Chapter 5

55.2K 1.8K 231
                                    

Chapter 5

Kristina


Lunes. Ito na ang araw ng pagpunta ko sa RDS Group of Companies para makaharap si Reynald De Silva. Wala akong ideya kung anong kahihinatnan ng pagpunta ko. Ewan ko ba pero parang may banda ng mga musikero sa loob ng dibdib ko sa sobrang kaba na nararamdaman. Something's weird? Pero para 'to sa pamilya ko kaya, fighting!

Gusto ko sanang magpasama kay Hero pero alam ko ring busy iyon sa salon niya. Kaya no choice, lumakad na lang ako mag-isa. Hindi pa rin alam nina Tatay ang tungkol sa balak kong ito. Nagpaalam lang akong pupunta sa isang kaibigan. Dahil siguro pinagkakaabalahan nila ang paglilipat namin kaya hindi na nila napupuna ang pag-alis-alis ko kahit bakasyon ngayon sa eskwela.

Bitbit ko ang isang baso ng lakas ng loob para sa araw na ito. Pinuntahan ko ang opisina ng RDS Group of Companies, sa Bonifacio Global City sa Taguig ang address. Malayo-layo rin 'to samin ah. Pagbaba ko sa Ayala station ng MRT ay agad kong tinungo ang designated bus papuntang BGC. Nilibot ko ang paningin sa mga nakikita kong establisyemento. Nakakapanibago sa mga nakasanayan kong ordinaryo. Feeling ko tuloy para akong probinsiyana.

Nang huminto ang bus sa designated station na pupuntahan ko ay tumayo na ko at bumaba. Base sa address na nasa card ay dito na ang street ng building. Inikot ko ang mata para hanapin ang RDS building..and I easily found it.

RDS Group of Companies

Tumawid ako para makalapit sa building. Nang nasa harapan na ko ay sumisigaw ng karangyaan--labas pa lang ng matayog na building na 'to. Disenyo pa lang sa labas masasabi mo nang may sinasabi ang kompanyang ito. Sa address pa nga lang mai-intimidate ka na. Puro salamin ang dingding at may revolving doors sa entrance ng building. Pagkapasok ko ay maraming tao ang palakad-lakad sa ground floor. Lahat naka-corporate attire at looking professional. Nakita ko ang isang babaeng naka-red fitted skirt at black coat na may kausap sa cellphone niya. Maganda siya at sopistikada ang itsura. Bigla tuloy ako na-concious at tiningnan ang itsura ko. Naka-skinny jeans ako, black polo shirt at black flat shoes. Okay naman siguro ang get up ko rito. Kaya ko 'to!

Hinagilap ko ang information desk at nilapitan. Sa likod ng receptionists ay nakasulat sa marmol na pangalan nag kompanya. Sobrang yaman siguro ng may-ari. Metikoloso ang disenyo ng building e.

Papalapit pa lang ako sa receptionist agad na niya akong nginitian. "Good morning, Ma'am. How may I help you?"

Ngumiti rin ako sa kaniya, "Good morning po. I am looking for Mr. Reynald De Silva?"

Nakangiti pa rin sa akin ang receptionist. "Do you have a scheduled appointment, Ma'am?"

Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Kinakabahan na naman ako. Napaisip ako, nagpa-schedule naman ako 'di ba? Sabi pa niya, 'See you on Monday then.' Kaya hindi dapat ako natataranta!

"Yes. Please tell him I am Kristina Marie Clemente." Magalang sagot sa kaniya. I composed myself para naman hindi mahalatang may pyesta sa dibdib ko.

Bahagya siyang tumango at may tiningnan sa computer niya. She scanned her monitor. Hanggang matapos.

She pouted her lips a bit at tumingin sa akin ulit. "Sorry Ma'am but your name wasn't here in our lists of official visitors of our President today. May I know who adviced you to come?" She's looking at me with an apologetic face.

"Mr. De Silva himself told me to see him today... over the phone," I motioned my right hand as a phone bilang gesture.

I'm a bit surprised nang napansin kong medyo nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. At biglang parang nataranta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Stranger Husband (De Silva #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon