CHAPTER 35

48 5 0
                                    

Chapter 35

"Totoo ba 'to, hija?!"

Tumango ako kay Mommy. Kanina niya pa ako tinatanong kung nakakapag-isip pa ba raw ako nang maayos. Hindi ko alam kung exaggerated ba si Mommy o talagang gulat siya na ganito ang plano ko. Balak ko kasing dalhin sila sa resthouse namin sa Baguio kasama ang mga Cavallero. They will stay there for the meantime hanggang sa makasigurado kami ni Reese na ligtas na sila.

Olivia Trevoz and her family is no joke. I know they have connections and I don't want to risk my parents' safety. They know us as Cavallero's closest family friend. Iisipin nila na tinutulungan namin ang mga Cavallero kahit na 'yon naman talaga ang totoo.

Napag-isipan ko na 'to. Matagal na 'tong nasa utak ko pero pilit kong hindi pinapansin dahil iniisip kong imposible namang ganoon. That it's impossible for the Cavalleros to ask help from us indirectly. I didn't know that they really need the help.

Hindi payag si Reese sa gusto kong mangyari. Matagal na siyang hindi payag sa ideyang ito pero wala na siyang magagawa, ngayon pa na alam na alam ko na talaga na kailangan nila ng tulong. I'm doing this not because I pity them, but because our parents were great friends and they have strong bond. Hindi pwedeng pabayaan nalang namin sila.

I know it's never too late. Cavalleros can still make it.

"Salamat, hija... Thank you so much for this." Kinuha ni Mrs. Cavallero ang kamay ko at naluluhang tumingin sa 'kin. Hinagod ni Reese ang likod ng kaniyang ina.

Tumango ako. "I'm doing this for the memories and bond our families shared." Hinawakan ko rin ang kamay niya. "We will help you, Mrs. Cavallero."

"Tita Eleanor nalang, please..."

"Hindi namin kayo papabayaan, Tita. I know that what happened to us was cruel. I lost my trust to your family because I was deeply hurt, but when it comes to matters like this, makaka-asa kayo sa 'min. We got your back. But I won't deny that I was disappointed that you didn't ask for our help back then."

"I am honestly embarrassed, Beige. Hindi ko magawang lumapit kay Divina. Marami na siyang naitulong sa 'kin at nahihiya na akong pati ang mga ganoong bagay ay kinakailangan ko pa ng tulong niya. It was late for me to realize that we really need help." Lumipat ang tingin niya kay Mommy. Narinig ko ang paghikbi ni Mommy kaya nilingon ko siya. Dinaluhan ko siya kagad.

"Stupid bitch, I don't care about it! You're a close friend... a family!" si Mommy habang umiiyak. I caressed her back.

"Thank you..." Tita Eleanor mouthed.

Isang van lang kami at ang mga gamit ay nasa isang sasakyan. Reese is driving while I'm on the shotgun seat. Sabi ko pwede namang kumuha nalang kami ng driver pero ayaw niyang pumayag. Katabi dapat ako ni Mommy ngayon pero alam kong kailangan ni Reese nang kausap doon sa harapan. Hindi rin naman natigil sa kwentuhan si Mommy at Tita Eleanor.

"Inaantok ka na? Pwede naman tayong tumigil muna r'yan sa may gasolinahan. Matulog ka muna—"

"I am okay, Reign. Ikaw, matulog ka na. Mahaba pa 'yung byahe natin," aniya sa 'kin habang deretso ang tingin sa kalsada. I pouted as I opened a bag of chips.

"Hindi ako matutulog," sabi ko at nagsimula nang kumain.

"Why?"

"Wala kang kausap, boring 'yon," sagot ko at tumingin sakaniya. "Gusto mo?" Inangat ko ang chichiria.

"Feed me," nakangising sabi niya.

Nagdrive-thru na rin kami nang sabihin ni Daddy na nagugutom daw siya. Nang makuha namin ang order, nagdrive na ulit si Reese. Sinabihan ko siyang pwede naman kami roon sa parking muna para makakain, pero matigas talaga 'yung ulo niya. Ang ending, sinusubuan ko nalang siya habang nagmamaneho siya.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon