Chapter 3
Kristina
Lumapit ako sa mahabang mesa, may apat na tao ang nakaupo sa counter na iyon. Ang tatlo sa kanila ay may mga kausap, mga kliyente siguro nila.
"Goodmorning, Ma'am. may I help you?" nakangiti at mahinhing bungad sa akin nu'ng isa.
"Goodmorning. I'm actually wants to inquire about your loan policy,"
"Yes Ma'am, have a seat." tinuro niya ang upuan sa harap ng mesa. May kinuha naman siyang brochure sa drawer niya. Ipinakita niya ito sa akin at nagsimula na siyang magpaliwanag. Medyo nakakita ako ng munting pag-asa dahil nabasa kong mababa lamang ang interest rates nila. Sa pagkakatuwa ko ay agad kong sinulatan ang loan application form.
Lumipat ako sa sofa, malapit sa may pinto ng opisina nila. Habang nagsusulat ako ay may pakiramdam akong may nakamasid sa akin. Nag-angat ako ng tingin... at gano'n na lamang ang gulat ko nang makita kong nakatitig sa akin iyong gwapong nilalang na nakasabay ko sa elevator kanina. He's standing beside the door na sa tingin ko ay pinanggalingan niya. With matching crossed arms on his chest. Nakasandal din ang left arm nya sa puting pader--seriously staring at me.
Pero bakit? Kung hindi lang gwapo 'to, pagbibintangan kong kriminal to e!
Huwag kang manghusga Kristina, masama 'yan!
But to surprise myself, she finds it... Sexy?
Huh, baliw ka na Kristina Marie!
Kumalabog naman ang puso ko. Parang nagtatalunan sa kaba ang didbdib ko! Ano bang meron sa mga tingin niya? Kanina pa kaya ako niya tinitingnan?
Ngunit matapos ang ilang segundong titigan, ay nagbaba ito ng tingin at pumasok sa loob ng office na 'yon.
Ano'ng problema no'n? Type ba niya ko? O type lang ang damit ko?
Nang matapos ko 'yung form ay agad kong binalik iyon sa babaeng kausap ko kanina.
"Upo po muna kayo ulit, Ma'am." nakangiti siya, hawak iyong form ko. Mayamaya ay tumayo ito at pumasok sa kwartong pinasukan din nu'ng gwapong estranghero kanina.
Habang naghihintay ay kinuha ko muna yung phone ko at baka may tumatawag na sa akin. May text ako galing kay Nanay at Hero.
Nanay:
Kris, saan ka nagpunta?
Hero:
Bru, anu na balita sa problema u? Ano hahanap na ba tayo ng papang yummy at mayaman?
Napangiti naman ako, nang pinindot ko na iyong reply, sa gilid ng mata ko ay nakita kong lumabas doon iyong lalaking gwapong-estranghero kanina. Hindi ko siya tiningnan. Nagdere-deretso naman siya sa paglalakad. Malamang ay paalis na ito. Dumaan ito sa likuran ko.
Nang marinig kong bumukas 'yung glass door ay saka ko siya nilingon. Umalis na nga ito. Natawag naman ng pansin ko iyong babaeng kausap ko kanina. Bumalik na ito pero hindi na niya dala ang form ko.
"Ma'am gusto po kayo makausap ni Sir,"
"Sir?" curious kong tanong. Tinuro naman niya iyong pintong pinanggalingan niya kanina.
"Ah, okay." tumayo ako at agad na naglakad. Nang nasa tapat na ko ng pinto ay kumatok muna ako ng dalawang beses.
"Come in." narinig kong sagot ng isang lalaki.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Nang makita ko na siya ay unti-unti akong pumasok. Nakatingin ito sa flatscreen na monitor. Lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Have a seat, Miss Clemente," tuluyan na siyang humarap sa akin.
Umupo naman ako sa tinuro niyang bangko sa harap ng mesa nito. Kinuha at binasa niya iyong form ko. Nakaramdam ako ng kaba. Para ba akong lilitisin na ewan! Pero kliyente ako. Kaya dapat relax lang Kristina... easy... kalma. Pero pansin kong gwapo din 'to--mas gwapo nga lang iyong estranghero kanina.
"Good morning, Ms. Clemente, my name is Matteo De Silva." inilahad niya ang kanang kamay.
Inabot ko naman iyon at nakipagkamay. "Good morning, Mr. De Silva." sagot ko.
"So, how did you know about us? The De Silva Financing."
"Someone just gave me your business card," tapat kong sagot.
"Is that a boy or a girl?"
"Woman, Sir."
"Was she beautiful?" nakangiting tanong nito
"O-Opo..." alangang sagot ko. Parang gusto ko na ring pabirong sagutin ito para man lang mabawasan ang kaba ko.
"I think she is." sabay tawa nito. "Okay, Ms Clemente, so you would like to loan?"
"Yes, Sir." eto na. Kabado na naman ako.
"But Ms. Clemente, 1.5 million is a huge amount,"
"A-Alam ko po..."
"Well, in this case we need an assurance first before we granted your loan. A collateral is required," seryosong sabi niya.
Collateral? Jusko! ano'ng iko-collateral ko?
Iyong bahay? 'Yun nga ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon!
Iyong jeep? Hindi naman worth 1.5million iyon.
"Hindi po ba pwedeng hulugan na lang? Nang walang collateral, I mean."
"Ofcourse, you have to pay us back in monthly basis. But because this is a big amount, we really need a collateral Ms. Clemente, this is a business anyway."
"Kaya lang kasi sir, 'yung bahay namin ang bibilhin ko kaya po ako maglo-loan. Wala naman kaming ibang property para ipang-collateral." sagot ko.
"In that case, we can still approve your loan, kaya lang hindi na sa amount na gusto mo," tumingin-tingin pa ito sa mga papel niya sa lamesa. "We can still provide you a loan of 50K to 70K, Ms. Clemente ang loan amount namin ng walang collateral."
Napaisip ako. 50,000 to 70,000? Magkakautang pa ko pero kulang pa rin. Pero malamang... suko na ko.
"No, thanks Mr. De Silva. Salamat na lang po." tumayo na ko, bagsak ang balikat. Naglakad na ako papunta sa pinto. Hindi ko na siya pinansin dahil parang wala nang patutunguhan ang pag-uusap namin. Hindi sa pambabastos pero, nalulungkot lang talaga ako.
"But I have one more option left for you, Ms. Clemente," pahabol na sabi niya.
Napahinto ako at tumingin sa kaniya. Nakangiti siya at may hawak na kung anong maliit na papel.
"And this time baka meron ka nang pang-collateral."
Ano bang sinasabi nito? Iniabot nya sa akin iyong hawak niya. Lumapit ako at alanganing kinuha iyon.
Ano to? Business card na naman? Binasa ko yung binigay niya.
RDS Group of Companies. CEO, REYNALD DE SILVA
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Sino po ba ito?"
"See for yourself. Contact him or better yet talk to him personally. He can help you for sure." he even winked at me.
Ano 'to joke?
Nasa baba na ko ng building at naghihintay na ng jeep pabalik sa LRT Station. Hawak ko pa rin itong business card. Tiningnan ko ulit. Reynald De Silva. Sino 'yun? Pwede raw makatulong sa akin?
--
BINABASA MO ANG
My Stranger Husband (De Silva #2)
RomanceMy Stranger Husband (De Silva #2) Masaya at kuntento. Iyon ang pamumuhay na nakalakihan ni Kristina kasama ang pamilya. Masipag na Tatay, mapagmahal na Nanay, mabait na Kuya at makulit na bunsong kapatid ang mayroon siya. Ngunit dumating ang malakin...