Chapter 15

1.9K 53 10
                                    


Para sa mga readers na matyagang naghihintay.Thank you kasi kahit na sobrang tagal kong mag update nandyan pa rin kayo.And this update is for all of you !Isang napakahabang update na naman ito hahaha.


WARNING !!!THIS CHAPTER IS SPG !!!HAHAHAHAHA


-----------


Everyone wants happiness.Happiness given by the family,friend,special someone or just by the people you see around.Isa lang ang ibig sabihin kapag masaya ka,there has someone who's loving you.At totoo,masarap maramdaman ang pagmamahal sa ibang tao.Masarap kapag malaya ka ring ipakita ang pagmamahal mo sa kanila o sa kanya.Love is anything to us.Love makes us happy.Love teaches us how to be stronger as the years go by.We need love,we share love,we consist of love.


Bukod sa pamilya at magandang buhay,may isa pa akong hinihiling noon sa Panginoon.Sa tuwing magdadasal ako bago matulog ako,sa tuwing nasa simbahan ako,sa tuwing may nalalagas na pilikmata sa akin,sa tuwing may kaharap akong wishing well,isa lang ang hinihiling ko.Gusto ko ng taong magmamahal sa akin,yung kayang ibigay lahat sa akin,yung kahit na gaano pa ako kapangit,mamahalin at mamahalin pa rin ako.Gusto ko na siyang makita,ang 'The One' ko.


Naiingit ako sa mga kaibigan ko na ang bata bata pa lang,may mga nanliligaw na,marami ng nagkakagusto sa kanila,yung iba nga may kanya-kanyang boyfriend na.Naiinggit ako sa tuwing nakikita ko silang may mga regalo galing sa mga boyfriend nila tuwing Valentines Day,tuwing mga kaarawan nila.Tsokolate,bulaklak,pabango,teddy bear at kung ano-ano pa.Pinangarap ko ring magkaganyan,pinangarap ko ring mabigyan ng mga bagay na ganyan,pinangarap ko lang.


Habang pinapanood ko sila kasama ng mga mahal nila,ako nasa ibang tabi at pilit iniisip at nagtatanong sa sarili : Paano kaya kung magkaroon din ako ng boyfriend?Ano kayang mangyayari sa amin?Masaya din ba kaya kami?Sweet din ba siya gaya ng iba?O baka naman matapang at suplado type?Sana dumating na siya,sana makita ko na siya,sana meron.Sana hindi lang ako habang buhay na umaasa at nanonood na lang sa iba,sana balang araw kami naman ang kainggitan at panoorin nila.


Noon,patuloy lang ako sa pangangarap tungkol sa aming dalawa.Iniisip ko noon na siya naglalaro ng basketball tapos ako nasa isang tabi kasama ng mga taong nanonood.Sa tuwing napapatingin siya sa akin,kinikindatan niya ako at mamamatay naman ako sa kilig.Iniisip ko rin noon na paano kaya kung magcelebrate kami ng Valentines Day?Nakakakilig kapag pupunta siya sa school namin dala-dala ang isang napakalaking bear kasama ng isang bouquet ng magagandang bulaklak.Nakakaiyak at nakakatuwa kapag nangyari ang mga yun.Sana hindi ako habang buhay mangarap nang mangarap.


Hanggang sa nagkaroon na nga ng mukha ang lalaking matagal ko nang pinapangarap.Dumating na siya,natagpuan ko na siya at lahat ng pingarap ko noon,nahigitan pa niya.Bukod sa binibigyan niya ako ng regalo,kinakantahan o hinaharana pa niya ako,dinadala pa niya ako sa isang mall at hindi siya nahihiya na bakla ang napili niyang mahalin,kaya niyang maghintay hanggang sa ikasal kami,nakakatuwa lang isipin na hindi pala ako habang buhay na mangangarap na lang kasi dumating na siya,dumating na si Tristan sa buhay ko.



Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.Ang labo ng paningin ko hanggang sa unti-unti na itong luminaw.Ang dilim ng paligid,wala akong liwanag na makita hanggang sa biglang lumiwanag sa may harap ko at natigilan ako sa nakita ko.Si Tristan,sugatan siya,duguan,naghihingalo at..at...at may nakatutok na baril sa kanya.

Revenge of Badidang (Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon