Siya yung taong mahal mo.
Siya yung taong gusto mong maging sayo.
Siya yung taong ayaw mong pakawalan.
Siya yung taong akala mo pangmatagalan.Pero bakit ganun hindi ka mahal ng taong mahal mo?
Bakit hindi pwedeng yung taong gusto mo maging sayo?
At bakit kahit hindi mo sila kayang pakawalan.
Sa bandang huli lagi ka padin nilang iniiwan.Ganun talaga siguro kapag nagmamahal at puso yung pinapairal.
Handa kang masaktan para lang sa taong iyong minamahal.
Kahit pa labag sayong kalooban, wala e ganun talaga kapag mahal mo.
Kaya handa kang magtiis nalang kahit wasak na wasak na yung puso mo.Ako naman yung tipo ng tao na kahit masaktan okay lang.
Ako naman yung tipo ng tao na walang pake kahit magmukhang tanga mapasaya kalang.
Ako naman yung tipo ng tao na nandito lang kahit binabalewala mo.
At ako yung tipo ng tao na handang makinig sa mga daing at problema mo.Kaya alam mo minsan naiisip ko..
Darating kaya yung araw na mamahalin ka ng taong mahal mo?
Darating kaya yung araw na yung taong gusto mo ay magiging sayo?
Darating kaya yung araw na makakatagpo ka nung tao na hinding-hindi ka papakawalan?
Yung tao na papahalagahan ka, mamahalin ka at hinding-hindi ka iiwan.
