Chapter 7

3K 86 17
                                    

Naglalakad ako ngayon palabas ng gubat kung saan nandoon kami ni Tristan at ng iba pa naming mga kaibigan.Bakit niya ako hinalikan?Bakit niya yun ginawa sa akin?Anong dahilan?Gusto na naman ba niya akong paasahin sa Forever na sinasabi ng ilan?Gusto na naman ba niyang iparanas sa akin ang pesteng Happily Ever After na yan?Ayoko na,sawang sawa na ako.Kasi lahat naman yun kasinungalingan,lahat yun kathang isip ko lang,isang pangarap na kahit kailan hindi mangyayari.

Kung inaakala niyo noon na noong ikinasal kami sinabi ng pari sa amin na “Kiss the bride.” O kahit na anong pesteng kasweetan yun,nagkakamali kayo.Lahat ng mga nangyari noon,lahat ng kakiligang nangyari noong kinasal kami dati ni Tristan,lahat yun kathang isip ko lang,isang pangarap.

Kung inaakala niyong natapos ang kasal namin ng masaya,nagkakamali kayo.Kung inaakala niyo na magkasama kaming umuwi ni Tristan sa bahay namin,nagkakamali kayo kasi mag-isa akong umuwi habang umiiyak.Akala ko noon hindi na ako mag-iisa,akala ko noon may magmamahal sa akin pero nagkamali ako,wala pala.

Lahat ng iniisip niyo,kasinungalingan lang yun.Gusto ko lang ipakita sa inyo na may happy ending,gusto kong sumaya kayo at isipin na naging maganda ang ending namin.Hahayaan ko na kayong maniwala sa isang kasinungalingan kaysa ipakita sa inyo na wala talagang magmamahal sa gaya natin,sa mga bakla.

Nagkamali ako.Dapat pala sa una’t-una pa lang ipinakita ko na sa inyo ang totoong ending ng aming istorya,dapat pala ipinakita ko kung gaano ako umiyak,kung gaano ako nasaktan,kung paano niya ako iniwan para sa una’t-una pa lang din hindi na kayo umasa pa.Dapat pala hindi ko na kayo pinaasa na may forever,na may magmamahal sa ating mga bakla kasi ang totoo,wala,tayo lang din ang magmamahal sa sarili natin.Huwag ka ng umasa kasi masakit,nakakaiyak,nakakamatay.

“Oh bakit umiiyak ka?Anong nangyari sayo Balalay?”nag-aalalang tanong sa akin ni Kim

“Wala to.Huwag mo na akong intindihin.”malungkot kong sabi sa kanya

Matapos nang nangyari sa akin noon,pinipigilan ko na ang magmahal,sinusubukan kong huwag nang mahulog muli ang aking sarili sa ibang tao kasi sa huli’t-huli ako na naman ang aasa,iiyak at masasaktan.Paano ba hindi magmahal?Paano ba hindi ma-inlove?Alam mo ba kung paano?Kasi kahit ako hindi ko alam,hindi ko magawa,hindi ko mapigilan.

Kapag nalaman ko ang sagot dyan,paniguradong sasabihin ko sa inyo kasi alam ko kung anong pakiramdam ng masaktan,ng umasa.Bakit ba kasi kailangan nating umasa sa isang bagay na una pa lang alam naman nating walang kahihinatnang maganda?Na alam natin na sa huli tayo lang ang magmumukhang tanga?Bakit umaasa pa tayong mamahalin ng isang tao na gusto natin?Bakit ang tanga tanga natin?Ayaw nating masaktan pero tayo rin mismo ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan.

Kahit na alam kong nandyan si Kim sa tabi ko,na aalagaan niya ako,na tutulungan niya ako kapag kinailangan ko siya,ayoko pa ring magtiwala sa kanya.Ayokong mahulog muli ang sarili ko sa iba.Paano kung pinaglalaruan niya lang din pala ako?Paano kung kagaya lang din siya ni Tristan na iiwan ako sa huli?Ayoko ng magmukhang tanga,ayoko ng mangarap,ayoko ng umasa pa sa isang bagay na sa huli,makakapanakit lang din sa akin.Tama na ang pagiging tanga Patricia,maawa ka sa sarili mo.

“Ano bang nangyayari sayo Balalay?”tanong sa akin ni Kim habang hinahabol ako

Papunta ako ngayon sa kwarto namin ni Karla “Gusto ko nang umuwi.”sabi ko sa kanya habang pumapatak ang mga luha ko

Niyakap niya ako ng mahigpit at sinabing “Shsss tama na.Huwag ka ng umiyak.Ayokong makita kang nasasaktan.”naaawa niyang sabi sa akin habang yakap yakap pa din ako ng mahigpit “Aalis na tayo dito.”

Hindi na ako nagsalita at pinilit na lamang ngumiti sa kanya.Matapos naming mag-usap ay nagtungo na ako sa kwarto namin ni Karla at inilagay na ang mga gamit ko sa aking bag.Ayoko na dito,gusto ko ng umuwi kasi gulong gulo na ako sa mga nangyayari,sa mga nadidinig ko.

Revenge of Badidang (Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon