MALAKAS na ang buhos ng ulan nang makarating si Callan sa bahay ni Kira. Ipinarada niya ang kotse sa harap at mabilis na bumaba. Natigilan siya nang makitang walang kailaw-ilaw ang bahay nito.
Humaplos ang lamig ng hangin sa balat niya at tila rumagasa ang takot sa sistema niya. "Kira.." Kumurap siya ng dalawang beses.
Hindi.
Hindi maaari.
Tinangka niyang buksan ang gate ng bahay nito. Nakakandado iyon. Ginamit niya ang duplicate para buksan iyon. Dire-diretso siya sa loob ng bahay nang mabuksan din ang pinto niyon.
Patay ang ilaw.
Nanginig ang kalamnan niya. May nabubuong kutob sa isip niya, ngunit ayaw niya iyong kumpirmahin. Ayaw niyang mag-isip ng masama.
Binuksan niya ang ilaw at bumungad sa kanyang paningin ang mga gamit na hindi nagagalaw. "Kira?" tawag niya sa asawa. Dalawang beses pa niya itong tinawag.
Katahimikan ang sumagot sa kanya.
Lumunok si Callan para pawiin ang bara sa lalamunan niya. Pagkatapos ay dahan-dahang umakyat sa hagdan. Ramdam niya ang pagkabundol ng kaba sa dibdib.
Goddamn it, Kira. Don't you dare.
Don't you fuckin dare leave me now.
Napatiim-bagang siya habang unti-unting binubuksan ang pinto ng kwarto nito. Pagkatapos ay binuhay niya ang ilaw. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa nang hindi makita ang dalaga doon.
Parang gusto niyang magmura ng paulit-paulit. She left him. She fucking left him. Nahuli na siya ng punta. Iniwan na siya ni Kira.
Hindi agad nakagalaw si Callan. Tila nagdidilim ang paningin niya at namumuo ang sari-saring emosyon sa kanyang dibdib.
Maya-maya ay narinig niya ang malakas na sigaw ng tila hayop na nagwawala. Hanggang sa mapagtanto niyang siya 'yon. Sumasabay sa malakas na patak ng ulan ang sigaw niya. Sunod-sunod ang suntok na pinakawalan niya sa pinto. Parang namamanhid ang katawan niya. Naramdaman niya ang panghihina ng kanyang katawan, ang pagkapagod ng sistema niya.
Biglang lumitaw sa isip niya ang mukha ni Kira.. Umiiyak, naghihirap sa sakit.. Gusto niyang magalit sa sarili. Hindi dapat siya umalis sa tabi nito. Dapat sinabi niya na ayos lang ang lahat, na wala silang kasalanan sa kasalanan ng mga magulang nila. Na malalagpasan nila ang lahat ng 'yon ng magkasama.
Ngunit naging malamig siya kagabi. Inisip niya na magpalamig mag-isa, na humiwalay muna.. Isang pagkakamali na hindi dapat niya ginawa.
At ngayon ay umalis si Kira.
Nang kumalma siya ay tumayo siya. Nanghihina ang katawan. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at paulit-ulit na tinawagan si Kira. But damn, she's not answering his calls! Muntikan na niyang maibato ang cellphone nang maisip niya na tawagan ang ina ni Kira..
May galit siyang nararamdaman para sa ina ng asawa. Ngunit kailangan pa rin niya itong respetuhin. Sa kabila ng kasalanan nito sa kanyang ina, ito pa rin ang magulang ng babaeng minamahal niya. He have to respect her.
"C-Callan?" tila nag-aalangan pa ang boses ng ginang. Takot siyang kausapin. "Bakit ka napatawag?"
"Itatanong ko lang sana po kung alam n'yo kung saan nagpunta si Kira."
"Si Kira? Hindi ko alam. Nandito na kami ni Rico sa Palawan. Bakit, wala ba siya sa bahay niya?"
Napatiim-bagang si Callan. Kahit ang mga magulang ni Kira ay walang alam sa pag-alis nito.
BINABASA MO ANG
Owning Her Innocence (R-18)
RomanceCallante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na yata niya. Wala naman itong kasalanan sa kanya at wala rin siyang dapat na ika-bitter. Maybe, she just hated him for being a playboy. Lahat...