Inaantok pero di makatulog.
Natatakot na kase muling mahulog.
Sa mga linyahang lageng nag-uumpisa sa. Uy kamusta kana?
Hanggang sa maging kumaen kana at wag kang magpapalipas ng gutom ha?!Mga linyang talaga namang nakakadala.
Na kahit ilang beses nang narinig at nabasa.
Sadyang hindi parin nadadala.
Kaya hala sige ambilis mong maniwala.At syempre heto naman tayong si marupok.
Agad-agad naman tayong maniniwala kay ugok.
Magpapa-uto na naman tayo sa mga linyahan niyang bulok.
Na tila ba hindi tayo iniwan dati at nalugmok.Dahil sa pasimpleng kunwari sayo'y pag-aalala.
Tila para bang mga kagaguhan at kalokohan niya'y nalimot mo na.
Kaya heto na naman tayo sa masaya't nakakakilig na umpisa.
Na ang alam naman nating ending e kalungkutan at sakit dahil ikaw nalang na naman mag-isa.
