Chapter 7 (Transferee)

2 1 0
                                        

High Love
(Chapter 7 Season 1)
(Transferee)


September 8, 2019. Examination day.

Mag uumpisa na silang mag test. At makalipas ang ilang minuto ay biglang nagsalita ang kanilang guro at hinihingi ang kanilang atensyon sapagkat may bago daw silang kaklase. "Student's, you have a new classmate, galing sya sa ibang school. transferee sya dito. Be nice to her"

At pinapasok na nga ng teacher ang bago nilang kaklase ngunit bago pa ito makapag salita ay natulala na agad si ken at nag flashback ang lahat nang nangyari sa kanya at napa sabi na lamang sya ng "k-kim"

"Hello guy, I am kim joy valenzuela, I cane from other school, I transfer here because a friend of mine is here."

Napuno ng bulungan ang buong klase ng ABM 3-A.
               *Ang ganda nya no*.                                         *Oo, para s'yang goddess*.   
                   *Wow. Nasa langit na ba ako*.   
*Sino kaya yung friend nya na yon?*.                                        *Ang ganda nya*. 

Jonas-"kilala mo sya ken?, Pakilala mo naman tong si kevin sa kanya"

Ken-"*nakatulala at hindi pa den makapaniwala* O-oo kilala ko sya"

Nagsalita muli ang kanilang guro "sige anak, upo ka na doon. May bakanteng upuan sa tabi ni kevin, yung naka pulang jacket, doon ka muna"

Habang papalapit sa upuan na katabi ni kevin si kim ay naka sunod naman ang mata ni ken dito.

Kim-"Hi, I'll sit here daw sabe ni ma'am eh. What's your name?"

Kevin-"ahh, I'm kevin martino, vin for short"

Habang nakatulala si ken kay kim, ipakikilala sana ni kevin si ken sa kanya pero agad na nagsalita si kim "no need, we know each other, right ken"-kim

Habang nagtataka si kevin ay pinagpatuloy nyang ipakilala si jonas kay kim.

Kevin-"kim, si jonas."

Kim-"Hi"

Nagsalita ulit ang kanilang guro sa harapan "ok class, start na ang exam. Wala nang mag ku-kwentuhan. Kim, mag observe ka muna, hindi ka pa kasama sa mga mag te-test kasi kaka transfer mo lang"

Kim-"ok ma'am"


Makalipas ang ilang oras na pag take ng test ay oras naman na para mag recess.

Kevin-"ken, tara na. Kain na tayo, jonas tara na"

Ken/jonas-"sige. Tara na."

Paalis na sila ng room nang biglang mag tumawag kay ken "babe, I'll go with you."

Napatulala na lamang si ken at Jonas ng marinig ang mga salitang ito galing kay kim.

Kevin-"b-babe?" Nagtatakang tanong nito kay ken.

"Yes, I'm his girlfriend" pagmamayabang na sagot ni kim.

Noong marinig ni kevin ang mga salitang ito ay agad syang lumakad habang nagmamadali papunta sa canteen.

Jonas-"oy, ano kaba. Hintayin naten si ken saka si kim"

Hindi kumikibo si kevin at patuloy lang sa pag lakad.

Jonas-"ano ba kevin? Hintayin naten yung dalawa"

Kevin-"bakit pa? May kasama na si ken diba. Kasama nya yung GIRLFRIEND NYA. Baka ma istorbo pa naten sila"

Jonas-"bakit ka ba nagkaka ganyan? Kanina lang ang bait-bait mo kay kim huh"

9:00 am. Tapos na ang recess time nila at kailangan na bumalik sa classroom upang mag take ng panibagong test.

Habang sila ay nag te-test, mababakas sa mga mata ni kevin ang pagkainis at sama ng loob.

"Ma'am, may I go out?" Pasigaw na sabe ni kevin

Teacher-"ok, bilisan mo lang huh."

Habang papalabas si kevin ay nag paalam di si ken. "Ma'am, may I go out too?"

Teacher-"hintayin mo pag balik ni kevin"

Ken-"ma'am mukang sasabog na po yung urine ko"

Teacher-"ok sige. Dalian mo lang huh"

At dali-daling tumakbo si ken upang sundan si kevin sa cr.

"Galit ka ba saken kevin? May ginawa ba akong mali?"-ken
Ken-"kayo nga tong nang iwan saken
kanina e."

Kevin-"may girlfriend ka diba! May pa sabe sabe ka pang niloko ka e hindi pa naman pala kayo nag hihiwalay"

Ken-"makikipag relasyon ba ako sayo kung meron akong girlfriend?

Kevin-"anong relasyon? Baka naalala mo ken, ang gusto mo secret relationship. Kaya pala secret relationship ang gusto mo kase may girlfriend ka!"

Ken-"hindi ganon yon kevin, alam mo namang tutol ang mga magulang ko sa ganitong uri ng relasyon"

Kevin-"anong ganitong uri ken? Anong uri? Sinasabi mo bang bawal ang ganitong relasyon?"

Ken-"hindi sa ganon kevin. Pano tayo?"

Kevin-"anong tayo? Walang tayo ken. What happened that night is just a mistake."

Noong marinig ni ken ang mga sinabe ni kevin ay nanumbalik ang sakit na naranasan nya noong sinabe sa kanya ni kim ang kaparehas na salita "I made a mistake agreeing to you to be your girlfriend"

Ken-"kevin mahal kita."

Habang umiiyak ay sinabi ni kevin kay ken na "bumalik ka na ken. Hinihintay ka na ng girlfriend mo."

Habang sila ay pabalik na ng room nila ay paunti unti na ding nagpupunas ng luha si kevin at ken.

"Ang tagal nyo naman mag si balik. Nag dramahan pa ata kayo sa cr e."-teacher

Jonas-"bakit namumula yung mata mo kevin?"

Kevin-"ah, napuwing lang ako."

At makalipas ang ilang oras na pag take ulit ng exam ay natapos na sila.

11:30am uwian.

Jonas-"o sige, bukas ulit guys a."

Kevin-"oo bukas nalang ulit. Bye"

Habang nagmamadaling sumakay si kevin sa sasakyan ay pinipigilan naman ni ken ang pag patak ng mga luha sa kanyang mga mata.

12:20 pm naka uwi na nga si kevin sa bahay nila, at dumiretso sa kanyang kwarto, nag lock ng pinto at nag umpisa na ngang umiyak.

"I didn't choose to be a bisexual. Ganito ba talaga kapag nagkaroon ng relasyon ang dalawang magka parehas na lalake?"-kevin.


12:40 pm. Nakauwi na nga rin sa kanila si ken. Habang nag bibihis ay pumapatak den ang mga luha sa kanyang mga mata.

"I don't want to lose you kevin, I love you. You are the first person that show me what real love is"-ken

Habang silang dalawa ay umiiyak sa kani-kanilang mga bahay, ay nakatulog nga sila dahil na din sa pag iyak.

Makalipas ang ilang mga oras na pag tulog, ay nagising si ken, pero gabi na. At bigla na lang n'yang naisip na pumunta sa bahay nila levin at makausap ito ng maayos.

7:30 pm.
*May kumatok*

"Nak, buksan mo nga yung pinto"-mama

At tumayo si kevin at binuksan ang pinto. Pero noong makita niyang si ken ito ay agad din n'ya itong isinara. Pero bago pa nya ito tuluyang maisara ay nagsalita si ken "mag-usap tayo kevin, magpapaliwanag ako. Nagkakamali ka ng akala"

"Wala na tayong dapat pag usapan ken. Umuwi kana"-kevin.

Bago pa isara ulit ni kevin ang pintuan ay lumabas ang mama nya at nakita si ken "ay, nak. Napadalaw ka. Ano ba yan kevin, papasukin mo naman yang kaibigan mo"-mama

Ken-"ah, sige po tita. Salamat po"

At pumasok sa loob ng bahay si ken at pinaakyat sya ni kevin sa kwarto nito upang doon na sila mag usap.

Kevin-"akyat ka nalang sa taas, don na tayo mag usap"

Nasa taas na nga si ken at nag uusap na sila ni Kevin tungkol kay kim.

Ken-"matagal na kameng hiwalay ni kim. Ikwinento ko na sa inyo ni jonas. Mahal kita kevin, alam mo yan.

Kevin-"gulong-gulo na ako ken, wala na tayong dapat pang pag usapan."

Habang papalabas ng kwarto si kevin ay hinabol ito ni ken at niyakap. At lumuhod sa harap nito habang umiiyak.

"Totoo ang sinasabe ko kevin, paniwalaan mo naman ako."-ken

Kevin-"tumayo ka nga dyan"

Itinayo ni kevin si ken mula sa pagkakaluhod. Hindi kayang makita ni kevin na umiiyak si ken kaya niyakap nya rin ito. At nagsabeng "mahal kita ken, pero may taong nag hihintay sayo. I can't compete to her, she's a girl. I'm a guy"

Ken-"please kevin, give me second chance. I won't disappoint you"

Kevin-"hindi pa tayo nag tatagal sa relasyon na ito pero sinusubok na tayo. Paano pa kapag matagal na tayo?"
Kevin-"anong gusto mong mangyari ngayon?"

Ken-"ayusin naten to, ituloy naten ang relasyon naten"

Habang sinasabi ni ken ang mga salitang iyon ay lumalapit na den ang mga muka nito kay kevin... At dumikit na nga ang mga labi nila sa isa't-isa. While they're kissing passionately sumigaw ang mama ni kevin na "anak, kumain na kayo dito"

Agad namang sumagot si kevin ng "kumakain na kame ma!"

*Chuckles*

Makalipas ang ilan mga minuto ay natapos na nga sila sa kanilang ginawa. Habang walang saplot pang taas ay magkayakap sila at nag uusap at nangangakong maguusap ng maayos keysa mag away agad.


---END OF CHAPTER 7---

High Love Where stories live. Discover now