CHAPTER 3

36 18 0
                                    

Yrina

Kung nakakamatay lang ang tingin, matagal na akong patay. Nandito kami ni Hevea kasama ang Dean, secretary niya at ang isang professor na nakakita sa nangyari kanina sa canteen. At kanina pa kami nagtititigan contest dito ni Hevea, parang walang pake sa mga taong nandito. Agad namang tumikhim ang Dean ng makitang walang balak magbaba ng tingin ang niisa sa amin.

"So, mind to tell us what happened between you two?" Seryosong tanong ni Dean Alfaro. Agad naman akong umiwas ng tingin kay Hevea at tinignan ang Dean sa mata. Gusto kong makita niya sa mga mata ko na totoo ang sasabihin ko sa kanya ngayon.

"Ganito kasi yu—" Naputol ang sagot ko ng sumapaw ang gagang si Hevea. Galit na nilingon ko naman ito.

"Let just get straight to the point here. That stinking b!tch jus----"

"Watch your words, Ms. Montelban! You are now talking to the Dean of this University! Have some respect." Seryoso pa ring saad ng Dean. At dahil dakilang kulang yata sa pansin itong babaeng to, sinagot niya ang matanda.

"Then I want you to know that you are talking to the heiress of Montelban Enterprise! My family's one of the stockholders of this University! Mind you, in just a snap I can make you out of this University as a Dean." Nakangising sagot naman ni Hevea. Wala talagang respeto. Halatang spoiled.

"Of course I know, Ms. Montelban. Hindi ko yan nakakalimutan. But it doesn't mean I'll tolerate your behavior inside in our dear University." Parang walang pakeng saad ni Dean sa mga sinabi ni Hevea kanina. Sinamaan naman ni Hevea ng tingin ang Dean.

"I'll make sure na makakarating to sa Daddy ko, Dean Alfaro. Keep that in mind." Matigas na saad ni Hevea at tumayo sa upuan tsaka tumalikod at naglakad palabas, pero bago siya tuluyang makalabas ay tinignan niya pa ako ng masama sabay sabing.

"We're still not done yet, wag kang papakasaya." And with that, tuluyan na siyang lumabas. Agad naman akong napamake-face na nakita pa yata ng Dean, Dean's secretary at ni Prof na kapwa nakatingin sa akin. Alanganin naman akong ngumiti na nauwi sa ngiwi. Tumikhim naman ang Dean at umayos sa pagkakaupo, para lang naman siyang gumalaw, okay naman ang pagkakaupo niya ah? Pero nevermind.

"What is your name, Miss?" Paunang tanong niya. Mukhang ako yata ang masasabon dito. Bweset na Hevea yun, iwan ba naman ako dito.

"Yrina Va—Montoya po." Alanganin akong tumingin kay Dean ng muntik akong magkamali sa pagbanggit ng dinadala kong apelyido. Lagot talaga ako kina Kuya.

"So Ms. Montoya, since Ms. Montelban walked out, I want you to spill what really HAPPENED. I want an honest answer Ms. Montoya." Seryosong saad niya na nagpakaba sa akin. Pero bat naman ako kakabahan kung si Hevea naman talaga ang nauna sa amin? Atsaka hello?! Hindi ako sinungaling. Wala akong magulang na gumabay sakin sa paglaki ko at ang mga kapatid ko lang pero maayos naman nila akong napalaki.

Tulad nga ng sabi ng Dean ay kinwento ko sa kanila ang nangyari. Walang labis, walang kulang. Tumango tango naman ang Dean at ang Professor na nakakita sa amin ni Hevea kanina habang sinasalaysay ko ang nangyari sa pagitan namin ni Hevea. Pagkatapos kong magkwento ay tumikhim muna ang Dean bago nagsalita.

"Based on what you've said, both of you are at fault." Tumatangong sabi ng Dean habang matamang nakatingin sa akin. Umiwas lang naman ako ng tingin dahil ako naman na mas mali ang ginawa ko kay Hevea. "Don't get me wrong, Ms. Montoya, I am not siding anyone of you here even Ms. Montelban's family are one of the stockholders here in our University—as what she said earlier but what you did are not acceptable so as Ms. Montelban's act because bullying or calling names or anything about bullying are not allowed here in our respective University. Yours was a bit bolder on what Ms. Montelban did. You slapped your co-student while she is calling names on you. If this one will reach to the highe—"

"N-naku wag po, Dean! Ayokong mawalan ng scholarship!" Naiiyak na sabad ko sa mahabang sinabi ng Dean.

"I know, Ms. Montoya. I know very well and I hope you already know na ikaw ang lalabas na naunang nakigpaaway kay Ms. Montelban. So I came up with this decision since you accept your own mistake, papalampasin ko to." Seryosong saad niya.

"T-talaga po, Dean? S-salamat po, salamat! Promise po, hindi na po ito mauulit. Iiwas na po ako sa gulo." Masayang sabi ko. Tumango naman ang Dean sa sinabi ko.

"I'm counting on you, Ms. Montoya. Always think about your scholarship." Nakangiting sabi ng Dean.

Hanggang makalabas ako ng Dean's Office ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. Walang paglagyan ang saya na nararandaman ko right now. Salamat, Papa G! Love na love talaga ki—

"Yrina!" Sigaw ng kung sino sa pangalan ko. Agad naman akong lumingon sa likod ko which is kung saan ko narinig ang sumigaw. There, I saw Aela walking towards on me. Nababanaag sa mukha niya ang pag-aalala sa akin.

"Ayos ka lang ba? Pinagalitan ba kayo? Anong sabi ng Dean? Tinanggal ba scholarship mo?" Sunod-sunod na tanong niya ng makalapit sa akin.

"Aela, chill! Daig mo pa reporter sa dami ng tanong mo eh, isa-isa lang beng!" Nakangiwing saad ko dito. Agad naman siyang ngumiti na nauwi sa ngiwi.

"Nag-aalala lang ako sayo eh." Nakanguso na saad niya and I find her cute with that look.

"I can say okay lang, hindi naman ako pinagalitan ng Dean. Pinagsabihan niya lang ako." Saad ko. Tatango-tango naman siyang nakinig sa akin.

"Nagkarecord ka ba?" Ilang na tanong niya.

"Syempre hindi. Pinalampas ng Dean ang nangyari dahil parehas naman kaming may kasalanan ni Hevea—and speaking of Hevea! Nagwalk-out ang gaga. Bastos talaga."

Habang naglalakad kami pabalik sa cafeteria ay kinwento ko kay Aela ang mga sinabi ni Hevea sa Dean. Hindi ko din maiwasang hindi tignan ang mga estudyanteng nakatingin sa amin. Sinasamaan ko sila ng tingin pero parang wala lang din naman sa kanila dahil iniirapan lang ako o di kaya tinataasan ng kilay na akala mo naman totoo, If I know drawing lang yun. Heh, wag ako mga chaka!

Pagkapasok namin sa cafeteria ay sumalubong sa amin ang tingin ng buong estudyanteng nandirito sa cafeteria. Nangunguna na ang dalawang kaibigan ni Hevea na hindi niya nakasama kanina, ang sama ng tingin nila sa amin o mas tamang sabihing sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin at tumuloy sa pagpalalakad papunta sa isang bakanteng table. Tahimik lang na nakasunod sa aking likuran si Aela.

Pabagsak kong nilagay ang bag ko sa isang upuan ng makarating kami sa table. Gulat naman na tumingin sa akin si Aela, nginitian ko lang siya tsaka sinuyod ang tingin sa buong cafeteria.

"Ano? Titignan niyo nalang ang kadyosahan ko? Ayos yan, mabubusog kayo. Sa ganda ko ba namang to, diba? Heh, mga chaka!" Inis na sigaw ko sakanila. Tarantang umiwas naman tingin ang iba, at syempre kelan ba nawalan ng mga papansin sa mundo?

"You are so full of yourself, scholar girl!" Sigaw nung isang magandang babae pero syempre, mas maganda ako sakanya. Nakangising tinignan ko naman siya.

"Talaga! Ang tulad kong dyosa dapat pinapangalandakan ang kadyosahan lalo na kung totoo. In your case, mainggit ka lang ng todo at kung hindi mo na kaya, pikit mo nalang mata mo."

Galit na tumayo ang babae at nagmartsa palabas ng cafeteria.


VOTE AND COMMENT!
THANKS!

-Leyaanaviaaa.

Girl Series #2: YrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon