CALLAN?
Napakunot-noo si Kira habang sinusundan ng tingin ang pareha na pumasok sa loob ng coffee shop. Hindi siya dinadaya ng kanyang paningin. Ang lalaking nakaakbay sa babaeng kasama nito ay walang iba kundi si Callan!
Pero ano ang ginagawa ng lalaki doon?
Nawala ang atensyotan niya sa iniinom na kape. Lumipat ang focus niya kay Callan at sa kasama nitong babae. Pamilyar sa kanya ang kasama nito. Nakita na niya ito sa bahay ng mga magulang ng binata. Mabilis na gumana ang utak niya, nabuo ang isang hinala. Inalala niya ang mga pangalan na binanggit ni Callan sa kanya...
Britanny..
Yes! That's the woman's name. Ang babaeng may kulay asul na mga mata na tulad ng kay Callan. And as far as she remembered, ang babaeng ito ang gusto ng mga Fontanilla para sa binata. Natatandaan niya na minsang nabanggit iyon sa kanya ni Callan.
Nabuo ang mga tanong sa isipan ni Kira. Bakit magkasama ang dalawa? Bakit nakaakbay si Callan sa babae?
Umupo si Callan at Britanny sa isang mesa. Napansin niya na parang inaalo ni Callan ang babae. The woman was crying.. Halos sumubsob na ito sa dibdib ni Callan ng magtabi.
Parang nakatikim ng mapait na lasa, inalis niya ang tingin dito. Nag-init ng pisngi niya nang maalala na hindi sinasagot ng binata ang tawag niya ilang minuto lang ang nakararaan. Nanginginig na humugot siya ng hininga. She closed her eyes, trying to ignore the growing pain inside her.
Kalma, Kira. Kalma ka lang, sabi niya sa sarili. Iyon ang kailangan niya nang sandaling 'yon.
But damn it! Punyeta lang. Gusto niyang magmura. Gusto niyang manugod. Gusto niyang agawin si Callan mula sa pagkakalapit sa babae at tanungin ito sa nakikita niya. She need an explanation!
Hinawakan niya ang naninikip na dibdib..
No, no, no. She's better than that. Hindi niya ipapahiya ang sarili sa ibang tao. Bago pa siya atakihin ng masamang espirito at bago pa niya maisip na gawin ang nais, tumayo na siya sa puwesto niya. Dire-diretsong tinungo ang daan palabas ng coffee shop.
Fuck you, Callan. Fuck you both.
PAGDATING ni Callan sa bahay ng nobya, napansin na agad niya ang kakaibang mood nito. Hindi siya nito pinansin. Dati rati ay sinasalubong pa siya ng yakap at hinahalikan sa pisngi. Itatanong kung kumusta ang trabaho at kung napagod ba siya.
But that evening, she didn't even look at him. Alam niyang alam na nitong nandoon siya sa bahay pero umaakto ang dalaga na tila wala siya doon.
He called her name, sweetly. "Hon, may problema ba?" Nasa kusina ito at may tinatalupan na mangga. Nilapitan niya ito. Ngunit bago pa siya makalapit dito ay itinutok nito sa kanya ang kutsilyo.
"Huwag mong subukan lumapit sa akin. Letse, huwag mong subukan."
Nanlaki ang mata ni Callan. Nagulat. "Hon.. Anong problema?"
"Huwag kang magmaang-maangan! Alam ko na ang kalokohan mo!"
"Kalokohan?" Nagsalubong ang kilay niya.
Pinandilatan siya nito ng mata. Noon niya narealize na pugto ang mata ng dalaga at halatang galing sa pag-iyak. "Umiyak ka.. What's the problem?"
Nag-iwas ito ng tingin at tumalikod sa kanya. "Umalis ka na, Callan."
"Hindi ako aalis kung hindi mo sasabihin sa akin ang problema."
"Wala kang maririnig sa akin, Callan. It would be better kung umalis ka na lang muna." Naglakad ito palayo sa kanya at pumunta sa sala.
BINABASA MO ANG
Owning Her Innocence (R-18)
RomanceCallante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na yata niya. Wala naman itong kasalanan sa kanya at wala rin siyang dapat na ika-bitter. Maybe, she just hated him for being a playboy. Lahat...