CHAPTER 13: Blackout

79 3 1
                                    

[REN’s POV]

“Uh. Hoh. Ren!”

O___O

Shoot… Nangsitaasan talaga yung balahibo ko sa boses nang biglang nagsalita sa likuran ko.

“Nice timing Ren!” Napalingon nalang ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko. At nakita ko yung napaka gwapong mukha ni Takoya with his nakakalokang mga ngiti. Errrrrrr…….. I really hate that electric smile, para akong kinukuryente, hanuvey!

“Nice timing, saan?” napa-fake smile ako. Kalurkey na lalaki kasi ‘to eh. Tsaka, anong sinasabi niyang nice timing? Para namang ginusto ko ang timing na ‘to.

At sa halip na sumagot siya eh ngumiti na naman ang half-breed na ‘to. Kainis. At mas mahirap i-process sa utak ko ay yung biglang paghawak niya ng hands ko at hinila na naman. Tingnan niyo ‘to? Namimihasa na sa pagkakaladkad sa akin. Nakasunod naman si Shiroya sa amin.

At sa hindi ko malamang dahilan ay huminto kami sa information area. O__o? Okay…Ano gagawin ko?

Nakangiti parin si Takoya, kaya alam niyo na ang situation. Errrrrr…….. I just rolled my eyes nalang. Psh. Tingnan niyo naman, pinagkakaguluhan ngayon si Takoya at Shiroya nang mga staff na mga babae sa Jacuzzi na ‘to. So now? Pinapakita lang niya ako na sikat siya sa babae? Anong trip ba ‘to?

Napa takip nalang ako ng aking tenga dahil sa mga tili nang mga babaeng ‘to. Kaloka. Para silang mga baboy na kinakatay dahil sa sobrang lakas tumili. Iba na talaga mga babae ngayon. Simpleng gwapo lang na makita, ayan, halos mababaliw na sa sobrang kilig. *sigh*

Aiiissshhh..Ano ba kasi ‘to? Kanina pa ako hinihintay ni Alice. Nakuuuu… Baka mabatukan ako nun.

“Oi Ren” Napatingin ako kay Takoya at tinaasan siya nang kilay.

“I just wanna ask you about this.”

“huh?”

Tapos, parang may kinukuha si Takoya sa may information desk na isang papel, or papel bang tawag dun? Okay, isang makapal na papel. Tss.

Lumapit siya sa akin at inabot yun. ?___? Okay? Aanhin ko ‘to?

“BO-RA-CAY”

“Wah! Marunong akong magbasa” kasi eih, he just pointed the word na nakasulat sa makapal na papel na ibinigay niya, ano bang tawag dito? Guide? Parang ganun na nga. Tapos, inisa-isa pa niya yung pagbasa na para bang tinuturuan akong magbasa. Like hello. I’m good in reading noh.

Napakamot nalang nang ulo si Takoya habang nakangiti parin.

“So, aanhin ko ba ‘to?” medyo nairita ko nang tanong.

Tapos, may kinuha siyang papel na naman sa may ilalim nang kimono niyang suot, sa may gawing chest niya at inabot na naman yun sa akin. ?____? Ano na naman ‘to?

Limang piraso nga pala na papel yun, rectangle shape. Nang makuha ko na ang mga papel na yun ay na-shock talaga ako. O____O As in,shock talaga. You know, tulala, nanlisik ang mga mata, di makagalaw, halos di pa nga makahinga..wahahaahah..over na talaga yun..di, natulala lang, adik!

“Actually, may promo kasi dito kahapon, kung makakadala ka nang 50 customers dito in just one night ay may free cuopons ka, which is  5 free tickets trip to Boracay. I’m just curious about this Boracay, kasi sabi nila, maraming tourist na pumupunta diyan kasi raw maganda ang lugar, so I decided to play the game. And then, ^____^ hindi naman pala mahirap maghanap nang mga customers, sumobra pa nga nang 50 persons yung nadala ko dito kahapon..heheheh..*Kamot-ulo*

HATSUKOI: Makato Takoya (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon