High Love
(Chapter 4 season 1)
(School nurse)
Ken-"kim, I love you kim. Mahal na mahal kita"
At walang kung ano-ano ay hinila nya si kevin na akala niyang si kim at bigla itong hinalikan sa labi. Walang nagawa si kevin hindi n'ya ito maitulak dahil may sakit at nangangamba sya na baka ito ay masaktan. Lumabas si kevin sa clinic at bumalik sa room, at sinabihan si jonas na "ikaw nalang mag antay kay ken, ako nalang mag te-take notes sa lessons"
Jonas-"sige."
Habang nag susulat si kevin, naiisip nya pa rin ang ginawa sa kanya ni ken, pero pinilit nya itong kalimutan, dahil wala naman s'yang nararamdaman para kay ken, at isa pa na pagkamalan lang s'yang sya si kim.
Pinilit nang kalimutan ni kevin ang nangyari sa loob ng clinic.
12:50 pm (uwian)
Mag uuwian na pero hindi pa den makalabas ng clinic si ken dahil walang mag susunod o mag hahatid sa kanya pauwi sa kanilang bahay. Kaya pumunta si kevin sa clinic at nagsabeng "ako na po ang maghahatid kay ken sa kanila"
School nurse-"Sure ka ba? Kung oo. Pirmahan mo itong waver na nagpapatunay na nasa iyong pangangalaga na si ken castro"
Habang pinipirmahan ni kevin ang waver ay nagising si ken at nagtanong sa kanya "oy pre, anong nangyare saken?"
Kevin-"wala ken, ihahatid na kita sa inyo, saan pala ang bahay nyo?" Nagtatakang tanong ni kevin kay ken.
Ken-"sasakay tayo ng jeep na pa makati at bababa tayo sa terminal, maglalakad tayo papunta sa east view village, at doon kausapin mo yung guard para papasukin ka sa loob ng village."
Naka sakay na sila ken at kevin papuntang east view village.
Makalipas ang isang oras ay nakarating na sila sa village.
Biglang nagsalita si ken ng "sabihin mo sa guard ihahatid mo ako sa bahay, ken castro sabihin mo."
Naghanap si kevin ng mapagtatanungan na guard. "Kuya, ihahatid ko po si ken castro sa bahay nila, hindi po kase maganda pakiramdam niya."
Guard-"sir, gusto nyo ihatid ko na kayo sa bahay nyo sir?"
Ken-"sige kuya mark"
Ken-"oo nga pala, kuya mark si kevin... Kevin si kuya mark."
Kevin-"hello po, saan po sasakay?"
Mark-"dito po sir."
Sumakay sila sa sasakyan upang mapabilis ang kanilang pag uwi. Makalipas ang ilang minuto nagsalita ang gwardya "nandito na po tayo sir"
Kevin-"kuya mark, saan po dyan sa tatlo yung bahay nila?"
Mark-"door bell ka lang, lalabas na ang mga katulong nila dyan."
Kevin-"ok po kuya mark, thank you po!"
At nag door bell na nga si kevin, at may lumabas na isang katulong at nagugulat na bigkas nito ang "OY SER KEN! ANO HONG NANGYARE SA INYOW!"
nilagnat po kase sya kanina sa school at wala daw pong magsusundo sa kanya sabi nya" pabungad na sabi ni kevin.
Katulong-"sige sir pasok kayo"
Kevin-"salamat po."
Kevin-"saan po yung kwarto ni ken?"
Katulong-"sir sa taas, kanan ka, tapos may pintong kulay pula, kanya iyon"
At naiakyat na nga ni kevin si ken sa kwarto niyo, at matapos n'yang makitang ayos na ang kaibigan, ay umuwi na rin sya.
Kevin-"uwi na po ako, salamat po!"
Katulong-"maraming salamat sir, ingat ka sa daan. Magpahatid na lamang po kayo sa driver, nasa garahe na po hinihintay kayo"
Kevin-"sige po, ako nga po pala si kevin, classmate po ni ken"
Katulong-"ako naman si marites, salamat muli nang marami"
At nakauwi na nga si kevin sa bahay nila at naghahanda na para matulog, nang bigla syang tinawagan ni ken at nagpapasalamat.
---END OF CHAPTER 4---
