Magulo't malabo

35 2 0
                                        

Hindi ako bitter, sadyang nagpapakatotoo lang ako.
Hindi ako bitter, porket ayaw kong nababanggit yang pangalan mo.
Hindi ako bitter, kase inanprend ko yung peysbuk akawnt mo.
Hindi ako bitter, dahil lang ayaw kong napag-uusapan yung mga bagay tungkol sayo.

Sadyang..

Ayaw ko lang na lokohin pa'tong sarili ko.
Ayaw ko lang na marinig pa yang pangalan mo.
Ayaw ko lang na makita kapa sa nyuspid ko.
At ayaw ko lang na pag-usapan pa yung mga bagay na meron sa dating tayo.

Pero ang totoo.

Hindi ko talaga kayang magpakatotoo sa sarili ko.
Kase nga gusto ko parin'g naririnig yang pangalan mo.
Gusto ko padin'g nakikita ang mga post mo sa nyuspid ko.
At gusto ko padin'g pinag-uusapan yung dating tayo.

Kase nga hanggang ngayon.

Umaasa padin ako na pwede pang bumalik sa dati to.
Umaasa padin ako na pwede ko pang maitama ang mga mali ko.
Umaasa padin ako na baka sakali eh maging okay tayo.
Umaasa padin ako na may pag-asa pang bumalik yung ikaw at ako.

Kaso lang mukhang malabo nang bumalik sa dati to.
Kase nga hindi ko na maitatama yung mga mali ko.
At hindi na talaga magiging okay yung tayo.
At malabong-malabo ng bumalik yung ikaw at ako.

Dahil ako nalang yung hindi maka-usad sa dating tayo.
At ang masakit na katotohanan ay meron ka nang ibang gusto.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon