A/N: Please po paki-vote niyo po story ko.. Hihih.. Please be my fan narin po. Thankz alot. It really mean so much to me talaga. Thank you po.
****************************************************************************************************************
:ALFONSO SUBDIVISION:
Naglalakad kaming lima pauwi, miles away lang naman kasi yung subdivision na tinitirhan namin from school kasi.
Nasa unahan pa kasi yung bahay namin kesa kina Alice, Maya, Seijuro at Sean, kaya ‘eto, ako nalang mag-isa yung naglakad papunta sa bahay namin.
Pagdating ko nang bahay. “Lolaaaa….I’m home. ^__^” At sinalubong naman agad ako nang lola ko at niyakap.
“Lola, bihis lang po ako, tapos sabay na tayo maghapunan.” Pupunta na sana ako nang room ko nang bigla akong pigilan ni lola.
“Ren, in-invite kasi tayo nang dinner diyan sa may tapat”
“Eh? May nag-o-occupy na po dyan lola? Kailan pa?”
“Kanina lang. Mukhang galing ibang bansa.” Ahh..Balik-bayan? Heh..makahingi nga nang chocolates ma’ya.
At may biglang kumatok nang pinto. Binuksan ko kaagad ito. Pagbukas ko ay napangiti ako kasi nakangiti kasi yung babae eih, mga nasa edad 40’s ‘ata siya. Naalala ko tuloy mom ko sa kanya.
“Hi! Pwede ko ba kayo ma-abala for a simple welcoming party?”
Napangiti nalang ako bilang pagsang-ayon. “Uhm—ako nga po pala si Ren”
“Oh Lily” Napalingon ako kay lola kasi bigla nalang niyang tinawag yung babae at pinapasok.
“Hello Nanay Nadia, ito pala apo niyo, eh ang ganda pala” Errrrr.. Namula ako sa sinabi niya.
“Lola, nandyan narin po yung mga anak ko, i-invite ko po sana kayo ulit ngayon kasama ang apo niyo. Para narin magkakilala sila nang dalawa kong anak.” At nginitian niya si Lola, tapos, tumingin siya sa akin. “For sure, magkakasundo kayo nang anak ko.”
At heto na nga talaga kami, kumatok na si Aling Lily sa bahay niya. Maya-maya pa’t biglang bumukas na ito at bumungad ang isang…………………………… napaka-gwapong lalaki????
“Okaa-san” (Mother à Translation) Pagtawag no’ng gwapong lalaki kay Aling Lily. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nakita. At nang napatingin na siya sa gawi ko……. O________O
See? Pareho talaga kami nang reaction. Bigla na naman naging unstable yung beats nang heart ko.
“Re-Ren.”
Napangiti ako nang pilit, eih napatingin kasi si Aling Lily sa’kin eih, nakakahiya kaya. “Oh”
“Lily, mukhang magkakilala na pala sila nang apo ko” sabi ni lola.
“Uh-uhm.. actually we’re—classmates” nabigla parin yung expression ni Takoya na sumagot sa lola ko. Si Aling Lily naman, sobrang laki nang ngiti na nakatingin kay Takoya, yung parang she’s teasing Takoya.hihih..namula tuloy ako.
Nag-dinner kami sa bahay nila Takoya, akala ko pa naman nandito din yung ibang kapitbahay namin, eh kami lang naman nandito, ang dami pang pangkain.
Kanina pa sila lola at Aling Lily nagkukwentuhan about kina Takoya at Shiroya. Samantalang ako dito ‘awkward’, duh, sino bang hindi? Nasa harapan ko yung magkapatid na Makato. Errrr.. Hindi talaga mapakali puso ko, parang ang sikip-sikip, ang bilis pa nang pagbi-beat.
BINABASA MO ANG
HATSUKOI: Makato Takoya (HIATUS)
Teen FictionHow old are you when you fall in love? How did you fall for it? We all know that when we like someone at our very young age, it is not really considered as LOVE. But here is some kind of love story that really fits to all who felt in love at the a...