Chapter 28
Endless nightmares made it hard for me for the last 7 years. Iyon din ang madalas na inaalala ni Thalee kung bakit ayaw niya akong umalis sa condo niya... but I know I should really help myself.
I took medications and did everything to bring back myself again. It took me years but I can gladly say that I was somehow successful because I wouldn't be here, running my business, enjoying late parties, and having friends if I didn't try to move forward back then.
[Hindi mo ba natatandaan? Noong college kaya tayo, madalas kang tumanggi sa 'min kapag may group study!] Natawa nalang ako sa sinabi ng ka-blockmate ko noon dahil totoo naman 'yon. 'Yon kasi 'yung mga panahon na nagsisimula nang magulo ang buhay ko.
"Of course, I remember! Pero sumama naman ako sainyo one time!" depensa ko sa sarili. We're having a small catch up for tonight via Zoom.
Marami pa kaming inalala sa mga nangyari noon. Nang matapos kami ay naghanda na ako sa pagtulog dahil balak ko pumunta sa gym bukas ng umaga bago pumasok sa trabaho. Hindi ko nga lang sure kung kasama si Ivan dahil wala naman siyang nabanggit sa 'kin.
I drank my milk first before going to bed to help me sleep fast. Nang dahil na rin sa pagod ay nakatulog kaagad ako. I was expecting for a nightmare to happen since I saw Reese today but it didn't come. Masarap pa nga ang tulog ko.
"Good morning, Ma'am!" The guard greeted me with a smile plastered on his lips.
"Good morning din po!" I greeted back and entered the gym.
Nilagay ko muna ang mga gamit sa locker at tinanggal na ang suot na jacket. For today, I'm wearing the gym clothes Ivan and I bought. Pero hindi 'yung may teddy bear designs ah! I took out my phone and airpods before going to start my workout routine. Hindi naman na bago sa 'kin ito dahil madalas kami ni Alena sa ganito pero hindi siya available ngayon dahil out of town siya for work.
I observed the whole gym while doing my workout. Tinignan ko rin ang mga tao and a satisfied smile came out when I saw how they looked comfortable around. I focused on my workout and when I was about to do the treadmill, a bunch of people came in.
Lumapit ako sa counter to tell na i-assist ang mga bagong dating dahil mga bago pa lang naman dito. Matapos kong makipag-usap ay bumalik na rin ako sa ginagawa ko pero hindi ko inalis ang tingin sa grupo dahil may mga mukha roon na pamilyar sa 'kin.
Parang kilala ko sila?
I tilted my head to have a better view of their faces and my lips parted a bit when I realized that they're the people who bullied me years ago at Fairy's cafe when Reese was with me. Nag-iwas nalang ako ng tingin at pinagpatuloy nalang ang ginagawa dahil matagal ko na silang napatawad kahit na hindi naman nila hiningi 'yon.
Pakiramdam ko kasi ay hindi ako magkakaroon ng peace of mind kapag meron pang mga hinanakit at galit sa puso ko. They're also part of the past that I said I will leave and not remember... anymore.
Medyo maingay dahil marami sila pero hindi naman ako masyadong nadistract kasi naka-airpods ako. But I was concerned para sa ibang tao na bago lang din dito. Hindi naman nagtagal ay tumahimik din dahil nagsimula na sila. Nang natapos naman ako ay uminom ako ng gatorade at nag-ayos na rin pagkatapos. I checked everything first before going out.
Naalala ko na wala pa pala akong breakfast. Nagdrive na ako papuntang company para roon nalang kumain, kung ano man ang meron doon. Kaunti lang din naman ako kung mag-umagahan. Nang makarating ako ay kagad ako nakatanggap ng mga tawag. The moment I entered, I got busy.
I opened the door of my office while holding some documents I need to review. "Steph, can you have me a copy of these? Thanks!" sabi ko at lumapit naman kagad sa 'kin ang secretary para gawin ang utos ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/244290089-288-k648852.jpg)
BINABASA MO ANG
Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)
RomansaBittersweet Series #1 What if you meet your childhood friend again? They've been apart for years and crossed each other paths unexpectedly. They both have clearly grown into extreme differences and met again... but in complicated circumstances. Mar...