Chapter 2

48.3K 1.3K 32
                                    

Chapter 2

Kristina


Pagkatapos naming maghapunan ay agad ko munang pinuntahan si Hero sa salon niya. Isang sakay lang ng jeep iyon mula sa bahay. Dahil sa gabi na rin iyon ay iilan na lang ang customer niyang nadatnan ko at kasuluKuyang binu-blower ng staff niya. Ako naman ay prenteng naupo at humarap sa malaking salamin nila. Si Hero naman ay nasa harap ng counter niya at tila nagbibilang ng kinita sa salon.

"Naku bru, kung milyunaryo lang ako tulad ni Ricky Reyes, solve na 'yang problema mo," sabi niya habang busy pa sa ginagawa. "Pero kahit ibenta ko ang puri ko, hindi pa rin yata aabot sa halagang kailangan mo 'te!"

Tumingala ako sa kaniya "Ateng, wala ka no'n." sabay tawa naman ng mga staff niyang nagbu-blower, nagwawalis at nagbabasa ng magazine.

"Ay, ang saya 'no?! Ang saya-saya 'no?!" nakakatawang sabi ni Hero sa mga staff niya. At siya namang tigil ng mga ito sa tawa.

Umayos ako ng upo. "Eh, ano nang gagawin ko? Ayoko namang lumipat kami ng bahay.." nakasimangot na sabi ko.

"E'di, maghanap ka ng Papang mayaman 'te!" sabat ni Beauty na nagbabasa ng Magazine. Si Beauty ang nagsisilbing kanang kamay ni Hero sa salon. Mahaba ang buhok nito at blonde pa.

"Tumpak 'te!" sabat naman ng nagwawalis na si Anastacia na huminto pa at tiningnan ako, mula ulo hanggang paa. "Maganda ka rin naman, makinis at teacher pa! tiyak 'yan may maaakit..sayong Papang.." Malanding litanya niya.

"Matanda? Biyudo? Pulitiko? kung sa gano'n na rin lang ako mapupunta, 'di bale na! Mangungupahan na lang kami." pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"Ano ka ba! Hindi ka ba naniniwala kay Prince Charming, Kris? 'Yung gwapo, matipuno, matalino at higit sa lahat malaki.."

"Ang alin?" curious kong tanong nang ipa-suspense pa niya ang sasabihin.

"--malaki ang pera sa bangko! ano ka ba!" at sabay tawa.

"Wala nang gano'ng lalaki 'no!" sagot ko sa kaniya.

"'te, think positive! malay mo nasa tabi-tabi lang 'yon. Inaantay ka na--hay! kinikilig ako!" biglang sagot ni Beauty.

"Bakit naiihi ka?" sabat ni Hero na nagliligpit na ng mga gamit sa counter. "Kung ano-ano 'yang sinisiksik niyong kalokohan sa ateng ko. Manahimik na nga kayo!"

"Eh kung ayaw mo sa suggestion namin, mag-isip pa tayo ng iba--ah! Magturo ka sa Harvard! Malay mo malaki sweldo do'n! Dollars pa!" sabat ni Anastacia. Pero agad naman itong binato ng papel na nilukot ni Hero.

"E kung ikaw ang papuntahin ko do'n at 'wag nang pauwiin, bet mo? Kanina ka pa nagwawalis d'yan ah, bilisan mo d'yan! baklang 'to," nakapameywang sagot ni Hero.

"Eto na nga 'te oh, patapos na o," pagmamadaling sagot ni Anastacia. Natawa naman ako sa kanila. Kahit papaano ay napapagaan nila ang mabigat kong problema.

"Ah, Miss.." tawag sa akin nu'ng kaninang inaayusan at binu-blower. Nakatayo na ito at lumapit na pala sa akin. May nilabas namang siyang business card mula sa shoulder bag niya. "Eto, baka sakaling makatulong sa problema mo." nakangiting sabi nito.

Dahan-dahan ko namang kinuha ang iniabot niya sa akin.

"S-Salamat?" sabi ko Pero ngiti na lang sinagot niya. Pagkakuha ko ay agad naman siyang tumungo sa counter at saka nagbayad.

"Thanks for coming! Come back again, Ma'am!" nakangiting sabi ni Hero.

Pagkalabas ng babae ay sabay-sabay namang nagtanungan at lumapit sa akin ang mga baklita!

My Stranger Husband (De Silva #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon