8

4.4K 359 128
                                    

Kagat ko ang labi ko habang naglalakad papunta sa klase namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kagat ko ang labi ko habang naglalakad papunta sa klase namin. Bitbit ko ang isang box na may lamang mga candies na binili ko lang kanina sa convenience store. 

July finally ended and my favorite month has come---August. 

Pagkapasok na pagkapasok ko sa klase, hinanap kaagad ng mga mata ko si Melo sa kung saan s'ya madalas sa klase. I saw him sitting beside the window, gazing solemnly outside. 

Napangisi ako at agad na dumiretso sa kan'ya. 

Melo raised his gaze towards me and his eyes glinted. Agad s'yang napangisi nang makita ako at alam kong alam n'ya na kung ano ang meron. 

Inabot ko sa kan'ya ang box ng candies, the first gift I have for him before his actual birthday arrives. 

"Advance happy birthday, Paul Augustin Melo," ngisi ko at agad na natawa.

Natawa rin si Melo at kinuha ang box mula sa 'kin. He opened it and almost rolled his eyes when he saw the candies. 

"Thanks but I feel like I know where you bought this," aniya.

"Mag-thank you ka na lang!" 

"Thank you," aniya bago kumuha ng isang candy at binuksan 'yon bago kinain.

"Pahingi!" sigaw ni Abao na mukhang nauna pa sa 'king pumasok bago lumapit sa 'min. 

Binigyan ni Melo ng candy si Abao. Pagkatapos, inabutan n'ya rin ako ng isa na kinuha ko naman at kinain. 

"Pahingi, August," nanunudyong sabi ni Pamor nang lumapit s'ya sa 'min. 

Natawa si Melo at binigyan n'ya si Pamor. 

"Salamat, August."

"Pahingi rin ako ng isa pa, August," sabi ko at inilahad ang kamay sa harapan n'ya. 

"Stop it," ani Melo pero inabutan pa rin naman ako ng candy. Natawa ako. 

"August, manlilibre ka ba sa birthday mo, August?" tanong ni Abao.

Ipinakita ni Melo ang middle finger n'ya kay Abao at nagtawanan kami. 

"It's Melo," aniya at nilingon ako. "Don't call me August."

"Bakit ayaw mo?"

"Hindi ako sanay."

"It's August and we want to call you August." Nagkibit-balikat ako at napatawa nang halos irapan ako ni Melo. 

Kahit ayaw n'ya, tinawag pa rin naman s'ya sa totoo n'yang palayaw. Kunwari pa! Sa bahay naman nila, August naman talaga ang tawag sa kan'ya. Sanay lang kasi s'yang tinatawag naming Melo kaya naiilang s'ya ngayon. 

Last year, no'ng birthday n'ya, ganito rin ang ginawa namin. We called him with his nickname the whole month of August. Pagkatapos ng buwan na 'yon, Melo na ulit ang tawag namin sa kan'ya.

Fall For August (Young Love Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon