Chapter 6

15 3 3
                                    


---
Special note from otor

Ayun nagbalik ako HAHAHAHAHA ngayon na lang uli nakapag Update. Salamat nga din pala dun sa dalawang taong nagpaalala sa akin BWUAHAHAHA

Enjoy!!!
*****





Pinakiramdaman ko ang aking paligid. Ang aking paghinga maging ang aking kinalalagyan.
Hindi madilim at hindi malamig na para ba ako'y nasa isang kwartong walang daanan palabas at papasok. Tanging ang aking paghinga't pagpatak ng tubig ang aking naririnig.

Tubig?

Wala na akong marinig kung hindi ang pagpatak ng tubig na unti unting nawawala sa aking pandinig.

Inikot ko ang aking paningin, hinahagilap ang papalayong ingay hanggang sa kusang gumalaw ang aking mga paa at nagsimulang tumakbo. Naglingalinga at pilit na hinahabol ang papalayong ingay na sa kung anung dahilan ay para ba itong labis na napakahalaga. Kusalang huminto ang aking mga paa ng tuluyan na ngang mawala sa aking pandinig ang pagpatak ng tubig.

Masyadong tahimik, sa sobrang tahimik ng paligid ay parang may batong humarang sa aking lalamunan na dahilan ng aking hirap na paghinga ngunit sa anong kadahilanan ay bigla iyong nawala kasabay ng pagliwanag ng aking paligid. Paunti unti ay may mga imaheng nabubuo. Mga taong di pamilyar at lugar na para bang sa libro ko lang nababasa.

May biglang lumitaw na senaryo, mga taong nakapaikot sa isang malaking pabilog na bato'ng nagmimistulang kanilang lamesa. May kakaiba din nakaukit sa bato'ng iyon. Kunot noo akong napaisip ng mapansin pamilyar ang itsura nuon. Bago ko pa tuluyang mapaghinuha ang bagay na iyon ay nagpalit nanaman ng senaryo ang buong paligid.

Mga taong nanggaling sa magkaibang panig at nagsasalpukang mga armas. Paminsan minsan ay nagliliwanag ang paligid minsan ay napupuno ng hiyaw.

Digmaan?

Nahagip ng aking mga mata ang isang sundalong nakasakay sa kabayo habang pilit iniiwasan ang kalabang humarang sa kanyang daan. Para ba'y wala itong planong gamitin ang hawak sa ispada habang pilit na linalagpasan ang mga kalaban. Suot nito ang kakaibang  desenyong panglabanan. Habang malaking crest ang nakatatak sa kapang asul na kanyang suot. Muli ay napalitan nanaman ang senaryo ngunit di tulad ng unang dalawa ay masyadong pamilyar ang sumunod na senaryo.

Isang batang babaeng nakasuot ng puting damit habang isang crest ang nakataktak sa likuran ng kanyang suot na asul na kapa.

Isang taong may apat na mga kamay. Ang dalawang magkabilang kamay na nasa taas na bahagi ng katawan ay hawak ang mga espada at nakaporma ng paekis habang ang dalawang kamay sa ibabang bahagi ng pang itaas na katawan ay parehong hawak ang isang espada na mistulang ginawang pangtukod na nakasentro sa gitna. Habang ang mukha ng tao ay natatakpan ng isang tela. Sa magkabilang balikat naman nito ay may kamay na nakahawak. Ito ang simbolo ng isang matapang na mandirigmang nakalinya sa dalisay na kapangyarihan

The crest of holy Knight o sa maskilalang tawag ay 'The Holy Crest of Carnard lineage'

The crest of my Ancestor, the symbol of vow made a hundred of years ago. A symbol made by blood, tears and holy magic.

Bigla ay nakaramdam ako ng init na dumaloy sa aking mga pisngi. Agad ko iyong hinawakan at nagtataka nang mapansing isa iyong luha. Luhang nanggagaling mismo sa aking mga mata.

Napasulyap akong muli sa batang babaeng ngayon ay nakatingin na sa akin. Ang mga matang punong puno ng determinasyon at kinang.

Sumilay ang matamis na ngiti mula sa kanya

"Ito na ang oras ng iyong paggising"

Sa kung anung dahilan ay naramdaman ko ang pagbigat ng talukip ng aking mga mata. Habang ang linyang kanyang sinambit ay unti unting tumatatak sa aking isipan. Naramdaman ko ang lamig na lumukod sa aking buong katawan habang ang aking paningin ay unti unti nang lumalabo.

"KIMMMM!"

Napabalikwas ako ng upo sa gulat dahil sa isang nakaririnding tili.

"CAMILLE ANO BA!"

Naiirita akong nakatitig ngayon kay Camille na nakatayo sa harapan ng aking higaan. Nakasuot ito ng uniporme. Nakapameywang ito habang hawak ang bag ko.

Teka ba't hawak nya bag ko!

"ANUNG ANO BA! WALA KA BA BALAK PUMASOK NGAYONG ARAW AT NAKAHIGA KA PA DYAN SA HIGAAN MO NA PARANG PATAY!!?"

Naiinis man ay nagtaka ako sa sinabi nya. Ngayon ko lang din napansin nasa dorm pala ako. Wait! Ang pagkakaalam ko--

"Teka nga! Ba't nakauniporme ka? Hindi ka ba nagpalit ng damit at natulog na lang bigla?" nanlalaking mga mata ay napatingin ako sa sarili at napansin nakauniporme pa nga ako. Takte!

"Eww! Don't tell me hindi ka man lang naghalf bath bago matulog? Kim kadiri kaaaa! Ang bantot na ng uniform mo!" naiinis akong binalingan si Camille ng tingin at tumayo

"Ang aga aga Camille ang bubwusit ka! Labas nga! May extra uniform ako noh!" mabilis ko syang pinagtulakan palabas pero bigla syang lumayo at tinignan ako ng para bang nandidiri. Kinapikon ko naman iyon kaya mabilis kong binuksan ang pinto palabas

"You don't have to push mo okay! Yuck! May panis ka pa na laway ohh! Gezzz!"

Lumabas na ito ng kwarto habang napabuntong hininga na lang ako.

Walang hiya, Late nanaman ako!














Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Curse Of being Chosen (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon