Tiningnan ko ang kamay ni James,tiningnan ko ang kamay ni Mark,tiningnan ko ang kamay ni Rhenn,tiningnan ko ang kamay ni Tristan.Confirm !May kakaiba ngang nangyayari ngayon and it's me to find out.Pare-parehas silang may bracelet na bungo sa may kamay,bakit kaya?Anong ibig sabihin noon?
Naglalakad kami ngayon papunta sa restaurant na kakainan namin ngayong breakfast.Kasabay ko ngayong naglalakad si Kim at nasa unahan naman namin ang magkakabarkada.Kasaby din nila sa may unahan si Karla.
"Bakit ang lalim ata ng iniisip mo Balalay?"tanong sa akin ni Kim
"Balalay?Ano ba Kim tama na nga yang katatawag mo sa akin ng ganyan.Najejejehan ako!Hahaha."natatawa kong sabi sa kanya
"Eh ano naman?Diba jeje ka naman?"pang-aasar sa akin ni Kim
"Cheh!I hate you na sir."nagtampu-tampuhan ang inyong lingkod
Bigla niya akong inakbayan at sinabing "Sorry na Balalay.What can I do para hindi ka na magalit sa akin?"tanong niya sa akin
Nginitian ko siya at sinabing "Kiss me sir."
Tiningnan niya ako ng natatawa at sinabing "Gusto mo ba talaga?"tanong niya sa akin
"Uhm hindi niyo man po maitatanong pero matagal ko na po kayong pinagnanasahan sir."malanding sabi ng inyong lingkod
"Talaga ba?Sige dahil mabait naman si sir mo,i-kikiss na kita.Saan mo ba gusto Balalay?"tanong niya sa akin
"Uhm pwede po ba sa lips?"nahihiyang tanong ng inyong lingkod
"Gusto mo ba talaga?"natatawang tanong sa akin ni Kim
"Opo shir.Shir please kiss niyo na po ako.Matagal na din po kasi akong tigang na tigang."pagloloko ko kay Kim
"Bakit shir naman ang tawag mo sa akin ngayon?"natatawang tanong niya sa akin
"Pinaninindigan ko lang po yung pagiging jeje ko shir."natatawa kong sabi sa kanya
"Hahahah ikaw talaga Balalay puro ka biro."natatawa niyang sabi sa akin
"Oo na po sir!So ano na?Yung kiss ko po shir?Asan na po?"tanong ko sa kanya
"Sige na nga."natatawa niyang sabi sa akin "Dahil matagal mo na akong pinagnanasahan,ibibigay ko na ang gusto mo."natatawa niyang sabi sa akin saka siya tumitig
Magkaharapan kami ngayon at magkatitigan lang kami sa isa't-isa.Tinitigan ko siya at tinitigan niya naman din ako.Nakakatawa kasi kahit na seryoso siyang tao,nakikisakay siya sa mga kalokohan at mga trip ko sa buhay.Masaya siyang kasama and that is one of the million things why I should love him.
"Pikit ka na Balalay."sabi niya sa akin habang unti-unti ng palapit sa mukha ko
"Dahan dahan lang po shir."sabi ko habang nakapikit na at nag-aantay ng kanyang halik
"Shsss."sabi niya sa akin kaya tumahimik na ako at naghintay lamang sa grasyang parating
Nagulat na lang kami ng biglang "Tama na nga yan.Bilisan niyo nga sa paglalakad."tinignan namin ni Kim ang nagsalita at nakita namin ang badtrip na si Tristan.Huh?Anong meron?Bakit ba ang pakialamero niya?Napakapanira ng moments ang utoy niyo.
Naglakad na lang muli kami ni Kim habang magkaakbayan at sinundan kung saan sila papunta "Sayang naman yun shir.Eto na oh,eto na yun.Konti na lang tapos ayun,may dumating na istorbo."bulong ko kay Kim habang naglalakad kami
"Huwag kang mag-alala.Babawi ako mamayang gabi."bulong niya sa akin habang natatawa pa na dahilan para kiligin nga naman talaga ang inyong lingkod
"Talaga po shir?"tanong ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Revenge of Badidang (Gay Story)
AcciónBOOK 2 OF BADIANG- "Ito ang libro ng buhay ko. Basahin mo at sana makarating ka hanggang sa dulo upang malaman mo kung ano ang tinutukoy ko."