SORRY DAPAT KAHAPON KO PA TO IPOPOST KASO MABAGAL ANG NET KAYA NGAYON NA LANG HAHAH.
Thank you to all my supportive readers who had chatted me on Facebook or either commenting here on my story with flamboyance.Thank you kasi dahil sa inyo,sinisipag naman ako ng konti at nagpupursiging magtype kahit tamad na tamad ako minsan.Hahahah sorry sa konting delay ng update,sana huwag kayong magsawang maghintay J
----------------------
“Dito na lang.”sabi ko kay James kaya naman agad niyang inihinto ang kotse niya sa may tapat ng condo namin “Salamat sa paghatid.”sabi ko sa kanya ng nakangiti
“Walang anuman Eliza.Basta ikaw,kahit ano gagawin ko.”nakangiti niyang sabi sa akin at ang loko may pagkindat pa
Hinampas ko siya sa may braso niya atsaka inirapan “Umayos ka nga!Para kang ewan.”
“Hahaha eto naman hindi mabiro.Lagi ka na lang galit.”natatawa niyang sabi sa akin
“Paki mo ba?”mataray kong tanong sa kanya “Sige baba na nga ako.Baka kung anuhin mo pa ako dito sa kotse mo eh.”sabi ko sa kanya
“What do you mean by ‘aanuhin’ Eliza?Bakit?Aanuhin ba kita?”natatawa niyang tanong sa akin
“Cheh !Bastos !”sigaw ko sa kanya
“Ha?Anong sinabi kong bastos?Ikaw ha.Napapaghalata na kita.”natatawa niyang sabi sa akin
Hinampas ko siya ulit sa may braso niya “Ewan ko sayo !Bwiset ka talaga.”sabi ko sa kanya sabay irap
“Hahahaha.”tawa niya
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya pero nagulat na lang ako kasi bigla niyang hinawakan ang braso ko at pinigilan “Pero seryosong tanong Eliza.”sabi niya sa akin ng may seryosong boses “Bakit mo ako pinagkakatiwalaan?Bakit sinabi mo sa akin yung plano mong papatayin kaming lahat?Hindi ka ba natatakot na baka maunahin kita sa mga plano mo?”seryoso niyang tanong sa akin na dahilan para kabahan ako sandali
“Bakit?May balak ka bang patayin ako?Ha?James.”mataray kong tanong sa kanya
“Wala naman.I’m just curious na sikreto mo pala yan pero bakit kailangan mo pang sabihin sa akin?Hindi ka ba natatakot sa maari kong gawin?Na baka sabihin ko yan sa kanila at unahan ka naming patayin?”sunod-sunod niyang tanong sa akin
“Hindi ako natatakot kasi kaya ko ang sarili ko.At isa pa..”huminto muna ako bago magsalita “I trust you.”matapang kong sabi sa kanya
“You trust me that much?”tanong niya sa akin
“Why not?Nagawa mo ngang sabihin sa akin na sikreto ng grupo niyo,bakit naman magkakaroon pa ako ng doubt para sabihin sayo ang sikreto ko?Ramdam ko mapapagkatiwalaan ka.Are you?”tanong ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Revenge of Badidang (Gay Story)
AksiyonBOOK 2 OF BADIANG- "Ito ang libro ng buhay ko. Basahin mo at sana makarating ka hanggang sa dulo upang malaman mo kung ano ang tinutukoy ko."