Attending Melo's birthday made me realize a couple of things.
Una, bawal ko s'yang tawaging Melo sa birthday n'ya dahil buong angkan n'ya ang lilingon kapag ginawa ko 'yon.
Pangalawa, ang dami palang iba pang mga kaibigan ni Melo at malapit s'ya sa mga pinsan n'ya.
Pangatlo, akala ko. . .dahil kami ang kasalukuyang pinakamalapit na kaibigan n'ya, akala ko, makakasama namin s'ya nang matagal sa party na 'yon. But that wasn't the case.
Hindi ko tuloy mapigilan ang simangot ko.
Come on...
Limang minuto n'ya nang kausap 'yang babaeng family friend n'ya, ah?
Mahabang buhok. Balingkinitan. Matangkad. Maganda! Ang ganda rin ng ngiti. Parang modelo. 'Yon bang pwedeng lumabas sa magazine.
"Sobral, ngiti ka naman. Kanina ka pa badtrip," sabi ni Abao sa 'kin.
Agad ko s'yang binigyan ng sarcastic na ngiti at agad s'yang napatawa. He cursed me and I rolled my eyes at him. Itinaob n'ya 'yong phone n'yang kanina pa n'ya hawak sa ibabaw ng mesa naming may magandang table covers.
"Why are you in a bad mood, anyway?" he asked.
"Baka gutom na," ani Pamor na kinuha 'yong wine glass na may lamang tubig para uminom.
Kanina n'ya pa 'yan pinaglalaruan! Gusto n'ya yata 'yong baso. Baka mamaya, iuwi pa n'ya 'yan.
"Ano'ng niregalo n'yo kay Melo?" tanong ni Abao.
I hushed him immediately. "August! Ang daming Melo rito. Baka lingunin ka nilang lahat."
Napamura si Pamor at tumawa. "Kanina, no'ng nasa washroom kami ni Abao, pinag-uusapan namin si Melo. Kaya pala nililingon kami no'ng ilang kasabay namin. Puro Melo nga pala ang nandito."
Nilingon ko kung nasaan si Melo. Kanina pa s'ya nasa harapan dahil s'ya ang birthday celebrant. Marami na rin ang nagbibigay ng greetings sa kan'ya. Kanina ko pa rin napapansin na lumilingon si Melo sa 'min. Kung wala sigurong program, baka sa 'min na s'ya dumiretso dahil kanina pa n'ya mukhang gustong pumunta sa 'min.
Napasimangot ako.
Kanina pa rin s'ya nilalapit-lapitan ng isang babaeng tingin ko ay family friend ng pamilya ni Melo. 'Yong maganda.
Haba lang ng buhok ang lamang n'ya!
"Sino ba 'yon?"
"Sino?" Si Pamor, nililingon ang tinitingnan ko. "Ah. . .'di ko alam. Pero ang ganda, 'no?"
Maganda nga. I hissed. Bakit ang ganda?
Nang dumating tuloy si Melo, hindi ko maiwasan ang kunot ng noo ko. Nakakainis kasi. Lalo na sa t'wing naaalala ko kung pa'no tumawa 'yong family friend n'ya sa mga sinasabi n'ya.
BINABASA MO ANG
Fall For August (Young Love Series #3)
Fiksi RemajaYoung Love Series #3: Journey Rae Sobral Journey Rae Sobral or Joey has always been a hopeless romantic. She thinks that love is always about a butterfly-filled stomach and a fluttering heart. Hindi pa man n'ya nararanasan ang magmahal nang totoo, m...