Kabanata 5

20 3 9
                                    


Kinusot ko ang aking mga mata at marahang nagmulat. Sumisilip na ang sinag ng araw mula sa makapal na kurtina ng malapad na bintana. Tinanghali ba ako ng gising?




Pinakiramdaman ko muna ang aking binti at hindi na muna tumayo. Mukhang mas maayos na ang pakiramdam ko kumpara kahapon. Wala na ang hapdi bagama't kumikirot parin ito paminsan minsan. Iginalaw ko ang aking mga binti at marahang bumangon.




Sinulyapan ko ang malaking orasan na nakasabit, alas nuebe na ng umaga. Minabuti ko na lamang mag hot shower at saka nagbihis ng maisusuot. Iyon na nga ang problema. Hindi ko trip mag magsuot ng bestida ngayong araw ngunit wala akong choice dahil iyon lamang ang nasa loob ng closet ko. 





Hindi ako mahilig sa pagmi-make up kung kaya't nagsuklay lamang ako ng buhok at tinali iyon. Napapangiti 'kong tinitignan ang kabuohan ko sa salamin. Umaalon ang lampas balikat kong buhok habang nakatali ito. Ang suot kong dress na kulay puti at may maliliit na prints ay sumasayad sa aking tuhod. Not bad! Sinuot ko ang isang pares ng sandals at kinuha ang maliit kong pouch na may lamang cellphone saka lumabas ng silid. 





"Good morning!"





Nauna na akong bumati sa mga serbedora na nag aabang sa akin sa baba. Isa isang nag sipag batian pabalik sa akin ang mga ito. Marahil ay inaalala ng mga ito ang aking kalagayan kung kaya't naka abang na ito sa pag alalay sa akin. Hindi na naman kailangan dahil kung hindi ko naman kaya ay ako mismo ang magsasabi sa mga ito.





"Magandang umaga! Miss Margarette" si Manang Dolores ang bumati sa akin sa hapag. Nginitian ko ito at tumango. "Ang paborito niyong tsokolate at spanish omellete ang ipinaghanda ko, hija." aniya ng maka upo ako.




"Salamat, Manang!" sagot ko rito saka agad na nagsimula sa pagkain.





Hindi paman ako nangangalahati sa kinakain ay may narinig na akong mga yabag ng paa  na papalapit sa hapag. Sabay sabay na nagsipagtanguan ang mga serbedora at si Dolores. Uminom ako ng tubig at marahang tumayo. Nangunot ang noo ko ng makita kung sino ang dumating. Victoria!




"So totoo ngang nagbalik ka?" sa paraan ng pagkakatanong nito ay animo'y isa iyong masamang balita. Ngumisi ito sa akin bago inalalayan ng mga serbedora na maupo ngunit umiling lang ito.. Lalong naging kapansin pansin ang mga kulubot na balat nito sa kanyang mukha na may mga koloreti.





She is Victoria Meredores. Ang nag iisang babaeng kapatid ng aking yumaong abuela.  Mahigit tatlong taon ang agawat nito sa Señora. 



Yumuko ako bilang paggalang rito. Umupo narin ako pagkatapos ngunit hindi ko na ginalaw ang aking pagkain. Na walan na ako ng gana.





"I can come back here anytime if I want to.."kalmado kong sagot rito. Kahit papano'y sinusubukan kong maging magalang rito. Hindi pinapahalata ang pagka disgusto sa kaniyang tanong niya. "I'm a Cervantes after all." Tumaas ang isang kilay nito.





"Hmm.. balita ko'y gumawa ka na naman ng eksena sa rancho?" Nag tiim bagang ako. Si Manang Dolores ay ibig sumingit sa usapan namin. Mahigoit ang kapit nito sa gikid ng upuan saka sinuyod nang tingin ang mga naroon. "You won't like it if Gustavo will find out how much of a trouble maker you are!" gulat ako sa pagtaas ng boses nito. 

She murmured something as she turned her back to me, but I didn't heard it anymore. Mapait akong napangiti habang nilalaro ang mga kubyertos.






She surely knows where to hit me. Ibaang iba sila ng aking abuela. Lola Florence was a total opposite of Victoria. She was a very warmhearted person. She was damn rich but she didn't use her wealth to lookdown the poor. Marahil iyon siguro ang nagustuhan nga abuelo ko rito. 





THE BLOODLINE SERIES. 𝑀𝑎𝑟𝑔𝑎𝑟𝑒𝑡𝑡𝑒 𝐼𝑔𝑛𝑎𝑐𝑖𝑜Where stories live. Discover now