Prologue

1 0 0
                                    

Kaarawan ngayon ni Roma kaya dali dali siyang nag out sa kanyang pinapasukang pabrika kung saan isa siyang janitress. Excited na bumili ng cake para sa kanyang pamilya na kahit na kailan ay hindi naman siya itinuring na kapamilya.

Nang makabili siya ng cake ay agad na siyang pumara ng jeep at sumakay. Nang makarating na sa kanilang kanto ay agad siyang napahinto, natanaw n'ya agad ang tatlong taong halos pagalayan na n'ya ng kanyang buhay sa pagtatrabaho mabili lang ang kanilang mga luho. Masaya silang nag uusap at nagtatawanan.

At ang mas masakit pa ay nasa labas na ang kanyang mga gamit, hudyat na huling araw na n'ya sa pamamahay na iyon.

Nasa tapat na siya ng kanilang bahay nang biglang sabay sabay na napatingin sa kanya ang tatlo at agad na nagsisamaan ang mga mukha.

"O andito na pala ang walang kwenta e!" sabi ng kanyang step sister na si Maria. Na agad namang sinangayunan ng dalawang kunsintidor na mga magulang.

"Huwag ka nang babalik pa dito ah. Wala ka namang naitulong sa amin." Sabi ni tito Victor na akala mo naman maraming naitulong sa kanilang pamilya.

Si Roma pa pala ang walang naitulong ah? "Hiyang hiya naman sa naitulong mo e puro ka nga sabong talo naman" sa isip isip ng dalaga ngunit hindi n'ya mailabas dahil hindi naman siya bastos.

Tumingin siya sa kanyang ina na parang hindi anak ang turing sa kanya.

"Umalis ka na! Ano pa bang hinihintay mo?"sabi ng ina n'yang mesa demon---

Walang lumabas na kahit na anong salita mula sa bibig ng dalaga dahil mas pinili na lamang n'yang manahimik ay umalis nang mataimtim. Pero habang naglalakad siya ay hindi n'ya mapigilan ang kanyang pagluha.

"Pag ako nakahanap ng maayos na trabaho at umasenso. Who you talaga kayo sa akin." pag aalo n'ya sa kanyang sarili.

Habang nag lalakad ay namataan n'ya ang isang lalaking gusgusin? Pero bakit parang ang gwapo!? Sira sira ang damit nito, nakaupo lang sa isang sulok habang nakasandal sa pader at may hawak na frappe?

Pulubi? Tapos may frappe? Posible ba yun? Baka naman may nagbigay?

Sa kabilang banda ay naramdaman ni Sabby na may nakatingin sa kanya at hindi nga siya nagkamali dahil mayroong isang babaeng nakatitig sa kanya na ngayon ay nagsisimula na siyang lapitan.

Naupo si Roma sa tabi ng lalaki at agad na binuksan ang cake na dala.
Tiningnan n'ya ang lalaki na nakatitig din sa kanya. For some reason Roma feel something unfamilliar.

Binigyan n'ya ng plastic spoon yung pulubi na naka frappe pero hindi ito kaagad tinanggap ng lalaki. Ilang minuto muna n'ya itong tinitigan bago tuluyang abutin kay Roma.

"Alam mo ba? Syempre hindi. Share ko lang a."sabi ng dalaga habang kumakain ng sana'y kanyang birthday cake. "Kain ka rin saluhan mo ako, walang lason yan."

Nakisalo na sa kanya si Sabby habang hindi iniintindi ang mga dumadaang kanina pa sila tinitingnan.

"Birthday ko talaga ngayon e."pagapaptuloy n'ya sa kanyang sinasabi "Dapat talaga nag eenjoy ako ngayon kasi panibagong year panibagong life syempre. Pero ang hindi ko lang lubos maisip e, kung bakit ganon na lang nila ako kadaling ipagtabuyan!?" pagkukwento ng dalaga habang tahimik na nakikinig si Sabby at kumakain ng cake.

"Wala daw akong naitulong sa kanila? Like duh, ako kaya lahat ang gumagastos sa pamamahay na iyon simula ng mag katrabaho ako. . . tapos ganon ganon na lang ang hanep nila." Pagpapatuloy n'ya habang hindi na mapigilan ang pagluha. Parang tanga lumuluha tapos kumakain ng cake. Tears of joy ka girl?

Humarap si Roma kay Sabby na kanina pa nakikinig sa sinasabi ng babae.

"Tapos nakita kita, ang hanep mo a. . . pulubing gusgusin tapos naka frappe? Sa true ba" tanong n'ya sa lalaki pero kumunot ang noo n'ya nang hindi s'ya nito pinansin at patuloy lamang sa pagkain ng cake.

"Alam mo kung may kaya lang ako, binihisan na kita. Pero wala e, pinalayas ako."sabi n'ya sabay iling.

Muling tinitigan ni Roma si Sabby na halos maubos na yung chocolate cake na pa birthday n'ya sa kanyang sarili.

Hinaplos ng dalaga ang buhok ni Sabby na ikinagulat ng binata.

"Hayaan mo sa susunod kong sahod babalik ako dito tapos dadalhan kita ulit ng cake. Ok!"sabi n'ya habang nakangiti. Pero bigla na lang inalis nang lalaki ang pagkakapatong ng kamay ni Roma sa kanyang ulo.

Bigla itong tumayo at dali daling nagtungo sa isang mamahaling kotse na nakaparada sa may parking lot malapit sa kinauupuan nila kanina.

At sumakay. Ano teka! Yung gusgusing pulubi? Naka sports car?

Pero hindi pa nakakaalis ang sasakyan ay bumukas ang bintana nito at sumilip ang binata at nginitian si Roma.

"Totoo ba yun? Si kuyang gusgusin na akala ko pa e pubuli e, naka sports car?" hindi makapaniwalang saad ng dalaga.

Habang nasa kotse naman ay hindi mapigilan ng binata na mapangiti at agad na idenial ang number ng kanyang little sister.

Pagkasagot na pagkasagot pa lamang ay agad na n'yang sinabi ang magandang balita sa kanyang nakababatang kapatid.

"I already found her sis. The girl that I want to marry."

The Girl That I Want To MarryWhere stories live. Discover now