Chapter 5

141 13 1
                                    

From: Manvel🏍️
8:19 PM
We've just finished our training. Pabalik na siya 'jan ngayon.

Iyan ang text ni Manvel sa akin habang nakaupo ako sa aking kama. Medyo naiirita rin ako sapagkat kanina, pag-uwi ko ay agad na bumungad sa akin ang pagkain na binigay ko para kay Ello  kaninang umaga. Ito ay nasa loob ng basurahan at nakita ko rin ang note na sinulat ko—nasa bedside table niya at gusot-gusot pa.

I mean, why would he even do that? Maraming nagugutom sa mundo at isa siya sa mga sobrang pinalad upang magkaroon ng pagkain, tapos sasayangin lang niya? From that, siguro naman ay hindi niyo na kailangan pang tanungin kung bakit kinamumunghian ko ang kanyang pagkatao.

Nasa akin parin ang singsing na nakita ko sa kanyang jacket kanina. At dahil isa akong mabuting nilalang . . . hindi ko ibabalik ito sa kanya hangga't hindi niya hinahanap. See? It's just a matter of doing what I think would benefit me.

To: Manvel🏍️
8:23 PM
Okay, I have to prepare. I might punch him, ttyl.

Tinapon ko nalang din sa basurahan ang note ko at tsaka pumunta sa banyo upang maligo. After that, I go out from it with only a piece of white towel to cover my lower parts. I'm gonna be honest, it literally cools my head and gets rid of the negativities that Ello has been causing. Mayroon din akong maliit na towel para sa aking buhok. So I dried my hair and exited the bathroom and hastily dressed up. I wear a boxer and a long oversized black shirt. I find it comfotable and decent. I then went to bed and logged into my Instagram account and scrolled for almost 5 minutes.

Hanggang sa bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang pawisan na si Ello. Suot niya ang kanyang Volleyball jersey at mayroon din siyang panyo sa kanyang ulo: marahil ay upang mapigilan ang pagpatak ng kanyang pawis. Nang isara na niya ang pinto ay napatingin siya sa akin at inirapan na naman ako. Ano ba kase ang nagawa ko sa kanya at bakit parang galit na galit siya sa akin? Pero mabuti na 'yun kesa sa bungangaan niya ako at palayasin. I have a feeling na tanggap niya nang magiging roommate niya ako for the entire year.

Agad siyang dumiretso sa bathroom at narinig ko ang tunog ng shower. He must've taken a bath. Wala pa naman akong ginagawa kaya nanuod muna ako sa YouTube ng mga ASMR videos. I was watching this YouTuber that does ASMR videos out of the random things he found around him. Para na tuloy akong nanunuod ng comedy sapagkat sobrang nakakatawa ng kanyang mga videos. I was in the middle of watching another video about dinosaur theories when the bathroom suddenly opened.

Lumabas si Ello at nakasuot na ng kanyang pyjama, ngunit wala pa siyang pang-itaas. Nang mabaling ang paningin ko sa kanyang katawan ay hindi ko maiwasang hindi makita ang birthmark sa kaliwang dibdib niya. I was an attentive student back when I was in Elementary and I am sure that his birthmark was exactly where his heart is. At hindi rin nakawala sa paningin ko ang kanyang tiyan. It has four abs, not that I counted, at sa tingin ko ay bunga ito ng kanyang paglalaro. I mean, I have two abs and I am certain that it's because of my constant workout back when I was in MY HOUSE. Nang itaas ko ang aking paningin ay nakita kong ngumingisi siya sa akin.

"Adoring what you're seeing?" ang tanong niya habang umuupo sa kanyang kama.

Agad ko naman siyang tinawanan ng bahagya at tsaka sinabing, "Sorry, I'm not into kids."

"What did you just say?"

"Nothing," ang sabi ko at binalik sa aking cellphone ang aking atensyon. I'm gonna be honest, I don't know why I feel kinda shy after I witness him topless. Pero agad ko rin namang binura ito at tsaka nagfocus nalang sa aking phone. Nang bigla nalang tumawag si Manvel sa akin. Agad ko naman itong sinagot.

"HELLO, MOONLIGHT! WANNA HAVE DINNER WITH ME?" ang sigaw ni Manvel sa kabilang linya. Agad naman akong napatawa at tumayo sa aking kama. It was then when I notice that I was on my boxer. Nang tingnan ko si Ello ay nagulat akong nakatingin na pala siya sa akin. Agad akong pumunta sa cabinet ko upang kumuha ng pyjama at sinuot.

Half a Heart ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon