2

6K 337 79
                                    

"Oh, Sobral

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh, Sobral. 'Wag mong masyadong ipahalatang gusto mo ang kuya ni Melo," sabi ni Abao, tumatawa pa habang nililingon ako sa backseat. "Hindi tayo pupunta ron para magpa-cute ka kay Arlo."

Narinig ko ang tawa ni Melo sa driver's seat ng kotse n'ya dahil sa sinabi ni Abao na nasa passenger's seat naman.

"Gagawa tayo ng assignment, Joey," dugtong pang sabi ni Pamor sa gilid ko at agad ko s'yang itinulak na ikinatawa n'ya naman.

Excited ako! Pupunta kami sa bahay nina Melo para sa assignment. Dapat, kina Pamor kami gagawa no'n pero dahil naisip kong mas maganda kung kina Melo kami gagawa, ro'n na lang kami sa bahay nila dumiretso.

"We're not even sure if Kuya's home." Melo chuckled.

Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako sa bahay nina Melo. Halos linggo-linggo nga ata ay nando'n kami dahil maraming puwedeng gawin sa bahay nina Melo lalo na't kumpleto s'ya sa mga consoles at may basketball court pa. Mayaman kasi at dadalawang lalaki silang magkapatid. 

"Sana nasa bahay!" I said. 

Sinulyapan ako ni Melo sa rerview mirror at natawa. 

Nang makarating kami sa kanila, nag-aaya kaagad si Pamor ng 2 versus 2 sa basketball na agad ko namang sinaway dahil nando'n kami para gumawa ng assignment. 

"Madali na lang 'yon! Laro muna," ani Pamor at inaakbayan na si Abao papasok ng bahay nina Melo. 

Minura ko si Pamor at natawa naman si Melo na kasabay ko papasok ng bahay nila. 

"Sandali lang naman, Sob," ani Melo. "Kapag nagtatagal na, ako na mismo ang mag-aaya sa kanilang gumawa ng assignment."

Pumayag na lang ako. Kahit ako naman, ayoko pang gumawa ng assignment.

Magkakampi sina Abao at Pamor habang kaming dalawa naman ni Melo ang magkakampi. Pinakamagaling kasi sa aming apat maglaro ng basketball si Melo at ako naman ang pinakalugi dahil kahit na naglalaro ako ng basketball, mas mahilig sila ro'n kaya hindi ako masyadong bihasa. 

"Sob!" tawag ni Melo sa 'kin habang iniilagan si Pamor na kanina pa s'ya bina-block. 

Agad n'yang ibinato sa 'kin ang bola na nasalo ko naman at mabilis na tumira sa ring. Abao tried to block my shot but he failed and I scored. 

Napamura si Melo at ngiting-ngiting sinalubong ako ng high five. Agad ko 'yong sinalo. 

"Weak mo, Abao!" sabi ni Pamor kay Abao, tumatawa. 

Fall For August (Young Love Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon