Alam mo

10 1 0
                                    

Kahit hindi ako marunong sumulat ng tula.
Sinusubukan ko padin'g gumawa.
Kahit na bokabularyo ko'y napaka-konti at mahina.
Sinusubukan ko padin'g humanap ng mga tugma.

At kahit na etong gawa'y medyo pilit.
Sinusubukan ko padin'g tugma'y 'di mapaknit.
Kaya sana iyong maibigan ang likha.
Nang isang binata na sinusubukang gumawa ng tula na may tugma.

Para sa taong siya ay may paghanga.
At dahilan ng kanyang minsa'y pagtulala.
Hindi man maalam sa paggawa.
Ako'y nagtanong-tanong para sayo'y hindi mapahiya.

Sapagkat ako'y walang talento.
Sa mga bagay na ngayon ay uso.
Kaya sinubukang sa tula nalang idaan lahat ng ito.
Mailahad ang lahat ng nararamdaman ng puso.
Sa paraang makaluma man, pero.
Ito lang ang kaya kong paraan para ipahiwatig ang nararamdaman ko ng totoo at sinsero.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon