Sorry sa slow update.Sana maintindihan niyo na minsan tinatamaan din ako ng katamaran ko haha atsaka ang bagal minsan ng internet kaya nakakatamad magpost.Ipagdasal niyo na lang na sumipag ako o kaya naman gandahan niyo yung comments niyo para sipagin talaga ako.Hahaha salamat ! :D
--------------------
“James...”naibulong ko habang nakatingin sa kanya
Nakatitig lang siya ng seryoso sa akin.Ibang iba sa karaniwang titig na ipinapakita niya.Bakit ganito?Bakit parang noong pumasok kami sa lugar na ito biglang nag-iba lahat sa kanya?Nakakatakot.
“Ibalik mo na ako.”sabi ko ulit sa kanya habang may panginginig pa sa boses
Tinitigan niya ako at lumapit ng kaunti ang mukha niya sa akin saka nagsalita “Once you come in,you cannot escape anymore.”
Napahinga ako ng malalim matapos niyang sabihin iyun sa akin.Ano bang meron sa kanya?Ano bang lugar ito?Nasaan ba ako?
“Tanga ka ba?Sinabi nang umalis na tayo dito eh !”sigaw ko sa kanya at itinulak ang may balikat niya.Pinipilit kong maging matapang kasi kapag pinahalata ko itong takot na nararamdaman ko ngayon,baka abusuhin niya,baka gamitin niya pa ito laban sa akin
Napangiti siya ng nakakaloko saka muli nagsalita “That’s why I like you.”sabi niya atsaka lumapit muli sa akin “Kasi matapang ka.”dagdag pa niya
“Hindi ka ba titigil?Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo.Ibalik mo na nga ako sa condo namin!”sigaw ko muli sa kanya
Hinawakan niya ang manibela ng sasakyan niya at tila hindi nadinig ang sinabi ko “Hindi pwede.” Sabi niya saka pinatakbong muli ang sasakyan niya
“Saan mo ba ako dadalhin?Peste !Ibaba mo nga ako dito.”sigaw ako ng sigaw habang nasa loob ng sasakyan niya “Kapag hindi mo tinigil itong sasakyan mo,tatalon ako.”sabi ko ulit sa kanya na dahilan para itigil niya ito bigla
“Ang ingay mo.”sabi niya sa akin at nagulat na lang ako kasi hinalikan niya ako sa labi ko
Tuloy tuloy siya sa paghalik sa akin.Madiin,mabilis na tila wala ng tigil.Bigla ko siyang itinulak na dahilan para mapatigil siya sa ginagawa niya.
“Bastos ka !”sigaw ko sa kanya atsaka siya tinulak ng malakas “Ano ba talagang gusto mo?Ha?”sigaw ko sa kanya
Tiningnan niya ako ng seryoso at sinabing “Paano pag sinabi kong gusto kita?”tanong niya sa akin
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa labas “Nasisiraan ka na.”sabi ko
Nadinig ko siyang tumawa atsaka muli ako kinausap “I’ll let you know anything,I’ll let you see anything.Just let me love you.”seryoso niyang sabi sa akin
Tiningnan ko siya mata sa mata at sinabing “Ayoko.”
“Bakit naman?Ayaw mo ba sa akin ?”natatawa niyang tanong sa akin
“Kasi mahal ko si Kim,may mahal na akong iba.”sabi ko sa kanya
“Ouch.”pabiro niyang sabi at humawak sa may parte ng puso niya “Alam kong hindi mo siya mahal.”sabi niya sa akin na dahilan para maguluhan ako
“Ano bang sinasabi mo?Mahal ko siya,mahal na mahal ko si Kim.”seryoso kong sabi sa kanya
“Sus.”natatawa niyang sinabi sa akin “Iba ang mahal sa kailangan mo lang.At base sa nakikita ko ngayon,mukhang kailangan mo lang siya.”natatawa niyang sabi sa akin
“Tumigil ka nga !Mahal ko siya !Mahal na mahal ko siya !Siya lang ang taong tumulong sa akin noong malungkot ako !Siya lang yung taong pilit umintindi,nagmahal at umunawa sa akin.Mahal ko siya,mahal na mahal ko si Kim.”naluluha kong sabi sa kanya
BINABASA MO ANG
Revenge of Badidang (Gay Story)
AçãoBOOK 2 OF BADIANG- "Ito ang libro ng buhay ko. Basahin mo at sana makarating ka hanggang sa dulo upang malaman mo kung ano ang tinutukoy ko."