Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2

"Sebastian, ano na naman ba tong gulong ginawa mo?" Tanong ni Tito Samuel.

"What? Bakit ako na naman ang sinisisi niyo? Wala naman akong kasalanan. Di ko nga kilala yung lalaki eh."

Kahit nakakahiya, kailangan kong umamin at magpaliwanag.

"Umm...Tito, your son is telling the truth. Wala siyang kinalaman. Kaibigan ko po yung lalaki na nanggulo kanina."

"What?!  Claire, kaibigan mo? Eh nanggulo? Yun ba yung Baekhyun?" Sabi ni Mommy

Langya. Napag-initan na naman si Baekhyun na walang malay.

"Mom, hindi. Nasa korea yun. Alexabder yung name niya. Schoolmate ko namin nina Sophia nung highschool. Kaibigan ko lang po talaga siya. Pero di ko po alam kung bakit niya ginawa yun. Di ko nga po alam kung paano niya nalaman na ikakasal ako eh. Di ko naman nabanggit sakanya na engaged ako." Pero paano nga talaga niya nalaman?

"Sus. Kanina nga gusto ka niyang itanan. Tapos nagbablush ka pa." Sabat ni Bash.

Bastos talaga to.

"Di ako nagblush. Ako kausap diba? Manahimik ka nga diyan. "

"Naku Claire, nagseselos lang yang anak ko dun sa friend mo. Hayaan mo na. Di kasi natuloy yung wedding mo kaya ganyan yan." Kinikilig na sabi ni Tita Yvonne. Mommy ni kumag.

Grabe. Ang dreamy talaga ng Mommy niya. Ang cute. Bakit di siya nagmana kay Tita.

"Excuse me? Ako? Magseselos? Ma naman. Wag niyong ipilit na magkakagusto ako kay kiddo kahit konti. Alam niyong di niya abot ang standards ko when it comes to women. Tsaka yung lalaking yun, di pa nangangalahati sa kagwapuhan ko. Di ako mag-aaksayang pagselosan yun."

"Wow ah. Makalait ka naman sakin. Sana tinanong mo muna kung type kita. Standards...Psh. Standards tawag mo dun? Meron ka pa lang ganun? Wala kasi sa itsura mo. Feel ko basta makaharot ka lang papatusin mo eh."

"Oy, wag mo akong sasagutin ng ganyan kiddo, kundi---"

"Kundi ano?!" Tinaasan ko na siya ng boses at kilay. So kayong mga parents namin, panoorin niyo at marealize niyo sana kung bakit di ka pwedeng magpakasal.

"Both of you, itigil niyo na yan. Para kayong di engaged sa isa't-isa. Claire, are you sure wala kayong relasyon nung Alexander na yun? " tanong ni Tito

"Wala po talaga Tito."

"Good. Tuloy ang kasal. Next month. Ireresched natin."

Luh. Tuloy pa din. T.T

"Itutuloy niyo pa yung kalokohan na to? Pagkatapos nang nangyaring gulo kanina?! Dad naman, huwag niyo nang ipilit. "

"Shut up, Sebastian. Tuloy ang wedding wether you like it or not. Matagal ka na naming hinuhintay magmature kaso para kang walang naririnig sa mga pangaral namin sayo. Ngayon, kami na ang gagawa ng paraan. Ginagawa namin to para magtanda ka. Di yung lagi kang laman ng newspapers dahil sa pakikipag-away mo sa mga bars at kung sino-sino ang inuuwi mo sa condo mo. You are now 30 years old. Magseryoso ka naman."

"Ugh...Just shoot me now." Rinig kong bulong niya.

"Careful what you wish for..." Mahina kong sabi.

"May sinasabi ka kiddo?" Inis niyang lingon sakin

"Nothing..." Hahaha. Ang sarap niyang asarin.

"Its settled then. And also, nang dahil sa nangyari na to, may napagpapasyahan kami ng parents niyo."

Ano na naman kaya yun?

HATM 2: Oh My Claire!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon