Chapter 3
"Yay!" Narinig kong sigaw ni Kiddo sa taas. Andito ako ngayon sa sala ng bahay. Bahay na titirahan naming dalawa -_-. Ginigipit talaga ako ng parents ko. Syempre ngayong nasa iisang bahay na kami ng batang yun, iisipin nila na may mangyayari samin. Malamang, ang laki kaya ng possibility na marape ako ni Kiddo. Sa gwapo at ganda ba naman ng katawan ko eh, imposibleng di matukso yun.
"Ano bang iniingay mo dun sa taas?" Tanong ko pagkababa niya sa dito sa sala.
"Dalawa kasi yung bedroom. So ibig sabihin di tayo matutulog sa iisang bed. "
"Buti naman. Ayaw kitang makatabi. Baka pagsamantalahan mo pa ako."
"Ewww. Not gonna happen. Di ako interesado sa katawan mo."
"Sus. Kunwari ka pa."
"Ewan ko sayo. "
Tapos inirapan niya ako. Maldita talaga to. Di ako ginaganyan ng mga chics. Siya lang ang may lakas ng loob na irapan ako.
"Bahala ka na diyan Bash. Inaantok na ako." Then naglakad na siya papunta ng kwarto.
"Bahala ka sa buhay mo. Tama yan, 10pm na. Dapat tulog na ang mga bata ng ganitong oras. Tsk. Tsk. Kaya di ka tumatatangkad eh."
Huminto siya sa paglakad then nakasimangot na nakatingin sa akin.
"Di porket matangkad ka, lalaitin mo na yung height ko. Ang cute kaya pag ganito lang kaliit."
"Anong cute? Palibhasa dun ka magaling eh. Magpacute. Di ka kaya nagmumukhang 24 years old. Pati katawan mo mukhang pang dose anyos lang."
"And what do you mean by that?"
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Di ba obvious? Di ka na nga tumatangkad, wala pang lumalaki sayo."
She looked confused. Kawawa naman to. Inosente pa.
"Psh. In other words flat chested ka. Wala ka ring curve. Pati pwet wala ka. "
Nagblush siya ka agad. Yan. Cute siya pag ganyan.
"Bastos ka!! " sabay kuha ng unan sa sofa then binatonsakin. Tapos tumakbo na siya papuntang kwarto niya.
Hahaha. Naka 1point din. XD
Umakyat na ako then pumasok na sa kwarto ko. Humiga na rin ako. Kapagod. May pagkadesperado na talaga mga parents namin. Para namang may mangyayaring maganda pag naging asawa ko si Kiddo. Eh duda din ako kung may "maturity" siya eh. Baka nga mas immature pa siya sakin eh.
Speaking of Kiddo, bakit di kaya siya sumama kay Alexander? Kung ayaw naman niyang maikasal kami. Di kaya may crush na siya sakin? Sinasabi ko na eh. Pero kung wala silang relasyon, bakit nagblush siya? Tapos itatanan pa siya. Nasa Australia siya last time diba? Medyo lutang siya nung mga nakaraang araw simula ng makabalik siya ng Pilipinas. Ohhh baka dun sila nagbreak ni Alexander. Wait. Bakit ko ba iniisip tong mga bagay na to. Makatulog na nga lang.
After 1 hr...
Grabe. Gising pa din ako. Di pa din ako makatulog. Wala akong magawa. Si Kiddo kaya? Malamang tulog na yun. Di nun kaya magpuyat. Kakabored.
Aha! May naisip ako. Pagtitripan ko si Kiddo. Haha. Masaya to.
Lumabas ako ng kwarto. Then dahan dahan akong pumunta sa kwarto niya at pumasok.
Grabe. Yung kumot niya si Snoopy pa yung design. Tapos may unan pa na kayakap. Di pa siguro niya na-experience na may nag cuddle sakanya. I doubt if naranasan niyang makatulog nang may lalaking katabi.
Ang nasa plano ko kasi, tatakutin ko siya. I heard na ang bilis daw niyang matakot at magulat. Kaya nga nakatalukbong na ako ng kumot ngayon.
Inuuga ko na yung bed niya para magising na siya.
Pero...
*bogsh*
Nang dahil sa kung anong klaseng katangahan. Napatid ako. Naapakan ko yung dulo nung kumot. Kaya napadapa ako dito sa bed niya. And damn, nakapatong ako sa kanya -_-.
Naramdaman kong gumalaw siya. Patay. then...
"Bash?!"
Di ako makasagot. Ang palpak kasi.
"Umm..."
Then naramdaman kong lumalim yung paghinga niya. Yung tingin niya sakin , takot na takot. Grabe. Nakakakonsensya.
Di rin siya makapagsalita. Then nakita ko na lang na tumutulo na yung luha niya.
"Claire, its not----"
"Wag..please.." Umiiyak na talaga siya.
Ngayon ko lang narealize na mukha akong rapist sa posisyon namin.
Bumangon na ako. Natakot ko talaga siya. Yun yung plano ko pero di sa ganitong way. At wala akong balak gawan siya ng masama.
"Claire, sorry na. Di ko naman sadya. Wala akong balak pagsamantalahan ka. Swear. Balak ko lang sanang takutin ka."
Di siya nagrespond. Umiiyak pa rin. Paano ba to? Patatahanin ko ba? Wala akong alam kung paano magpatagahan ng bata.
"Uy Kiddo, wag ka nang umiyak. Di ko alam gagawin ko." Seryoso. Natataranta na ako. Di ito yung first time na may napaiyak akong babae pero iba yung epekto sakin ng pag-iyak niya. Feeling ko ang sama-sama kong tao.
Hinawakan ko yung kamay niya. Kaso hinihila niya.
"Shh..Its just me Claire..I wont hurt you. Wag ka namg umiyak..." Ang corny pero wala na akong magawa.
After 5 minutes, napansin kong tumigil na yung paghikbi niya then stable niya yung paghinga niya. Phew. Nakatulog na siya ulit. Ay. Magkahawak pa pala kami. Awkward.
Di ko naman siya maiwan. Yaan na nga. Nakakaawa naman. Dito na muna ako matutulog.
Paano kaya to bukas? Kahit medyo nakakasaling ng pride, kelangan kong magsorry. Medyo nasobrahan ako this time. Baka di niya na ako patawarin.