Chapter 4

47.9K 1.3K 22
                                    

Chapter 4

Kristina


"Approaching U.N Ave. station, Salamat po." sabi ng driver sa LRT. Nang may bumaba na pasahero ay saka lang ako nakaupo na. Hindi naman masiyadong siksikan pero puno pa rin ang mga nakalaan na upuan.

Agad kong kinuha iyong cellphone ko at nagtext.

Ako:

Masiyadong malaki ang 1.5 million bru, humihingi sila ng pang collateral. Wala kami nun bru

Napabuntong hininga ako pagkatapos kong i-send ang message sa kaibigan.

Hero:

Wer na u ba? pauwi ka na? Daan ka muna ng dito sa salon

Ako:

LRT pa ko. Okay, I'll drop by.

Pagkatapos ay nilagay ko na agad ang cellphone ko sa bag at napabumuntong hininga ulit. What to do? I'm helpless--ang hirap pa lang maging mahirap.

Pagdating ko sa salon ni Hero ay pinapunta niya ko sa kusina nila. Inaya na niya ko roon Mananghalian. Kasalo namin si Anastacia. Habang naiwan sa counter si Beauty at may kausap. Iyong ibang staff naman ay busy sa mga customer.

"E, sino naman 'yung taong sinasabi niya sa'yo?" tanong ni Hero habang sumusubo.

"Ang sabi niya, for sure raw makakatulong sa akin 'yon. Tawagan o puntahan ko na lang daw," kinuha ko naman iyong business card sa bag ko. "Eto..." iniabot ko kay Hero, tumingin din si Anastacia.

"Nakakabasa ka ba?" tanong ni Hero sa kaniya pero hindi siya tinitingnan.

"Oo naman 'te! ako pa!" sagot naman niya. Kung iba siguro, malamang napikon na sila. Pero dahil close naman sila rito at sanay na rin sa katarayan ni Hero.

"OMG!" halos sigaw na sabi ni Anastacia.

"Bakit kilala mo?" sabay tingin ni Hero sa kaniya. Pati ako ay napatingin na rin sa kaniya. Curious.

"Hindi 'te. Sino ba 'yan?"

Sinamaan naman ito ng tingin ni Hero. "Ubusin mo na 'yang pagkain mo bago ko ubusin 'yang buhok mo! bruha ka!"

"Pero infairness 'te, ang gwapo ng name-sung niya ah!" sabay subo ulit ni Anastacia. "Parang may abs!"

"'Yang mukha mo lalagyan ko ng abs! 'pag hindi ka pa nanahimik," sagot ni Hero na pinandilatan pa si Anastacia.

"Tatahimik na po, tatahimik na." at saka pinagpatuloy na ang pagkain.

"Reynald De Silva..." sabi ni Hero, habang nakatingin sa business card. Wari ko'y napapaisip siya. "Parang narinig ko na 'tong name na 'to,"

"Talaga? Saan naman?" tanong ko. Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Hindi ko rin maalala e, pero parang narinig ko na 'tong pangalan na 'to somewhere girl," nakakunot ang noo ni Hero tila ba pilit na inaabot ng utak niya ang pangalang iyon. May kung ano sa isip ko na sana kilala ni Hero ang lalaking ito.

"Somewhere? Ah! Somewhere down the road, 'te!" biglang salita ni Anastacia. Dahil do'n ay nawala sa pag-iisip si Hero at ako. May kasama pa kasing palakpak at medyo O.A ang gesture niya. Nabatukan pa siya ni Hero. Kaya naman nangiti na lang ako sa kaniya.

"Ikaw na bakla ka, hala tumayo ka na nga d'yan at bumalik ka na do'n sa labas at baka 'di ko mapigilan ang sarili ko at maubos 'yang buhok mo!" Hero gave Anastacia a death glare. Iyon bang tingin pa lang iyon ay lulumpasay na siya.

Sumimangot naman si Anastacia. "Eto na, eto na 'te oh, aalis na, aalis na oh," sabi niya habang nagliligpit ng pinagkainan niya, nilagay niya ito sa lababo at hinugasan bago bumalik na sa labas. "Babuush mga ateng!" paalam pa niya.

My Stranger Husband (De Silva #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon