AWTOMATIKONG gumuhit ang ngiti sa labi ni Callante habang nakamasid kay Kira na pilit na humakawala sa mga tauhan niya.
"Kilala mo?" tanong ni Diego McIntosh, ang partner niya sa trabaho na half Irish. Like him, Diego also has a pair of piercing blue eyes. Tuwing nakakasama niya ito sa mga event, napapagkamalan sillang magkapatid. Ang kanilang asul na mga mata ang pinagbabasehan ng ibang tao na magkapatid sila.
Nakangiting bumaling siya kay Diego. "Oo, kapitbahay ko 'yan."
"Prosti?"
"No. Ofcourse not. Matino at matalinong babae 'yan." Kahit ubod ng pagiging manhid. Sa isip na lang niya itinuloy ang gustong sabihin. Magtaka pa si Diego kapag narinig ang sasabihin niya.
"Eh, bakit nandito?"
Makahulugang ngumiti siya dito. "I think i know the reason." Nagpaalam siya sa lalaki at humakbang papunta kay Kira na nagwawala sa pagkakahawak dito ng mga tauhan niya.
"Mga hayup kayo! Kapag may nangyaring di maganda sa akin, mayayari kayo! Babangon ako at dudurugin ko kayo! Kasama ng ex ko at kaibigan ko, letse!" Hindi alam ng mga tauhan niya kung matatawa ba o hindi. Kahit siya ay nagpipigil ng mapahagalpak ng tawa.
Lumapit siya sa mga ito. Sinenyasan niya ang mga tauhan at tinanguan. "Kilala ko 'yan. Hindi siya sa mga babaeng iyon."
Ang sinabi niya ang naging senyales upang bitawan ng mga ito si Kira. Kahit may kadiliman sa bahaging iyon ng bar ay nakikita niya ay nahuhulaan niya ang pamumula ng mukha ng dalaga. Alam na alam ni Callante na kapag nagagalit ito o naiinis, namumula ang magkabilang pisngi nito. Hindi na siya bago doon. He grew up with her. Hindi man sila close, pero walang araw na hindi niya ito nakikita.
"Kira." he called her. Bumaling ito sa kanya at tumutok ang mga mata sa mukha niya. He could felt the anger in her eyes. May pinagdadaanan ito, alam niya ang bagay na 'yon. Naningkit ang mata na tinuro siya nito.
"Teka, kilala kita, ah."
"You really know me." Base sa tono ng boses ni Kira, lasing na ito. Napailing siya. Hindi niya alam kung maaawa o hindi. Mas pinili na lang niya na iwasan na huwag maawa dito. She didn't deserved to be cheated on.
"Oo nga. Saan nga ba tayo nagkita?"
"I'm your neighbor. Remember?" Mukhang wala na yata ito sa huwisyo. Naamoy niya ang alak sa bibig nito at masasabi niyang kanina pa ito nagpapakalasing.
Muli siyang napailing. "You're drunk. I think you should go home now, Kira. Hindi maganda sa isang babae ang naglalasing ng mag-isa at pumupunta sa mga ganitong lugar na walang kasama. Inilalapit mo ang sarili mo sa panganib."
"Oh, please. Wala na akong paki kung mapahamak pa ako. Magaling pa nga na mamatay na ako."
"Huh? Ayaw mo makulong, pero gusto mo mamatay? Uh-uh. Sa tingin ko kailangan mo na talagang umuwi." Hinawakan niya ito sa braso. Pumalag ito.
"Letse ka! Huwag na huwag mo akong dadalhin sa prisinto!"
"Huwag kang mag-alala. Hindi kita dadalhin doon. Iuuwi na kita sa bahay mo."
Dahil mas malaki siya, hindi na ito nakapalag pa. Siguro ay naliliyo na ang dalaga. Pasuray-suray na ito habang naglalakad. Kinailangan pa niya ang hawakan ito ng mahigpit.
Nang hindi na siya makatiis, binuhat na niya ito sa kanyang balikat. Lasing na lasing nga ang babae. Ilan bang bote ng alak ang nilaklak nito? May plano ba itong magpakamatay? Mabuti na lang at nandoon siya.
Ayaw niyang isipin ang maaaring nangyari dito kung wala siya roon. Ang mundo ay puno ng mga taong mapagsamantala sa mga mahihina. Wala itong kasama na naglasing. Malaki ang tsansa na may isang lalaki na lumapit dito at samantalahin ang pagpapakalunod nito sa alak.
Napailing si Callan.
Binalaan na naman niya ito. Sinabihan niya ito tungkol sa nobyo nito. Subalit nagbingi-bingihan ito at pinalagpas lang sa tenga ang sinabi niya. Maybe, she really love that bastard. She's willing to be an idiot for that man. Love is really blind. Minsan hindi na nakikita ang mga pagkukulang ng taong minamahal mo.
Ipinasok niya ang dalaga sa kotse niya na nakaparada. Hindi na siya nakapagpaalam ng maayos sa mga kasamahan niya. Ite-text na lang niya ang mga ito pagkadating sa bahay. Sa ngayon ang responsibilidad niya na iuwi ang dalaga sa bahay nito. Sumakay na rin siya sa kotse niya at pinasibad iyon.
Mahinang umungol si Kira. "J-Jiro.."
Napasimangot si Callan. "Kahit tawagin mo ang pangalan ng nobyo mong manloloko, hindi na 'yon babalik sa 'yo. Walang kayong forever."
"Jiro ko.."
"Hindi nga 'yon babalik. Para lang 'yang cellphone 'pag nanakaw sa 'yo sa Baclaran. Hindi na bumabalik."
"Jiro.. Ako na lang ulit.. Ako na lang ulit ang mahalin mo."
Marahas na bumuga ng hangin si Callan. "Kulit mo naman kasi, Kira. Di na nga 'yon babalik kahit gamitan mo pa ng Bea Alonzo acting lines." sabi niya. Alam niyang hindi nito maririnig o kaya maaalala ang mga sasabihin niya kaya lakas loob na niyang sinasabi ang mga 'yon. Ayaw niyang maawa sa dalaga.
It was also her fault. Nagtanga-tangahan ito sa nobyo nito kahit ang daming senyales na ang nagsasabi dito na may kalokohang ginagawa ang kasintahan.
Napangiwi siya ng magsimulang umiyak ang lasing. Parang humapdi ang sikmura niya sa bawat pag-iyak nito. Tumatagos sa dibdib niya ang iyak nito na kalaunan ay naging hagulhol. It was a cry of misery. Ang paghihirap na nasa dibdib nito ay nararamdaman niya.
Napatiim-bagang si Callan. He hate to see a woman crying like that. It made his chest hurt.
"B-Bakit? Ano ba'ng ginawa ko para maging ganito kasakit ang paghihiwalay namin? Why they do this to me?" Humagulhol ito ng iyak. "Why did they hurt me like this? Sana pinatay na lang nila ako."
"Maybe, things happen for a reason." he said. "In the first place, it's your fault, Kira. Oo, kasalanan mo 'yan dahil nagmahal ka sa isang lalaki na lolokohin ka lang. Kasalanan mo na nagmahal ka ng sobra-sobra dahilan upang di ka magtira ng pagmamahal mo sa sarili mo. Kasalanan mo din na nagtiwala ka ng sobra sa kanya. Dahil sa tiwalang 'yan, di mo na tiningnan pa 'yong mga bagay na sensyales na masasaktan ka rin balang-araw."
"Mali ba ang magtiwala?"
"Hindi ko sinasabi na mali ang magtiwala. Mali lang ang taong napagkatiwalaan mo. O sabihin na natin na labis mong ibinigay ang tiwala mo para sa iisang tao na hindi mo na naalalang bigyan ng tiwala 'yong ibang tao na maaaring may pagmamahal din sa 'yo."
Sa gilid ng mata niya ay yumugyog ang balikat ng dalaga at muling umiyak. He wanted to stop her from crying. Subalit hindi niya ito mapipigilan. Unang-una, basag na basag ang puso nito. Pangalawa, lasing ito at natural lamang na lumabas ang lahat ng sakit na nararamdaman nito sa pamamagitan ng pag-iyak.
Damn, he hate seeing her cry because of that bastard!
Itinigil niya ang kotse sa harap ng bahay niya.
"Look, Kira."
Bumaling siya sa dalaga. Hinawakan ang magkabilang balikat nito at iniharap sa kanya. "Alam kong maaaring makalimutan mo din itong sasabihin ko bukas. But i think you should move on. Hindi makakatulong sa 'yo kung patuloy mong pahihirapan ang sarili mo sa pag-iisip sa lalaking sinaktan ka lang sa bandang huli. You don't deserved to be cheated on. Your tears don't deserve that man. Kalimutan mo na lang siya."
"I ngant!" Umiiyak na sigaw ng dalaga.
"What did you say?"
"I can't! I love him! Babawiin ko siya!"
Napailing si Callan. "You're impossible, Kira." Pinagtaksilan na ito lahat lahat ng boyfriend nito, ngunit mahal pa nito ang tinamaan ng lintik at balak pang bawiin? Goddamn it.
She must be really crazy for that man.
Napatiim-bagang siya.
"No. You're going to forget that man." Inilapit niya ang mukha dito, "And you're gonna be mine, Kira" Then, his lips met hers in a hot, wet kiss.
BINABASA MO ANG
Owning Her Innocence (R-18)
RomanceCallante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na yata niya. Wala naman itong kasalanan sa kanya at wala rin siyang dapat na ika-bitter. Maybe, she just hated him for being a playboy. Lahat...