Chapter 4
Andrei's POV
Nakakaasar. Bakit ba nainlove ako sa kanya? Biruin mo, di na nga siya ganun ka sweet at ka-expressive, nakikipag-interact pa siya kay Alexander. Yung lalaking karibal ko sa kanya dati. WTH. Di man lang niya iniisip na magseselos ako.
Tapos nagwalk out na ako lahat-lahat di pa rin niya tinigil. Di niya rin ako hinabol. Kaya nga ako nagwalk out eh. >.<
Pagbalik ko ng kwarto, busy pa rin siya sa laptop niya. May tinatapos atang paperworks. Grabe. Di man lang ako nilingon.
Umupo na ako sa bed. Bahala siya diyan. Di ko siya papansinin.
Maya-maya, biglang bumukas yung pinto.
"Daddy..." Oh. Si Shiloh. Papatulong ako dito. Alam ko sakin kakampi to eh.
"Hello buddy, you need something?"
"Wala naman po, gusto ko lang po sana magstay muna dito. Pwede po ba?"
"Sure, halika dito sa bed." Then patakbo siyang lumapit sakin.
"Mommy, are you busy?"
"Oh hey baby. Malapit na tong matapos. Kailangan kasi sa work ni Mommy."
"Tsss. Work tapos nakikipagvideo chat ka pa kanina."
"Whatever Andrei."
Then humarap ako kay Shiloh.
"Naku, busy si Mommy sa pakikipagchat kay Tito Alexander mo. Di man lang niya sinabi sakin. Tapos ni-block niya pa ako sa Skype. Nakakatampo kaya diba?"
"Alam ko po na nagvivideo chat sila ni Tito Alexander. Nag usap nga din po kaming dalawa eh. Miss niya na daw po kasi kami ni Mommy."
What?! So ako lang ang di nakakaalam?
"Kelan pa? Tsaka bakit di mo ni-kwento sakin?"
"Last week pa po. Eh kasi po sabi ni Mommy, magseselos ka daw po eh, kaya wag na lang sabihin. "
Oh great.
"Daddy, sorry po. Wag ka na pong magtampo sakin."
"No, baby. Di naman ako nagtatampo sayo."
"Yay! So di ka na rin po nagtatampo kay Mommy?"_
"Ah ibang usapan yun."
Then lumapit na si Sophia at umupo na din sa bed.
"Mommy, nagtatampo po si Daddy."
"I know. Hayaan mo siya. Malaki na si Daddy. Kaya niya na yan."
Woah. Grabe talaga. Makahiga na nga lang. Walang pag-asa to.
"Di niyo po siya lalambingin? Para po bati na kayo?"
Then nakita kong may binulong siya kay Shiloh. Ano naman pinaplano ng dalawang to?
"Sige po Mommy, Daddy. Sleepy na po ako. Balik na po ako sa room ko. Goodnight." Then ni-hug & kiss niya kami pareho.
So, kami na lang naiwan dito. Yung posisyon ko, nakatalikod ako sakanya.
"You want to know kung anong binulong ko kay Shiloh kanina?"
"Wag na.. Sa inyo lang namang dalawa yun.."
"You sure? I bet you want to know what it is."
Then naramdaman kong lumapit siya sakin.
"I told our son na we're going to give him a playmate."
Playmate...?
O_O
"You're pregnant?!"
"Hahahaha. No, joke lang. "
-_____-
"Sophia naman, umasa kaya ako."
"Sigurado kasi akong papansinin mo ako pag yun ang sinabi ko."
Wait. So nagpapapansin siya sakin?
"But seriously, I told our son how you love me so much. Kaya di ka magtatampo ng sobra."
Yeah, right.
Then ni-hug niya ako. Luhh.
"Nagpapatulong lang sakin si Alexander about kay Claire, kasi di ba ikakasal na siya dun sa kumag na fiancee niya?"
"Di ko naman na hinihingi yung explanation mo eh..."
"Shh. Alam kong di ka makakatulog pag di ako nakapag-explain. Si Bakla, nainlove na kay Claire. Si Claire kasi dati yung may gusto kay Bakla. Ewan lang namin ngayon. Kaya tinutulungan ko na maagaw niya si Claire kay Bash. Tsaka magkaibigan kami ni Alexander, natural na magkakamustahan kami."
"Another reason why I didn't tell you about dun is because I trust your love for me."
"I am not good at expressing myself but I want you to know that I love you."
"Bakit pa kita hinabol sa airport noon kung di kita mahal? Kung okay lang sa aking iwan mo ako? Mag-isip ka nga."
"Nagseselos ka kasi agad. I am married to you, okay? May anak na rin ako sayo. Ano pang gusto mo?"
Oo nga. Napakaseloso ko kasi.
"Sorry wife. I can't help it. Alam mo namang sobrang na-aalarma agad ako pag nag-interact ka sa ibang guys."
"Oh yeah. Kahit yung random guy sa coffee shop last month inaway mo eh. Kakahiya kaya. "
Paano kasi, nalingat lang ako saglit, may Australian guy na kumukuha na ng phone number niya. Halata kayang type siya nung guy.
"So, bati na tayo..?" Tanong niya sakin habang nakatitig siya sakin.
Di ko naman siya matitiis eh. Eto problema, patay na patay na ako sa babaeng to.
"Umm..." Di ako makasagot haha
Then nabigla ako nung nilapit niya yung mukha niya to kiss me softly.
Ay. Wala na. Susuko na talaga -_-
"Yan ni-kiss na kita. Bati na tayo ah."
"Ano pang magagawa ko. Di kita matiis eh."
"Natural. Crush mo ako eh." Then she winked. Then nagblush siya sabay subsob ng mukha niya chest ko. Nahihiya ata. Hahaha
Please lang. Grabe yung epekto niya sakin.Para na naman akong teenager na kinikilig. > ///<
Kahit gaano ka siya ka-weird at ka-poker, I don't have any regrets on marrying this woman. Kahit hirap siyang i-express yung feelings niya, she's trying her best to show me how much she loves me. Sakin lang siya nagpapapansin, nagpapout, nagwiwink, nagbablush and my favorite, ako lang nakakarinig ng moan niya.
All of those things, para sakin lang lahat.