12

4.6K 382 48
                                    

August

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

August

Halos mapatalon sa gulat si Joey nang tuluyan na s'yang nakalabas mula sa restroom. Nanlalaki ang mga mata n'ya sa 'kin pero umiwas din kaagad ng tingin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kan'ya, sinusubukang hulihin ang mga mata n'ya.

Come on, Joey. I'm sure I saw something in her eyes earlier. 

Hindi rin normal na panay ang iwas n'ya ng tingin sa 'kin.

"Melo---" she stopped and looked around. 

Baka tinitingnan n'ya kung mayro'ng iba pang Melo sa lugar. 

I know that calling ourselves by our surnames doesn't really mean anything much to her. . .but it means a lot to me.

Kasi. . .at least, sa apelyido ko man lang, kapangalan ko ang gusto n'ya. Dahil si Kuya ang gusto n'ya, 'di ba? 

Pero ngayong tinitingnan ko si Joey, I want her to call me August. To see me as who I am and not her crush's brother. 

Hindi si Arlo Christian Melo pero si Paul Augustin Melo. 

"Baka umuwi ako kaagad," ani Joey.

"Bakit?"

Umiwas ng tingin si Joey at mukhang naghahagilap s'ya ng sasabihin. 

"Sabi ni Mommy, umuwi raw ako kaagad."

Liar. Tita has always been easy on Joey. Kung gusto ngang mag-sleep over dito ni Joey ay papayagan s'ya ng mommy n'ya. 

But what if it's true, right? 

"Talaga? Bakit?" I asked, halatang hindi naniniwala.

Mukhang napansin ni Joey ang tono ko pero hindi na lang pinansin.

"Hindi ko alam, eh," aniya.

Ngumisi ako. 

"I can call her. Ipagpapaalam kita."

"Hindi na!" she violently reacted. 

I looked at her knowingly. I knew it. She's lying. 

Ano ba ang itinatago n'ya? Is it what I am thinking? O baka, nag-a-assume lang ako?

"Busy s'ya. Baka nga tulog na s'ya," mabilis na paliwanag ni Joey.

"Hindi maaga matulog si Tita."

"Close kayo?" sarcastic n'yang tanong.

"Oo," mayabang kong sabi. "Magka-chat kami ni Tita. Lagi kitang isinusumbong."

Napatawa si Joey at agad n'ya akong minura. I grinned and felt better that she's now more comfortable. 

"Don't go home yet," I convinced her. 

Joey stared at me and she sighed. Alam ko na kaagad na hindi na nga s'ya uuwi kaagad. 

So for the rest of the night, I kept on glancing her way. First, because she looks really pretty in that evening gown. I like how her short pixie-cut hair is pushed back to suit her formal get-up. Her red lipstick. Her glimmering eyeshadow. Her smile. Her laugh. 

The way she looks at me.

And the way she glances away.

Everything about her awes me tonight.

"Tama na ang titig," siko sa akin ni Abao at siniko ko s'ya pabalik.

Tiningnan ko ulit si Joey na tumatawa kasama si Pamor. Ilang pinsan ko na ang nagsasabi sa 'kin na ang ganda nga raw ni Joey at ang ilan, gusto pang magpareto. 

Of course, I declined. Sapat nang isang Melo lang ang kalaban ko. Talaga bang magdadagdag pa ako ng ibang Melo na kaagaw?

"Isn't she pretty?" Ngumisi ako kay Abao at napatawa s'ya nang kaunti.

"Lagi naman s'yang maganda sa 'yo."

I know. She's always pretty to me. Lalo kapag naglalaro s'ya ng basketball at nae-enjoy n'ya ang ginagawa. Lalo na kapag sinusunod n'ya kung ano ang gusto n'ya at hindi s'ya nagpapanggap na maging kahit ano.

I love that Joey is genuine and that she doesn't pretend. That's the reason we became friends. . .and the reason why I ended up falling unconsciously. 

Sobrang swerte ko na kaibigan ko si Joey. Pero hindi ko mapigilang hangarin ang mas higit pa ro'n. 

"Happy birthday, August!" Joey shouted, raising both of her hands to the air as the night and party finally ended. 

Nagkalat na ang mga tao dahil pauwi na. Ako, kahit na dapat ay kakain pa ako, inihatid ko na muna sina Joey sa parking area. Tanggal na ang bow tie ko dahil kanina pa ako hindi kumportable sa soot. Nasa mga balikat na rin ni Joey ang coat ko at wala na akong balak na kunin pa 'yon pabalik.

Joey drank a little bit so she kept on grinning and chuckling. Namimikit-mikit din ang mga mata n'ya at kanina, halos matipalok pa. 

"Ano'ng regalo mo sa 'kin?" I asked her.

Sumandal si Abao sa kotse at ngingisi-ngisi na sa 'kin habang si Pamor naman, nakahilig na rin sa sasakyan dahil mukhang inaantok. Silang dalawa ang maghahatid kay Joey pauwi.

"Secret!" Joey said. "Walang pangalan 'yong regalo ko pero malalaman mong galing sa 'kin 'yon."

"Pa'no 'pag hindi?"

"Eh 'di, friendship over!"

Napamura ako at sinundot ko ang noo n'ya kaya napaatras s'ya nang kaunti. 

"Malalaman mong sa 'kin galing 'yon, Melo."

"Talaga?" I asked, amused with her cute act.

"Oo nga!" She grinned at me.

Tumango ako at ipinatong ko ang kamay ko sa ulo n'ya. 

"Umuwi ka na," I told her, staring at her eyes. 

She stared back at me and I saw how her eyes glimmered. Her eyes reflected the lights from the lamp posts. Ang ganda talaga ni Sobral. 

"Will you remember this tomorrow?" I asked her.

Kumurap nang mabagal si Joey.

"Probably."

Napangiti ako. 

"'Yong duwag na parte ng kalooban ko, gustong malimutan mo na lang ang gabing 'to bukas. Pero may parte rin sa 'kin na gustong maalala mo lahat," I said.

"Huh?" she asked, confused. 

Yumuko ako nang bahagya at bumulong sa tainga n'ya. Malakas ang kabog ng dibdib ko at nanginginig ang mga binti ko. Nang lumayo ako kay Joey matapos kong sabihin sa tainga n'ya ang bagay na gusto kong sabihin, nagsalubong ang mga tingin namin at nakita ko ang kunot na noo n'ya sa 'kin.

"Huh?" she asked. 

Hindi n'ya ba narinig?

Napabuntonghininga ako at napailing. Pagkatapos, natawa ako at tinulak nang bahagya ang balikat ni Joey. 

"Umuwi ka na," I urged her. 

"Ano ulit?" she asked, pumipikit nang mariin at hinahawakan na ang sentido n'ya.

"Umuwi ka na," I pushed her a little. "Ab, ingat kayo, ha?" sabi ko kay Abao na tumatayo na mula sa pagkakahilig n'ya sa sasakyan.

"Yes, boss." 

Tinanggap ko ang high five na inabot ni Abao, pagkatapos, nilingon ko si Joey na nakakunot pa rin ang noo habang nakatitig sa 'kin. I smiled at her before I turned around to leave.

Remember, Joey. 

Fall For August (Young Love Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon