"Do you like me?"I pursed my lips as I waited for his answer. I waited for him to violently react or do something atleast. Pero nanatili lang siyang kalmadong nakatingin sa akin habang nililipad ng hangin ang iilang hibla ng buhok nito. Masyado siyang kalmado tignan at hindi ko maramdaman sa kanya ang kahit na anong kaba o tensyon. Masyadong mapayapa tignan ang mga mata nitong tahimik na pinag aaralan ang kabuohan ng mukha ko.
Dapat na ba akong ma conscious sa ginagawa niya?
Mas lalong nakakasilaw tingnan ang mukha nito dahil sa sinag nang araw na nakatapat sa amin. Sa tangkad ko ay kailangan ko pang tumingala rito. Ganoon siya katangkad. Hindi ko maiwasang mamangha lalo sa kabuohan ng mukha niya habang nakatingala akong pinagmamasdan siya. Napaka amo ng mukha nito, hindi mo man lang kakikitaan ng kahit na anong panget. Lahat nang nakikita ko ay maganda at nakaka mangha.
Am I ready to take a risk for this? Am I ready to take a risk for this man? Napakapa tuloy ako sa sarili ko. Handa na nga ba ako? Ngunit hindi ako makakapa ng sagot.
We were just both staring at each other. This is one of the few times that I get to stare at his beautiful face. When our eyes met, suddenly all the memories flashes in my head--that wonderful memory of us that I kept. From that very first day that we met.
--------------------------------------------------
Margarette Ignacio
YOU ARE READING
THE BLOODLINE SERIES. 𝑀𝑎𝑟𝑔𝑎𝑟𝑒𝑡𝑡𝑒 𝐼𝑔𝑛𝑎𝑐𝑖𝑜
Teen FictionMargarette Cervantes Ignacio has fixed her next goal the moment she figured out the puzzles in her life. Ang makuha muli ang pag aari ng kaniyang pamilya. She is determined to build again the family she used to have. No one and nothing can stop her...