Chapter Thirteen

1M 20.5K 2.2K
                                    

 NAGING ABALA si Kira sa restaurant niya ng mga sumunod na araw. Nakatulong ang pagtutok niya sa kanyang negosyo para makalimutan niya ang lahat ng tungkol kay Jiro at Amy. Sa bawat pagdaan ng araw ay nakalimutan din niya ang sakit na ginawa ng dalawa. Nang magtanong ang magulang niya tungkol sa lalaki.

 Naging tapat siya sa mga ito. Sinabi niya ang totoo na nahuli niya si Jiro sa akto ng pagtataksil sa kanya. Natural lang na galit ang maging unang reaksyon ng mga magulang niya, lalo na ang kanyang ama. Kung nandoon lang daw ito sa tabi niya baka nasugod na nito ang lalaki at binugbog. Kinalma na lang niya ang mga ito sa pagsasabi na okay na siya. Yes, she was really okay now.

 Ganoon pala talaga kapag heartbroken ka. Subukan mo na huwag isipin ang sakit na idinulot sa 'yo ng lalaking nanakit sa 'yo at awtomatikong mapapawi iyon sa dibdib mo. And then, you will just wake up one morning na hindi mo na siya maiisip pa at hindi mo na mararamdaman kung gaano man kasakit ang nangyari.

 In short, kung pursigido talagang mag-move on, makakamit 'yon.

 Kaya lang siguro may mga babaeng hindi maka-move on sa kanilang ex-boyfriend ay dahil sa ayaw pa nilang pakawalan ang alaala ng mga 'yon.

 But come to think of it, bakit sa tatlong taon na magkarelasyon sila ni Jiro hindi man lang sumagi sa alaala niya ang mga masasayang sandali nila? Bakit wala siyang maala-ala na special moment nilang dalawa? Hindi tuloy niya mapigilan na kuwestiyunin ang sarili.

 Did she really love Jiro o nadala lang siya sa ideya na ito ang lalaking nararapat sa kanya?

 Napapitlag si Kira at awtomatikong natigil sa pag-iisip nang marinig ang mga katok sa maliit na opisina niya. "Bukas 'yan."

 Bumungad ang ulo ng isa sa mga empleyado niya.

 "Ano 'yon?" she asked.

 "Ma'am, may naghahanap po sa inyo."

 "Sino daw?"

 "Hindi po sinabi ang pangalan. Basta boyfriend n'yo daw."

Halos lumuwa ang mata ni Kira. "B-Boyfriend?" Aba't sino naman ang hudyong magpapakilalang boyfriend niya?

 Kinikilig na tumango ang empleyado niya. "Ang gwapo pala niya, Ma'am! Nakakapanginig ng pempem ang kagwapuhan! Piercing blue eyes pa!"

 Blue eyes? Isa lang ang lalaking pumasok sa isip ni Kira sa deskripsyon ng empleyado niya sa lalaking nagpakilalang boyfriend niya. Naningkit ang mga mata ng dalaga.

 Callante Fontanilla.

 Hindi nga nagkamali ng hinala si Kira. Si Callan nga ang nagpakilalang boyfriend niya sa kanyang empleyado. Nakita niya itong nakaupo sa isang sulok at matamang naghihintay. Mabibilis ang hakbang na lumapit si Kira sa binata. "What are you doing here?"

 Nag-angat ito ng mukha. "Hello, Kira. It's nice to see you here."

She almost rolled her eyes. "Oh. It's nice to see you, too." puno ng sarcasm na sabi ni Kira. "Teka, alam mo ba kung sino ang may-ari nitong pinasukan mo?"

 Naningkit ang mata ni Callan at parang nag-isip pa. "Hmm.. Someone tell me na ubod daw ng ganda ang may-ari nitong restaurant. I just don't remember her name. Kilala mo ba?"

 "Oo, kilala ko kung sino. Bakit?"

 "Balak ko sanang ligawan."

Umangat ang isang kilay niya. "Tatawa na ba ako sa joke mo?"

 Ngumisi ang binata. "E, di tumawa ka. Hindi naman ako nagbibiro."

 "Seriously, Callan. What are you doing here?" Ilang araw din niya itong hindi masyadong nakita. Malamang ay may pinagkakaabalahan din ito.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon