Chapter 5

1 0 0
                                    


Chapter 5

Di ko maidilat yung mata ko. Parang namamaga na ewan. Tsaka may something sa kamay ko. Di ko lang sure kung ano.

Kahit nakakatamad, unti-unti kong dinilat yung mata ko.

O_O

Si Bash. Nasa gilid ng bed. Tulog. At ang pinakamalupit, hawak niya yung kamay ko. Binabangungot ba ako?!

Then biglang nagflash back sakin yung mga nangyari kagabi.

Nag-init agad yung ulo ko. Ang sama niya. Kahit wala naman talaga siyang balak na pagsamantalahan ako kagabi, dapat di siya pumasok dito sa kwarto ko. Paano pa ako magiging kumportable tumira dito? Alam ko na normal na sa aming dalawa yung mag-asaran at mag-away pero sobra na yung ginawa niya kagabi.  Sakto pa na nakapanood ako ng movie na may rape scene kagabi kaya mas lalo akong natakot.

Hinila ko yung kamay ko. Kadiri. Ilang oras kayang magkahawak yung kamay namin?

Naalimpungatan siya at dahan-dahan inangat yung ulo niya saka tumingin sakin.

"Hey Kiddo, gising ka na---"

"Get out." Galit ako sakanya. Ayoko na siya magstay dito sa room ko."

"Sorry I didn't mean---"

"I said get out. Now." Mukha siyang nagulat sa inasal ko. Wala akong pakialam.

"Fine. Lalabas na ako. Again, I am sorry." Then lumabas na siya

Naghilamos na ako then nagpunta sa baba. Nagugutom na ako. Kaso di ako sure kung may makakain ako. Di rin kasi ako marunong magluto. Hehe. Mana ako kay Eomma eh.

Pag tingin ko sa ref. Andaming pagkain. Kaso lahat kailangang iluto. >.<

Maya-maya, napansin kong nasa kusina na siya.

"Kakain ka na?"

Inirapan ko lang siya then umalis na ako. At dahil sa gutom talaga ako. Kumuha ako ng itlog at hotdog. Bahala na. Di ko alam kung maluluto ko ng maayos to. Takot pa naman akong matalsikan ng mantika. Naiinggit ako kay Eomma. Si Andrei talaga yung nagluluto para sa kanya. Eh kay Bash? Walang pag-asa. Baka ako pa utusan niya. T.T

Pwes, wala siyang mapapala sakin.

Binuksan ko na yung stove. Atleast marunong ako magbukas ng stove. ^^

Nilagyan ko ng mantika. Then after 5 minutes, nilagay ko yung hotdog. Maya-maya pumapangit yung itsura niya. Luhh ano to? Kukunin ko na ba? Kaso tumatalsik yung mantika. T.T Mommy...huhubels.

Isasabay ko na lang ba yung itlog?

Binasag ko na gamit yung tinidor. Kaso...

Pati yung shell, nasama sa kawali. Ang gulo na.

"Kiddo, anong ginagawa mo---" sabi ni Bash pagpasok sa kusina.

"What the hell! Claire, maawa ka naman sa pagkain!"  Nasa likod ko na siya.

Di ako makapagsalita. Naiiyak na ako. Di ko alam gagawin ko.

Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Bash papalayo ng kalan then naka apron na siya.

"Ako na bahala dito. Maupo ka na diyan. Grabe. Di mo tinanggal yung balat nung hotdog tapos may shell pa ng itlog dito."

Naluluha ako habang pinapanood ko siyang ayusin yung ginawa kong kalat. Nakakahiya. After 15 minutes...may hinain na siya.

"Wag ka nang umiyak. Eto na yung almusal mo. Di ka pala marunong magluto. Sana sinabi mo. Kaya nga kita tinatanong  kanina eh."

Tinitigan ko lang siya. Mukha siyang bakla. Naka-apron. Tsaka ang awkward. Magkaaway kami tapos kakainin ko yung luto niya.

"Look Kiddo, kaysa magka-ulcer ka, kainin mo na yan. Di ko nilagyan ng lason yan. Gutom ka so ibaba mo muna yung pride mo. Ang bata-bata mo pa, ma-pride ka na."

Well gutom na ako. So kinain ko na. Grabe, ang sarap niyang magluto. May matino pala siyang magagawa eh.

Umupo siya sa upuan na katapat ng sakin.

"Oh ano? Inlove ka na sakin noh? Wag kang abusado di ko gagawin yan araw-araw. Peace offering lang nang dahil sa kasalanan ko."

Ang yabang talaga. Inlove agad? Di pwedeng gutom lang talaga ako?

Biglang nagring yung phone ko na nakapatong sa table.

Oh. Si Alexander. Sasagutin ko ba?

"Sagutin mo na. Nahiya ka pa sakin. Naiintindihan ko yung secret relationshio niyo."

Ano daw? Tiningnan ko muna siya ng masama bago ko sinagot yung tawag.

"Alexander? ...Ha?... Para saan? ... I dont think so ... Fine...Saan? Sige, try ko. Bye."

Hay. Nakikipagkita siya. Okay na rin siguro to. Para malinawan ako kung bakit niya nagawang manggulo nung araw ng kasal namin.

"May date kayo noh?"

Epal talaga. Di ko na lang pinansin. After kumain. Tumayo ako para maligo. Nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Hep hep. Bati na tayo?"

"Ha?"

"Nagsorry na ako. Di ko talaga sadya na andun ako sa bed mo kagabi. Balak ko lang magpanggap na multo. Napatid ako nung kumot. Sorry talaga. Tsaka ipinagluto na kita diba? So sorry na."

"Dami mong sinabi. Alam kong di tayo friends. Pero sana wag ka nang sumobra. Babae pa din ako." Then hinila ko yung kamay ko.

"Di na mauulit Kiddo.  Sige na, maghanda ka na para sa date niyo. Bilisan mo ah. May chics din ako pupuntahan ngayon."

"Tse!" Then naglakad ako papalayo. Then may naalala ako. Nilingon ko siya...

"Hubarin mo nga yung apron mo. Ang gay mo tingnan." Then naglakad ulit ako. Seryoso. Nakakatawa.

"Oy. Ang hot ko kaya tingnan. Ang swerte mo nga eh!" Narinig kong sigaw niya mula sa kusina.

Bahala ka diyan. Basta ako excited ako na makita si Alexander.

HATM 2: Oh My Claire!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon