Chapter 25

74 9 0
                                    

Tinawagan ko si Manong Alek upang sunduin kami at agad din naman kaming umuwi ni Ello. Bumabalik na kahit papaano ang ulirat niya. Hindi ko naman muna siya kinausap pa para isahan nalang ang pagpapaliwanag niya mamaya sa akin.

Hanggang sa makarating na nga kami. Agad ko siyang inalalayan papasok sa bahay at sa banyo kahit na sa aming dalawa ay ako ang mas nangangailangan nito dahil sa alak na pinaligo sa akin ni Winnie.

That girl gets into my nerves. Kahit na unang beses ko palang siya nakikita ay kinamuhian ko na siya agad. I don't usually despise people the first time I meet them, but Winnie is an exception because right now, I am not just mad at what she did, but she just became my most hated person. Nothing can ever change my mind.

I undressed with only my boxer as the remaining piece of clothing I have and wrapped my lower body with a white towel. Until Ello went out of the shower, TOTALLY naked. It looks like a shower is really effective on making him sober.

Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na hindi tumitig sa kanya. He just looked even more attractive as he wiped his face dry with a towel in which he later used to cover himself into.

"I know you're staring, babe. But it's normal. Kahit nga ako ay hindi ko rin mapigilan ang sarili kong tingnan ako eh," ang sabi niya at umupo sa tabi ko. He smells familiar and I think that it's because he might've used my shampoo instead of his.

I tried to push him away. "Asa ka. Magbihis ka nga!"

"Sabihin mo nalang kasi na nadidistract ka sakin."

I gave him THE look. "Talaga? Eh ikaw nga itong na distract sa IBA kanina kaya nakalimutan mo na andun pala ako, diba?"

I heard him let out a sigh and then softly hugged me on my side. "I'm really out of my mind, okay? I was forced to-"

"Mamaya ka na muna magpaliwanag. I still smell like alcohol that your old crush had joyously spilled on me," saad ko. Pero sininghot niya lang ang leeg ko at tsaka mas yumakap pa ng mahigpit sa akin.

"Pero dalawang baso naman ang binuhos mo sa kanya. Mas nangangamoy na siya ngayon dun, babe."

"Ah, so sinasabi mong nangangamoy nga ako?" was my attempt to mess him up.

"I didn't say that, it's just you-"

Hindi ko naman siya pinatapos at tumalikod nalang sa kanya. Baka kase makita pa niya ang kulay ng pisngi ko, mas lalo lang niya akong aasarin. Sumunod na ako sa shower. Hindi rin naman ako nagtagal dun at ilang minuto lang ay nasa tapos na ako.

Nang makalabas na ako ay nakita ko siyang nakahandusay na sa aming kama. I know that he was just faking it 'cuz no matter how tired he got, he never slept without me. I noticed that we still had our towels on an it's the only thing that made us not fully naked. 

"Hoy! Bumangon ka nga dyan!" ang sabi ko sa kanya sabay kuha ng isa pang towel sa cabinet. Bumangon naman siya at ako naman ay pumunta sa isang upuan sa corner ng kuwarto namin.

"Dyan ka ba matutulog?" tanong niya.

"No. Pero halika rito kase alam mo bang masama ang matulog habang basa ang buhok?"

He lazily snorted but complied. Nasa sahig siya at nakatalikod sa akin habang nakaupo ako. I put the towel on his hair and started to dry him up with it.

"Now, explain," ang tanging sinabi ko habang pinupunasan ang buhok niya. His thick but soft black hair was really alluring to stare and touch.

"Okay, so as you saw, I was just invited by my teammates, right? Kaya rin kita iniwan muna dun sa sofa kase kukuha rin sana ako ng drinks nating dalawa. You're my angel and I don't want to tire you up," ang pag-uumpisa niya.

Half a Heart ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon