CHAPTER 2

38 17 1
                                    

Yrina

Habang naglalakad ako dito sa hallway ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Pinagtitinginan ako hindi dahil sikat at gandang-ganda sila sa'kin kundi dahil pinandidirian nila ako. Ano bang masama kung scholar ka? Kung hindi ka mayaman at nag-aaral ka sa isang mamahaling skwelahan? Ano bang nakakadiri dun? Ang kokorni nila, palibhasa mga mayayaman. Sounds cliche but yeah, ganyan sila ka matapobre. Iisipin ko nalang inggit sila sa tinataglay kong ganda, wew!

"The trash!"

"Stinky scholar!"

"Why is she still here?"

"She doesn't fit here!"

"She's a flirt! She's flirting with my Nicko!"

MGA MAKIKITID ANG UTAK. Capslock para dama. Ganyan sila. Pero wapakels ako sa kanila, mga chaka. Buti nalang dyosa ako, duh.

Nang makarating ako sa classroom namin ay pumasok ako agad. Hindi alintana ang ibang tumitingin sakin, malamang nilalait na naman ako. Hindi naman ako pangit kasi nga dyosa ako, duh?! May dyosa bang pangit? Syempre wala. Hindi din naman ako manang manamit---

"Goodmorning Yrina!" Speaking of manang manamit, here she is. Aela Averio, a nerd-looking girl. Lahat ng maiisip mo kung ano ang nerd, siyang siya. Just like me, scholar din. Ang pinagkaiba namin, siya may kaya sa buhay. She's weird. Mayaman siya at kung tutuusin, kaya niyang makuha ang lahat ng gusto niya but look at her, pinili niyang maging scholar at maging nerd.

"Goodmorning Aela!" Nakangiting balik bati ko dito. Umupo naman siya agad sa tabi ko. Siya lang ang kaibigan ko dito sa school. Kaming dalawa ang palaging binubully.

"Nakagawa ka—" bago niya pa matuloy ang sinasabi niya ay pumasok na ang prof namin na magkasalubong ang kilay. Drawing lang naman, joke haha.

"Goodmorning! Get your assignment! Now!"

Katulad nga ng sabi ni Prof, nilabas ko ang assignment ko. Tahimik lang ang mga kaklase ko dahil narin siguro sa mood ni Prof ngayon, mukhang wala sa hulog ang matanda.

Pagkatapos naming sagutan ang assignment namin ay naglecture lang siya. Pagkatapos ng dalawang oras niya ay umalis agad siya sa room namin. Pagkaalis na pagkaalis ni Prof ay parang nabunutan ng tinik sa dibdib ang mga kaklase ko at nakahinga ng maluwag. May 15 minutes break kami bago pumasok ang second sub professor ko.

"Bababa ka pa ba?" Tanong ko sa katabi ko na nagbabasa ng isang libro.

"Hindi na, malapit na rin naman magtime, ikaw?" Balik tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa libro. Typical nerd.

"Hindi na, busog pa naman ako." Sagot ko. At dahil wala na rin naman akong gagawin ay naisipan ko nalang humiram ng libro sa kanya which she happily agreed para daw bestfriend goals kami. Wew haha. Hindi pa ako nangagalahati sa binabasa ko ay pumasok na ang professor namin for our second sub.

"Goodmorning!" Bati ni Prof saming lahat at hindi na kami hinayaang bumati pa pabalik at nagsimula na siyang magsalita about sa topic niya. Nakikinig lang naman ako dahil mahirap na, kakaiba 'tong Prof may paquiz pagkatapos maglecture. Buti nang handa diba.

"That's all for today, dismiss!" Saad ni Prof ng matapos kami sa pagsusulit. Parang mga batang nag-uunahan naman sa paglabas ang mga clasmate ko pagkalabas ng Prof namin.

"Anong oras ang 3rd sub mo?" Tanong ko sa katabi ko na kapwa ko nagliligpit rin ng gamit.

"Mamayang 1pm pa, how about you?" Sagot niya without looking at me.

"Ala una din, tambay nalang muna tayo sa cafeteria?" Tanong ko dito tsaka isinukbit ang bag sa balikat ko pagkatapos kong magligpit.

"Sure." 

Hindi ko maiwasang hindi mainis sa mga kapwa ko estudyante. Pano ba naman kasi, habang naglalakad kami dito papuntang cafeteria, dinig na dinig ko ang mga walang kwentang bulungan nila, yun ay kung bulong pa bang matatawag kung dinig na dinig naman namin. Kung pwede ko lang sana silang patulan, matagal ko ng ginawa. Ang kaso baka ako pa ang mapasama at magkaroon pa ako ng record sa guidance, ede patay ako sa mga Kuya ko.

Hindi ko namalayang nakarating at nakapasok na kami sa mismong cafeteria kung kaya't hindi ko rin namalayan na may nabangga ako. Si Hevea Montelban! My number 1 bully! May bitbit pa naman siyang juice at saktong painom na siya kaya nabuhos sa kanya ang juice, juskoo po ang ganda ko talaga!

"What the hell bitch?!" Eskandalosang sigaw niya na nakaagaw sa atensyon ng mga tao dito sa cafeteria.

"Hala bagay nga—este sorry! H-hindi ko sinasadya Hevea!"  

"Y-you stinky scholar! How dare you! Look at my dress! You know how much is this one ha?! This is so expensive b!tch!" Galit na sigaw niya. Napakislot naman ako sa sigaw niya, mas malala pa sa unang sigaw niya. Jusko Yrina, sobrang mahal yata talaga niya. Galit na galit si Hevea eh. Ganda ko lang yata ang maipagmamalaki ko, puro na kamalasan naman ang nangyayari sakin, langya!

"S-sorry talaga, Hevea. H-hindi kasi kita nakita na—"

"Shut up! I don't need your explanation! All I need is you to pay this dress of mine and I want you out of here!" Galit na dinuro niya pa ako. "And when I say I want you out of here, I want you to drop out! I don't want you roaming around in this University! You sickening bitch scholar slash slut!" Gigil na dagdag niya.

Agad naman akong napaatras hindi dahil sa takot kundi sa sakit ng puso ko at galit sa kanya. Para akong maiiyak sa galit na nararamdaman. Matatanggap ko pang away-awayin niya ako, ipahiya sa lahat pero ang tawagin ako ng kung ano-ano na wala namang katuturan, yun ang di ko matanggap. At kahit kailan hindi ko matatanggap.

Napigtas na yata talaga ang sobrang taas kong pagpapasensya sa kanya sa tuwing binubully niya ako, kaya ayun nasampal ko ang gaga. Tigalgal naman siyang napatingin sa akin pati ang mga estudyanteng pinagtitinginan kami. Hindi ko din naman sila masisisi. Sino ba namang hindi? Kung si Hevea Montelban ang sinampal mo? Isa ang pamilya nila sa tinitingala sa larangan ng business world. Kinakatakutan dito sa school dahil isa ang pamilya nila sa stockholders ng school. Pero dahil nasaktan talaga ang kagandahan ko, pasensyahan tayo pero wala na akong paki kung ano pa ang pamilya niya sa lipunan.

"Y-yrina..." Takot na sambit ng katabi ko, si Aela.

"D-did you just... d-did you just slapped me?! Gulat na galit na tanong niya.

"Naramdaman mo naman siguro ang napakalambot at napakaganda kong kamay dyan sa magaspang at pangit mong pagmumukha diba?" Sakrastikang tanong ko. At sa pangalawang pagkakataon ay nagsinghapan ang mga estudyante ulit.

"H-how dare you!" Galit na naiiyak na saad niya. Iyakin naman pala ang gaga. Akmang lalampasan ko na sana siya ng mahawakan niya ang napakaganda kong buhok at hinila ito. Ang sakit tngna. Pero dahil maganda nga ako, syempre hindi ako magpapatalo.

"You witch! We're not done yet! How dare you slapped me!"

"Ang kapal din naman ng pagmumuk—"

"TO THE DEAN'S OFFICE, NOW!"

VOTE AND COMMENT!
THANKS!

-Leyaanaviaaa.

Girl Series #2: YrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon