Kabataan

161 1 0
                                    

Kabataan pag-asa ng ating bayan.
Kabataan sa ating bayan ay maaasahan.
Totoo nga ba ito o isang kalokohan?
Ako'y nalilito at naguguluhan.

Ang kabataan ng aking panahon.
Malayong-malayo sa kabataan ngayon.
Anong nangyari sa kabataang pag-asa?
Bakit puro nalang reklamo't pagdadrama?

Madami ang naiba ang mga hilig.
Masyado nang mga maligalig.
Meron namang naiba na ang landas.
Kabataan ngayo'y sadyang mapangahas.

Kailan kaya natin ito mapapansin?
Ang mga kabataang mali na ang gawain.
Kabataang hinahangad mayroon paba?
Mga kabataang sinasabi nilang pag-asa.

Sa palagay ko naman ay meron pang natitira.
Sa kabataan ngayon na hindi pa kinakaen ng sistema.
Sana nga palagay ko'y tama at hindi mali.
Pagiging pag-asa ng bayan itatak sa isip at isabuhay na muli.

Panahon nilang sila ang magsusulong.
Sa bansa sila ang siyang tutulong.
Kabataan, ikaw ang pag-asang hangad.
Sa kinabukasan ng bansa, ikaw ang bubungad.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon