Yrina
Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ni Aela sa Cafeteria at saktong malapit ng mag-ala-una ay naghiwalay na kami. Magkaiba kami ngayon ng subject para sa 2 hrs class namin ngayong hapon.
Para naman akong pinagsakluban ng langit at lupa habang naglalakad papunta sa assigned classroom ko. Naiinis ako kapag ganitong oras dahil hindi ko makakasama at makakasabay si Aela. Si Aela lang naman kasi ang friend ko dito sa school dahil syempre pinangdidirihan ako ng mga tao dito. Ang lonely ko tuloy tignan. Pero okay lang, dyosa naman ako eh, at saka mas okay na yung kaunti lang ang friends no keysa madami nga peke naman. I shouldn't stressing myself about this one. Nakakabawas gand—
"You okay?" Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ng pamilyar na boses. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Nicko na nakasandig sa wall.
Nicko Alarcon, ka-batch ko pero magkaiba lang ng program, kilala sa school dahil sa pagiging varsity basketball player dito sa school together with his friends. Maraming nagkakagusto sa kanya at hindi ko naman sila masisisi, ang gwapo naman kasi ng lalaking 'to, dinaig pa mga hollywood actor sa kagwapuhan at bukod sa pagiging gwapo, mabait na loko-loko at mayaman. Sa grupo nila, siya ang mas approachable.
Nakatukod ang isang paa niya sa wall at magkakrus ang mga brasong tumingin sa akin. Bahagya pang tumaas ang isang kilay niya na parang nagsasabing sagutin ko siya sa tanong niya.
"Yes, of course." Nakangiting sagot ko. Tumaas ang sulok ng labi niya.
"You look not, Yrina," he stated. My smile faded.
"Alam mo naman pa lang hindi eh, ba't nagtatanong ka pa?" Iritang tanong ko. Bahagya siyang natawa.
"Chill, Ris—"
"Yrina, Nicko. Yrina."
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at basta nalang tinalikuran. Male-late na ako!
Natapos ang panghapon na klase namin na masama ang timpla ng mukha ko. Dahil.bukod sa nakita ko si Nicko, nagpa-quiz pa ang terror prof. namin sa sub niya. Leche yarn?
Natigil ako sa paglalakad nang matanaw si Aela na may kasama at kausap na lalaki sa harapan ng building ko. Pinagtitinginan sila dahil nga 'nerd' si Aela at mukhang artistahin yata yung lalaki. First time ito at ang laki ng ngiti ng babae! Sino ba 'yang lalaki na 'yan? Bubudulin pa yata kaibigan ko ah? Aba, hindi pwede 'yan sa'kin! Walang pwedeng manakit sa nag-iisang kaibigan ko!
Salubong ang kilay na naglakad ako papalapit sa kanila. Nakita ako ni Aela kaya napatigil siya sa pagsasalita. Napalingon rin sa akin ang kausap niyang lalaki na namumukhaan ko!
Si Russler Alterio. Russler Alterio na kaibigan ni Nicko. Russler Alterio na isa ring varsity player ng basketball sa university. Russler Alterio na hinahangaan ng mga kababaihan, maliban sa'kin.
"Oh here's my friend pala, Russ."
Aela reached my hand. Ngumiti ako ng peke sa lalaki na nakita ko pang lumunok. Okay? Nakakatakot ba ako?
"Yrina, this is Russler, my friend." I extended my hand to him. Baka sabihin niya snob ako. Napataas ang kilay ko nang hindi niya agad tinanggap ang kamay ko na nakalahad. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa akin at sa kamay ko.
"I-I'm Russler, R-Russler Alterio." Aniya at tinanggap ang kamay ko.
"Yrina. Yrina Montoya." Tipid na saad ko sabay baba ng kamay ko. Kumunot ang noo ko nang ayaw niya pa sana bitawan. Sandali pa kami nagkatitigan, naputol lang iyon nang pekeng umubo si Aela sa tabi ko. Agad kong binawi ang tingin ko at nakangiting humarap kay Aela.
BINABASA MO ANG
Girl Series #2: Yrina
RomanceGirl Series #2 Yrina Larisse Valeco -Leyaanaviaaa. Date Started: February 15, 2022 Date Ended: