Chapter 7

2 0 0
                                    

Chapter 7

"Juli, ano bang ginagawa mo dito?! Importante yung pinag-uusapan namin kanina. "

Kaasar. Akala ko tapos na ang walang humpay na bangungot ko mula kay Juli.  Siya lang naman ang dakila kong stalker mula elementary. Akala ko nung highschool, pag sa medyo malayo-layo ako nag-aral, di niya na ako masusundan. Pero dahil sa magkapitbahay kami, nagpatuloy pa rin ang pagsunod niya. Natigil lang nung umalis ako papuntang Australia. Kaso pati sa fb at twitter di niya ako tinatantanan. Mas maigi na yun kaysa naman yung umaaligid siya sa personal.

"Eh namiss nga kita. 5years ka kayang nawala tapos ganyan ka pa sakin. "

"Kanino mo ba nalaman na nakauwi na ako?"

"Sa Mama mo. "

Sabi na eh.

"Look Juli, wag mo na ulit gagawin yun. Pati yung mga sinabi mo kanina kay Claire. Nakakahiya. Alam mo bang nagpropose ako kanina?"

"Ano naman? Totoo naman lahat nang sinabi ko kanina eh. Nagpaalam na ako kay Tita na papakasalan kita. Tsaka nakaplano na yung wedding natin. Kahit magpropose ka di pa rin siya mapupunta sayo. Dahil ikaw ang destiny ko. "

Eto na naman tayo sa destiny-destiny na yan. Paano kasi? Bata mag-isip. 21 years old na siya pero para lang siyang 10 yrs old mag-isip at umasta. Mas mature naman si Claire kaysa sakanya. And she's pushy beyond belief. Rinding rindi na ako sa kanya.

"Di ako yung destiny mo , okay? Edi sana kung ako yun, sana di kita pinagtatabuyan  noon pa."

"Ah basta. Di mo pa kasi narerealize. May destiny din si Ate Claire. "

"At ako yun kaya wag mo nang ipagpilitan."

"No, no Alex. Ibang guy yung destiny niya. Kaya nga sakin ka diba?"

Walang patutunguhan tong usapan na to. -_-

"Bahala ka na nga diyan." Then tumayo na ako para lumabas ng restaurant.

"Uy Alex, wait lang." Sigaw ni Juli.

Kelan niya ba ako tatantanan?

----

Bash POV

"Uy bakit ka na naman nakasimangot diyan?"

Andito kami ngayon sa kotse ko. Actually di ko pa talaga alam kung saan kami pupunta.

"Epal ka kasi. Forevs ka bang ganyan? Nagpanggap ka na lang sana na di mo kami nakita kanina eh. Ang ganda na ng usapan namin eh."

"Sus. Kaya ka ganyan kasi di ka nakapag-yes agad sa marriage proposal niya kanina. "

"Alam mo pala eh. Bakit ka pa nagtatanong? Kung nakàpagyes ako kanina , edi sana papunta na kaming Australia ngayon. Edi sana siya ang kasama ko ngayon. Di yung pinagtitiisan kita ngayon."

Wow ah. Sa gwapo kong to, jackpot na nga siya.

"Oy pinagkakaguluhan ako ng mga chics sa bar tapos eto ako ngayon , solong solo mo. Pinagdadrive ka pa. "

"Ginusto ko ba?"

"Alam kong frustrated ka kasi di ka nakapagyes kanina dun sa boyfriend mo. Pero di lang naman ako ang nang-istorbo sa inyo ah. Yung bata kanina na yumakap kay sa syota mo. Grabe, bakit puro bata mga nagkakagusto dun?"

"Kumpara naman sayo. Tsaka bakit mo ba ako hinila? Di ba dapat hinayaan mo na lang kami. Tama! Ang engot mo. Edi sana wala ka nang problema ngayon. "

Ako? Engot? Bastong tong bata to ah.

"Di ako engot. Sa tingin mo papayag basta yung Mommy mo? E di naman niya kilala si Alexander. Okay na sana na gusto ka niyang pakasalan para mawala ka na sa buhay ko. Pero kung ganyang may sabit siya, kumplikado yun. Pati ako madadamay. Alam mong inaaabangan tayo ng media. Pag nalaman nilang yung fiancee ko, nagyes sa proposal ng ibang lalaki na may sabit naman. Pag-uusapan na naman ako. Ako na naman ang sesermonan ni Daddy. Alam mo bang nung nasa Australia ka for 1 year, ako ang dinumog ng media? Ako rin ang pinagalitan ni Dad? Bakit ka kasi nawala bigla?!"

Natahimik siya. Well totoo lahat yun, kahit may kasalanan siya ako lang ang pinag-iinitan. Ang tigas kasi ng ulo ng batang to.

"Sorry Bash... Gusto ko lang kasi tumakas noon kahit saglit lang. Tsaka nang dahil sa si Alexander yung gusto ko, di ko naisip na damay ka pala. " nakayuko siya habang nagsasalita.

"Sa susunod kasi mag-isip ka muna. Wag kang mag-aalala sanay naman na ako sinesermonan ni Dad." Baka mamaya umiyak siya. Yari na naman ako.

Napabuntong hininga siya.

"Siguro wala na akong magagawa. Ayaw ko rin talagang suwayin si Mommy." Malungkot siya nakatingin  sa labas.

Nakakaawa naman tong batang to. Haha. Well di naman gaano kasi ako ang magiging asawa niya. Gwapo na, hot pa. Ako ata ang kawawa. Pati pag luto di niya alam.

"Bash, saan tayo pupunta?"

Saan nga ba? Haha. Hmmm .... Ah! Alam ko na!

"Ako bahala, magugustuhan mo dun."_

"Oy, saan yan? Ayoko ng ganyang mga ngiti mo ah. Baka mamaya pinagtitripan mo na naman ako. Iuwi mo na lanh ako."

"Di kita pinagtitripan. Matutuwa ka nga sa pupuntahan natin. Bagay yun sayo."

"Ayusin mo lang ah. " then inirapan niya ako.

Kelan niya ba marerealize na I am 6 years older than her para maisip niya na tigilan niya na ang kakairap niya sakin. Walang galang na bata to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HATM 2: Oh My Claire!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon