Chapter 1

112 14 4
                                    

Announcement!

This is the Original version ng chapter 1 ng TCOBC.
Sorry for making it too complicated guys lalo dun sa mga readers na nakabasa na ng Prologue to Chapter 11 pero don't you guys worry ilang chapters lang yung babaguhin ko and the rest na napublished na chapter ay konting pag-sasaayos na lang

Take note: Inunpublished ko po lahat ng napublished na Chapter para maisaayos ko po ng mabuti

Yun lang sana supportan nyo ulit ito 😊

- Ms_Pen







Zzzzzzzzzz
(vibrating phone)

Agad kung kinuha ang cellphone ko mula sa aking bulsa at binuksan ang new message

From: Aihpos

Inform me if ever na malilate ka ng uwi.

Nilibot ko muna ang aking paligid kung nandito na ba ang aking hinihintay at ng makumpirma kung mukhang malilate ako ay agad akung nagreply at sinend iyon.

Agad kung pinasok sa aking bulsa ang aking phone at palihim na pinakiramdaman ang paligid upang hanapin ang taong yun ngunit niisang recognition sa kanyang presensya ay hindi ko maramdaman.

Thank you Carl for ditching me! Tsk!

Napairap na lamang ako at sinubukang kontakin si Ashton ng biglang bumukas ang pinto ng room at iniluwa sya.

" Going home? " bumiretsyo ito sa teachers table at prenteng umupo roon

Umiling ako bilang sagot at binaba ang phone " He ditched me. " seryoso kung sabi at tumayo mula sa aking pagkakaupo't tumingin sa bintana,

" Sa tingin ko hindi! "

Nagsimula akung maglakad papunta doon nang masilayan kuna ang nangingitin na kalangitan ay huminto ako't malungkot na tinitigan ito.

" marunong tumupad ng usapan si Carl, hindi pwedeng hindi sya dumating dahil... "

" dahil isang sumpa ang magpapabago sa buhay ko! " isang boses lalaki ang tumapas sa linya ni Ash di kalayuan sa aking pwesto. Agad akung lumingon sa kanilang direksyon at ginawaran ng isang nakakabagot na tingin ang bagong dating na lalaki. Ang lalaking kanina ko pa hinihintay.

" You made it... Carl " irap lang ang kaniyang ginanti at may kung anung inihagis kay Ashton na syang nasalo naman nito.

" Kung may ibibigay ka pakiabot naman ng maayos! " inis na sagot nito sa ginawa ni Carl

" Tsk! Pasalamat ka nga yan lang yung hinagis ko eeh! Para namang hindi handa! " sabat naman ng lalaki hinayaan ko muna silang magsagutan at muling ibinalik ang tingin sa kalangitan

" Nananadya kaba! "

" Ako!? Sira ulo kaba? Ba't ko naman iyon gagawin! "

Napabuntong hininga na lamang ako't kinumpas ang aking kanang kamay at napangiti ng manahimik ang paligid.

" Di ba't ang sarap sa tenga kung ganto lang katahimik ang kwarto? " malumanay kung sabi't tumingin muli sa dalawa na ngayon ay parehong nakasarado ang bibig, ngumiti ako sa dalawa at naramdaman ko rin ang biglang panginginig ni Carl.

Agad kung kinumpas ang aking kamay at dahan dahang lumapit sa kanila't umupo sa may pinakamalapit na upuan

" Ayaw kung matapos ang araw na ito na puro walang kwentang bagay lamang ang aking maririnig! " diretsyo kung sabi't mataman na tinignan ang lalaking nababalot ng panginginig

" ba...bakit ga...ganun ang a...aurang nilalabas mo? Si...sino kaba talaga!? " ngumiti ako ng matamis at tumingin kay Ashton

" Let him be " sa pag-usal ko ng mga salitang iyon ay siyang pagtayo nya't paglapit sa lalaki

" Fuck! Sino ba talaga kayo! " sigaw ni Carl at mabilis na gumawa ng depensa sa pamamagitan ng pagsummon ng kanyang espada

" wag kang mag-alala Carl hindi kita papatayin... Kailangan ko lang ng memorya mo " isang ngiti ang sumilay kay Ashton na syang hudyat ng aking pagtayo

" Hindi ako makakapayag! " panlalaban nya

" Kaya nga gagawin ko ito eh! Hayyst! " tumalikod na ako at dumiretsyo sa kaninang puwesto ko

Sa may bintana. Agad kung inactive ang kaninang portal na ginawa ko at binuksan iyon

" Pa...paanung? Sino ka ba talaga! "

Bago tumuloy sa portal ay tumingin muli ako sa kanila lalo na sa kanya at ngumiti ng matamis

" The remaining heiress of the forgotten Clan "



nakita ko pa kung papaanung may namuong pagkagulo sa kanyang mukha hanggang sa manlaki ang kanyang mga mata't gulat na gulat na itinuro ako




" I...isa kang e..evergarden! " ngiti na lamang ang aking isinukli't tuluyan ng pumasok sa portal.

The Curse Of being Chosen (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon