging seryoso iyon, okay lang. I'll just feed myself with the thought na talagang sincere siya.

"No. I need you to do something."

He was kinda baffled by that. "Ano naman 'yun?"

"Simple lang naman. Forgive me."

Half a Heart ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon