Chapter 1

90.1K 1.6K 72
                                    

Chapter 1

Kristina


"Ate! Nandito na si Kuya Hero, bumaba ka na raw!" Sigaw ng bunso kong kapatid na si Glen mula sa baba.

Kaya naman nagmamadali kong sinuot ang relos ko, mabilisang paglalagay ng lipstick at marcara. Ilang pasada pa ang ginawa ko sa buhok, ni hindi ko na nga hinintay ang sarili na ma-satisfy sa itsura ko basta presentable naman ay tinapos ko na para makapasok sa trabaho. Maaga naman ako nagising pero sadya yatang may pagkakataon na napapabayaan ko ang oras sa umaga.

Si Hero ang matalik kong kaibigan. He's gay by the way. Matagal na kaming magkaibigan, kaya kahit araw-arawin niyang pagsundo at pagsabay sa akin papasok sa trabaho ay okay lang.

Malalaking hakbang na ang ginawa ko pababa sa hagdahan, at doon pa lang ay dinig na dinig ko na ang munting pagsesermon ni Hero sa makulit kong kapatid. Napailing na lang ako perob natatawa na rin!

"Hoy! kung makakuya ka naman wagas! Hiyang-hiya naman ang humpak ng makeup ko sa'yo bata ka!" Himutok ni Hero na napamaywang pa. Hindi niya talaga gusto iyong tinatawag siyang Kuya ni Glen, lalo kung umaalingawngaw sa buong bahay.

"Sorry naman, 'di ko alam ang itatawag sa iyo eh, kung manong na lang?" pang-aasar pa ng kapatid ko. Nasabihan ko na 'to dati na 'wag nang asarin ng ganoon ni Hero, e kaso sobrang kulit na bata. Kahit ako minsan ay nababara rin nito e!

"Ay naku bata ka! Hoy Kris! dalian mo d'yan naghihintay na si manong driverlu sa labas!" Napabuga na lang ng hangin si Hero ay sabay paypay sa mukha.

Napailing na lang ako at sinilip ang laman ng shoulder bag ko, sinuguradong wala akong naiwang mahalagang gamit.

"Hndi ba kayo kakain muna bago pumasok ha?" Narinig kong tanong ni Nanay mula sa kusina. Naririnig ko ang mga kalansing ng kubyertos at plato pa roon.

"Hindi na po 'nay, dapat maaga kami ngayon sa eskwela kasi final exam na--mahuhuli na ako sa flag ceremony!" At baka magkagulo na naman ang klase dahil hindi sumusunod sa pila.

Alas-syete na ng umaga, dapat nasa eskwela na ko pero dahil masiyado kong napabayaan ang oras, nagahol ako. Kitang-kita kong inip na si Hero. Magkaibigan na kami mula pa nung 1st year college ako. Pareho ang kurso namin, BS Education. at nagtuturo na ko ngayon sa Grade IV elementary. Pero si Hero ay hindi nakatapos sa pag-aaral at huminto nu'ng nasa 3rd year na kami. Dahil sa kinulang na raw sa tuition fee. Hindi naman maituturing na kamalasan ang nangyari sa kaniya dahil nakapag-abroad ito at nakaipon, at nakapagtayo ng sariling salon. Sa kaniya lang kasi umaasa ang pamilya niya.

''Girl, bakit ka naman na-late ng gising? Himala yata 'yon?" Tanong niya sa akin habang palabas na kami ng bahay.

Binalingan ko muna ang Nanay ko, "Nay, alis na po kami!" Hinintay ko munang sagutin bago ko sinagot ang tanong ni Hero. "Eh kasi bru, may problema si Tatay," Hininaan ko pa ang boses ko.

"Bakit ano 'yun bru? May ibang babae na ba ng Tatay mo o may ibang junakis na?" Nanlaki ang mga mata niya sa sariling tanong.

"Gaga hindi! Hindi gano'n si Tatay 'no! Ni minsan hindi tumingin 'yon sa iba!" aminado ako ako do'n at sobrang proud ako sa Tatay kong iyon.

"Oh, e ano'ng problema?"

"Pinapalayas na kami rito sa bahay." bulong ko sa kaniya bago sumakay sa Tricycle na de-motor naghihintay sa amin.

"What?!" bulalas niya sa akin. Halos kinagulat ko ang reaksyong iyon ni Hero. Kapag kasi medyo nashashock ito eh, napapasigaw. Bigla ko tuloy siya napalo ng mahina sa braso niya.

"Bru, ano ba bunganga mo!" Halos pasigaw kong litanya sa kaniya, sa ingay ng tricycle ay sinadya kong laksan ang boses ko.

"Ay, sowry-sowry ateng! nakaka-shock naman kasi 'yang sinabi mo. 'Di bale sana kung tungkol sa lovelife, na alam ko namang waley eh 'no, pero bakit naman kayo palalayasin at sino ang nagpapalayas? 'di ba bahay n'yo 'yan?" ani ni Hero, sabay bukas ng face powder at nag-retouch pa nang kaunti. "Manong, dahan-dahan lang sa pagda-drive at baka kumalas ang ganda ko!" Pasigaw na sabi nito sa driver. Hindi naman sumagot si manong o baka hindi niya lang ito narinig.

My Stranger Husband (De Silva #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon